chua123456789 ito na ang next chapter ^___^ sana magustuhan mo. Sana magustuhan niyo :) ❤ God bless
=============================================================================================================
"Ma. Isasama ko po si Kim ngayon ha. Nakaleave po kami sa trabaho para planuhin yung engagement party namin."
"Ah ganun ba. O sige nak isama mo yan si Kim. Mag-iingat kayo ha."
"Thank you ma." kiniss niya si mama sa pisngi at nagpaalam na. "Bye ma. Una na kami ni Kim."
"Bye ma." hindi na ako nag-inarte pa. Naisip ko na kapag pumasok ako sa opisina baka kung anu-ano ang tanungin ng mga katrabaho ko tapos wala pa dun si Xian. Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko dun... tss.
"Let's go." Favorite line na ata yan ni Xian. Palagi na lang niya yan sinasabi.
Hinawakan niya yung likod ko at siyempre agad ko naman yung tinanggal.
Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto.
"Thanks."
Nang nakapasok na siya sa kotse at nagsimula ng magdrive tinanong niya "Saan mo gustong pumunta Kim?"
"Huh? Di ba pupuntahan natin yung mga may kinalaman sa 'ENGAGEMENT' party natin?"
"Haha. Wag mo na alalahanin yun. I've already told someone to do that for us."
"Huh? Edi san pala tayo ngayon?"
"Tinatanong nga kita wifey ee."
"Aba malay ko.. Ikaw na lang bahala. Hindi ko alam kung saan tayo puwedeng pumunta e."
"Hmm.. Sige bumili na muna tayo ng susuotin natin for our engagement. Yun nalang naman ang kulang." :)
"Sige. Sabi mo e."
"hahaha."
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw?"
"Ako? Bakit naman?"
"Mas gumaganda ka kasi kapag di ka nagsusungit e." *wink*
"Huy! Mabangga tayo! Tumingin ka nga sa daan" at wag mo akong tignan. Kinikilig kasi ako .. :"> HALA!!! NASISIRAAN NA YATA AKO!!
"Kim..."
"Bakit?"
"Si Daniel Padilla ka ba?"
"Ano? hahaha. Anong nakain mo Xian?! hahaha"
"Sabihin mo.. bakit.."
"Tss. Oh bakit?"
"Kasi... neseye ne eng lehet. hahahaha"
"Korny mo! hahaha"
"Akala ko ba korny ako? E bakit ka tumawa?" :P
"Para kang bata Xian!"
"hahaha. Hindi a!"
"Bahala ka sa buhay mo."
"Ui Kim!"
"Bakit nanaman?"
"Thank you."
"Para saan?"
"Dito. Thank you dahil pumayag ka to get engaged with me. I know that this isn't a joke pero naiintindihan mo naman ang dahilan ko di ba?" sagot niya ng nakatingin lang sa daan.
tinignan ko siya.. "dahil mahal mo ang trabaho mo?"
"dahil yun ang tumulong sakin para makilala ko ang sarili ko."
BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
FanfictionGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...