Chapter 2 :D (thank you po sa pagbabasa)

2.6K 29 4
                                    

Kim's POV (parin)

Gabi na nung matapos kaming magbonding ni Maja. Bumalik na ako sa furniture store para tumulong. Yun nga pala ang business nila mama at papa. Sabi ni lola mula pa daw yun sa kinanunu-nunuan namin kaya ganun na lang ang pagpapahalaga ng pamilya namin sa businees na yun. 

"Kim nandito ka na pala. Nasan na si Maja?" salubong sakin ni Mama

"Umuwi na siya ma. Magsasara na po ba tayo?" 

"Oo gabi na rin kasi. Ginabi kayo ni Maja a! Mukhang mahaba-haba ang pinag-usapan niyo. Hanggang kelan daw ba siya dito sa Pinas?"

"Hindi niya na po nasabi sakin e. Pero feeling ko magtatagal yun dito. Namiss niya ang Pinas e. hehe"

"Oh? Hmm dapat pala imbitahin natin siyang magdinner sa bahay minsan."

"Sige ma! Maganda yan! hehe. Thank you ma!" Sabay yakap ko sakanya. Ang sweet namin noh?

"Wala yun anak, basta ikaw! Malakas ka sakin e! tsaka para ko na rin anak yang si Maja. hahaha. O siya bilisan na natin baka hinihintay na tayo nila Julia."

"Sige po." 

Nag-sara na kami ng puwesto para makauwi ng maaga. Naghihintay na kasi yung mga kapatid ko sa bahay. Wala silang kasama dun dahil si Papa nagdedeliver pa ng furnitures sa mga customer. 

Nagtricycle na kami pauwi ng bahay, di naman kalayuan puwede ngang lakarin e kaya lang madilim na sa labas. Delikado maglakad sa labas sa mga panahong 'to. 

"Dito na lang ho manong. Para ho." Pagpapara ni mama sa tricycle driver

"Ito ho ang bayad." :) abot ko sa tric driver

"Tara na Kim." 

"Ma, ate nandito na pala kayo." bati ni Julia

"San ka nanggaling? Bakit ka nandito sa labas?" tanong ko

"Ate naman! Namili lang ako ng mantika. Wala na kasi e." pagdadahilan niya

"Sa susunod wag ka ng lalabas ng bahay kapag madilim na ha! Dapat kanina mo pa yan binili nung maliwanag pa. Anong oras nga yung uwian mo?" 

"5 ate."

"Tignan mo! Dapat pagka-uwi mo tignan mo na kung ano yung mga kailangan mo para sa hapunan para hindi ka na lalabas ng gabi. Alam mo ba kung gaano kadelikado jan sa labas?!"

"Kim! Tama na yan." suway ni mama "Julia tama ang ate mo. Delikado lumabas kapag madilim na. Delikado na sa panahon natin ngayon. Madaming mga siraulo jan baka kung ano pa ang gawin nila sa'yo. Sige na pumasok ka na. Ako na ang magluluto." 

"Ok po." nakayukong sabi ni Julia at pumasok na sa loob

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon