Chapter 18 :D (Mr. Anghelito vs. Superman hahaha)

1.7K 27 4
                                    

(still) Kim's POV

nafeefeel ko na ang pagbagsak ng ulo ko.. para akong nauubusan ng lakas... SUPERMAN help me...

(A/N: Kim bakit si superman ang tinawag mo??? Bakit hindi si Mr. Anghelito!!!???)

"HELLO!!!!" ^____^ anong ginagawa ng mokong na 'to dito?? wala akong panahon para sa mga pang-aasar niya ngayon

"anong ginaga..." wait nahihilo na ako. naghe-head bang na'ko dito... kailangan ko ng kumain...

"ui! ok ka lang ba? anong nangyayari sa'yo???!!" tanong ng mokong

"ui kim!! sabi ko kasi kumain ka e. Mr. Pogi kaanu-ano ka ni Kim?" Maricris sa kalagayan kong 'to dumadamoves ka pa jan ha!

"hmm.." naaninag kong tumingin siya sakin bago niya sinabing "kaibigan niya ako."

"ah ganun ba. yang kaibigan mo kasi ang tigas ng ulo. ayaw maglunch pag-uwi na lang daw niya siya kakakain.. nakoo.. ok ka lang ba Kim? anong gusto mo? HUY MARCUS AT JOHN!! WALA BA KAYONG MAITUTULONG JAN??!!"

"ano ka ba naman Maricris!! nanjan na nga yung boyfriend ni Kim tapos nakikisingit ka pa. Tumahimik ka na nga lang jan!"

"ang sungit natin ngayon ah! menopause?!"

"ewan ko sa'yo!"

"ai taray... Kim ok ka lang? nagugutom ka ba? anong gusto mong kainin?"

"ah Maricris.. isasama ko na lang si Kim sa baba para makakain muna siya. Pakisabi na lang sa boss niyo ha." pagkatapos niyang magbilin kay Maricris inakbay niya yung kamay ko sa balikat niya at inalalayang maglakad

"o sige."

inalalayan ako ni Gerald hanggang sa makarating na kami sa car park. Sinakay niya ako sa sasakyan niya at nagpunta kami sa isang restaurant.

"Kim anong gusto mo?"

"kaw na bahala..." sabi ko ng nanghihina pa rin

"sige sandali lang ha. kaya mo pa ba?"

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon