Hindi nagtagal bago napagdesisyunang magpa-isang dibdib o magpakasal nila Kim at Xian. Actually.. hindi talaga nagtagal.
Ilang araw lang ang nakalipas at nagpropose na si Xian kay Kim. At bongga.. nagpropose siya sa ibang bansa..
(Ano 'to? Advance honeymoon??? Nakoo nakoo nakoo... hahaha)
Nagpunta sila sa ibang bansa dahil.... magreresign na si Xian sa trabaho niya. Napagdesisyunan niyang tumira na sa pilipinas for good dahil nga nalaman niay na kung ano yung mga bagay na pinakaimportante sakanya. At ang lahat ng iyon ay nasa Pilipinas. Kaya walang dala-dalawang isip nagresign siya. Sinama niya si Kim para ikwento sa minamahal ang naging buhay niya sa States.
Hindi pala naging madali ang buhay ni Xian sa ibang bansa. Nagtrabaho siya sa kung saan saan para masuportahan ang sarili habang naghihintay ng trabahong tumanggap sakanya. Hindi siya humingi ng financial support o kahit na anong tulong mula sa kanyang magulang/pamilya noong nanirahan siya sa States. Nabuhay siyang mag-isa at dahil sa pagtiyatiyaga ay nakamit niya ang matagal na niyang hinihintay na trabaho. Napakasaya niya noong nakarating sakanya ang balitang natanggap na siya sa trabaho. Pero wala pang isang taon ang nakakalipas ay malungkto na siya at tila hindi na naeengganyong ipagpatuloy pa ang trabaho niya kaya naman... naisipan niyang umuwi sa Pilipinas. At doon nga nagsimula ang kwento ng pag-ibig nila ni Kim.
Kinuwento niya ang lahat ng iyon kay Kim. Ipinaalam niya ang lahat ng bagay na tungkol sa kanya. Walang sikreto... Walang lihim na itinatago. Mahal na mahal ni Xian si Kim at handa siyang bitiwan ang lahat para lang sa pagmamahal niya sa dalaga. Pero siyempre mahal niya rin ang pamilya niya at hindi na muling magagawang iwan sila... Alam naman niyang hindi hihilingin ni Kim na bitawan ang pamilya niya para lang mapatunayan ang pagmamahal ni Xian sa kanya.
(Siyempre! Anghel kaya si Kim! hmm. Nakoo! Swerte niyo sa isa't isa! Kayo na talaga! Hahaha.. Inggit much.. haha. Jk)
Noong araw bago sila bumalik sa Pilipinas nagpropose si Xian..
"Oh bakit tayo nandito? Hindi mo man lang sinabing magpupunta tayo sa beach. Tsaka may beach din pala dito sa America. Ahh.. ito ba yung nagiging ice skating rink kapag winter dito? ui!"
BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
Hayran KurguGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...