Xian’s POV
Ito na ba ang katapusan para samin ni Kim?
Well… wala naman talagang ‘kami’ since then. Pero sa ilang araw na nakasama ko siya.. Nadala ako. Nagbago ang buhay ko. Noon.. yung trabaho ko sa America ang pinakimportanteng bagay sakin. Pero ngayon parang ayoko na. Napakawalang kwenta kong tao. Nanggamit pa ako ng iba para walang katuturang bagay. Xian what are you up to?
Bakit parang nanghihinayang ako? Bakit parang gusto kong ibalik ang oras? Sa mga oras na nagkukulitan kami ni Kim. Paano kaya kung hindi arranged ang lahat ng ito? Paano kung ‘totoo’ ang lahat ng yun? Magkakaroon kaya kami ng Happy Ending together?
Ano ba naman itong iniisip ko? Para naman akong bumatang naging babae. Dahil sa sinabi ni Kim tungkol sa pangarap niya sa buhay parang gusto kong ganun na lang din at parang gusto kong tulungan siyang tuprin ang mga yun. Gusto ko kasama niya ako sa mga panahong tinutupad niya ang mga iyon.
(Edi Go Go Go na Xian! Sige na!! Aminin mo na kay Kim! Sabihin mo na!!!)
Calling Kim…
Kim?
Xian?
May ginagawa ka ba ngayon?
Ha? … Wala naman…
Puwede ba tayong magkita?
….
(Fine Dining Restaurant)
Kim’s POV
“Kim.. you look beautiful.”
“Tumigil ka nga…” Nakakainis ka talaga Xian! Pinipigilan ko na nga yung nararamdaman ko para sa’yo tapos eto… hmmm. Bakit ba kasi ako pumayag dito?? HAAAYY!!
“It’s true” *smile* Xian naman! Please lang! Kung alam mo lang kung gaano kahirap ang pagpipigil na ginagawa ko… haaaaayyy
“Sige na. Kumain na tayo.”
*eat*
*eat*
“Kim Pakasal Na Tayo.”
*ubo* *ubo* “Ano?!”
“Ui. Ok ka lang? Uminom ka muna.” Lumapit siya sakin tapos pinainom ako. “Pinainom” talaga!
*inom* *punas ng bibig* “Saglit lang ha. Hindi kasi maprocess ng utak ko yung sinabi mo. Puwede paulit?”
“Huh? A.. ano.. Pakasal Na Tayo.”
“Bakit?”
“Bakit?”
“Bakit gusto mo akong pakasalan?” Dahil ba mahal niya rin ako? Or not?
“Huh? Kasi gusto ko. Tsaka gusto kitang samahang tuparin yung mga pangarap mo?”
“Dahil mahal mo ako?”
Xian’s POV
“Dahil mahal mo ako?” dahil mahal ko siya? Yun nga ba? Baka kapag sinabi kong oo baka pagtawanan niya lang ako.
“Siguro.” Para safe
“Siguro?”
“Siguro mahal kita?”
“Haha. Nagpapatawa ka ba?”
“Hindi.”
“Xian bago ka magdesisyon alamin mo muna kung ano talaga ang gusto mo? Wag kang magpadalos dalos dahil baka baling araw pagsisihan mo. Xian hindi biro ang pagpapakasal. At ginagawa lang yun ng dalawang taong nagmamahalan.”
“Ayaw mo?”
“Hindi ka pa handa.”
“Pano mo nasabing hindi pa ako handa? Aalukin ba kita ng kasal kung alam kong pagsisihan ko at hindi pa ako handa?”
“Xian alam mo? Kilalanin mo muna ang sarili mo bago mo kilalanin ang ibang tao.”
“Kim sabihin mo na lang kung ayaw mo hindi yung pinapamukha mo saking hindi ko kaya.”
“Xian wala akong pinapamukha sa’yo. Sinasabi ko lang sa’yo kung ano yung nasa pananaw ko. Pero kung ayaw mo ode sige. So ano Xian? Good bye nab a? Hanggang dito na lang ito? Good bye for good?” tumulo na yung luha ko at agad akong tumalikod at tumakbo papunta sa high way. Ayun taxi. Para!
“Kim!” Dahil sa sinabi niya. Lalo lang akong nasaktan. Kaibigan lang ang tingin niya sakin. Hindi niya masabing mahal niya ako. Kung tinanong niya ako kung mahal ko siya. Hindi ako magdadalwang isip na sabihin sa kanya. Dahil sa sinabi sakin ni mama. Ok lang kahit pagtawanan niya ako. Pero ang sakit lang. Kaibigan lang pala ako sakanya. Gusto niyang magpakasal. Pero hindi pa siya handa. Baka lalo lang kaming magbangayan kapag naging mag-asawa kami at baka mamaya maghiwalay pa kami. Mas mahirap naman kapag nangyari yun di ba?
Hindi niya na ako naabutan. Nagtaxi na ako pauwi ng bahay. At ayun umiyak nanaman ako ng walang katapusan hanggang sa makatulog ako. Ni hindi man lang ako nakashower maski nga ang magpalit ng damit hindi ko nagawa. Hayy :’( Ito na ba ang katapusan para samin?
====================================================================================================================================
Siyempre hindi ako papaya na hanggang diyan na lang ang katapusan niyo! Nakoo! No way! Hahaha :) Abangan natin ang nalalapit na katapusan ng PNT ^^
Quote of the Chapter: Life is like an open book. We always turn to new pages and grow into new chapters, but we always hope that we all get a happy ending. ^^ ❤ ❤ ❤
Thank you pos a walang sawang suporta sa PNT ^^ I LOVE YOU ALL~~~ ❤ MWAH~~ ❤ God bless
BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
Hayran KurguGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...