Chapter 15 :D (may nakiki-eksana!!! MY GOSH! hahaha)

1.8K 28 3
                                    

(kinabukasan, 6:00 am)

nandito na ako sa labas ng company building namin at nandito na rin yung mga camera man tsaka iba pang mga tao na may kinalaman sa "shooting" na sinasabi ni Xian. 

"Ayun na siya!" turo ng isang beki

"Ms. Kim ikaw ba yan?" tanong niya nung nakalapit na siya sakin

"Ako nga po." 

"Halika upo ka muna dito. Hintayin lang natin saglit yung make-up artist. Malalate lang siya ng konti."

"Ah ok." 

6:15 am

"Ms. Kim bihis ka muna. Malapit na yung magmamake-up sa'yo. Natraffic siguro." Natataranta na siya at pawis na pawis na. Kanina pa siya lakad ng lakad e. Ano bang nangyayari?

"Ah ano. Ok ka lang ba? Parang tense na tense ka."


"Ah ano kasi.. Ms. Kim. Baka kasi mapagalitan kami ni Sir Xian. Dapat po kasi 6:30 nakaayos na kayo. Malalate kasi yung kasama ko e. Kasi naman sabi ko ibilin na niya sa nanay niya yung lola niya... Ang kulit kasi e!"

"Huh? Bakit? Ano bang nangyari sa lola niya?"

"Nasa ospital po kasi. May sakit. Matagal na yun nasa ospital e. Kaya palagi siyang late. Pero malaking kumpanya po kasi kayo ngayon kaya dapat talaga binilin na lang niya. TSK. Baka mawalan pa kami ng sweldo ngayon."

"Huh? Maaga pa naman e."

"6:15 na po e. 15 minutes na lang. 10 minutes pa niya siguro kayo mamake-up-an. Kasi naman."

"Ano ka ba! Chill ka lang! Parating na yun. Saan nga pala ako magbibihis."

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon