Kim's POV
"Xian anong probelma mo?!"
"Oras ng trabaho ngayon Ms. Kim Chiu. I'm your boss and that gives me the right to ask where you went to."
"ah brad ikaw pala yung boss ni Kim. Kumain lang kami kasi..."
"totoo ngang kumain lang kayo... oras ng trabaho nakuha mo pang makipagdate. Tambak ang trabaho sa departmemt natin ngayon Ms. Chiu. alam mo ba yun? let's go." hinila niya yung kamay ko at kinaladkad (ok. OA lang) ako papunta sa department namin
"brad saglit lang.."
patuloy pa rin si Xian sa pagkakaladkad sakin at patuloy din namang humahabol si Gerald hanggang sa nakarating na kami sa department namin
"Brad ano bang problema mo??!!"
"Excuse me Mister pero may kumpanya kaming pinapatakbo dito kaya wala kaming oras para sa'yo."
"teka lang."
"Boogsh!!" O.O sinapak ni Gerald si Xian. Ano bang problema nilang dalawa.
"kita mo na. ayan na ang sinasabi ko sa'yo. kasalanan mo 'to Marcus. tsk tsk tsk. Mr. Pogi. 1 point." pasimpleng bulong ni Maricris kay Marc habang nanunuod ng laban ni Pacquiao.. este Xian at Gerald
"tumigil ka nga jan Maricris." bulong back niya
(A/N: hehehe bago yun ah. 'bulong back')
"Ano bang problema mo pare??!!!" pagalit ng tanong ni Xian at halatang halata sa mukha niya ang galit.. patay. Bakit mo naman kasi siya sinuntok Gerald!!? pano na 'to?!
"Kinakausap pa kasi kita Brad umaalis ka na. Parang masyado ka naman yatang mahigpit kay Kim.." pagkabanggit ng pangalan ko ay tumingin sakin lahat ng audience also known as officemates ko. "..ilang oras lang siya nawala at kakatapos lang naman ng lunch break. Ikaw yata ang dahilan kung bakit hindi nakakain at nakakatulog ng maayos si Kim e."
(A/N: yiie ♡ ♥ ♡ Kim yung totoo? hindi nakakain at hindi nakakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kay Xian? tama ba? hahaha. sorry panira ng moment)
"Anong ibigsabihin mo?"
"Gerald umalis ka na." awat ko. Lalo lang lalaki ang gulo e. Ok lang naman ako. gutom lang yun tsaka itutulog ko lang 'to tapos ok na ako.
"teka lang Kim ipapaliwanag ko lang dito sa boss mo na magdaday-off ka bukas dahil kailangan mong magpahinga ng maayos."
"magpahinga? bakit? anong nangyari? Kim, anong nangyari?"
tinignan ko si Xian ng ang-OA-mo-look at tinignan ko rin si Gerald with isa-ka-pa look. "wala. Gerald umalis ka na..."sabi ko ng mahina. nakakahiya na. center of attraction na kami dito. Himala na lang siguro kapag hindi ako pinagtsismisan ng mga katrabaho ko pagkatapos ng pangyayaring ito
"hindi ako aalis dito hanggat hindi ko naipapaliwanag ang lahat ng bagay na dapat malaman ng boss mo... Hinimatay lang naman siya gawa ng kulang sa tulog, di tamang pagkain at severe stress na dinudulot mo." ano ba naman 'to si Gerald. ako naman ang may maling desisyon kaya nangyari yun e... nako naman..
"what?! totoo ba Kim?"
"tumigil na nga kayo.. Gerald umalis ka na.. sige na.." sabi ko ulit ng pabulong kailangan na nilang tapusin ang iskandalong ito sa lalong madaling panahon
"hindi Kim. gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'to."
"haha. nagpapatawa ka ba Brad?! Kailangan mong malaman? Bakit sino ka ba? Ang kailangan lang namin ay bigyan mo si Kim ng day off bukas kundi magreresign na siya ngayon din." ano ba namang pinagsasabi ni Gerald?! Napupuno na ako ha! isang isa na lang
"ano ba tama na..."
"Hindi magreresign si Kim hanggang nandidito ako." O.O nagulat kaming lahat. Yan ang sa palagay ko kasi napatitig kaming lahat sa kanya including Gerald.. anong sinasabi niya?!!
"at bakit naman brad? katulong mo ba si Kim?!" lumipat naman ang tingin ng lahat kay Gerald. Grabe si Gerald!!! Hindi niya ba alam na pinapahiya niya lang ako dahil sa mga sinasabi niya?!
"hindi ko siya katulong. Fiancé ko siya." OoO Xian!!!! ano bang mga pinagsasabi mo?! Punong puno na ako sa mga lalaking 'to. Ngayong pag-uusapan na ng mga katrabaho ko ang tungkol dun at di magtatagal kakalat na rin yun sa buong companya. At dagdag pa dun .. sila Xian ang may-ari ng kumpanyang 'to!! waaaahhh!! ayoko na!!
tinignan ko si Gerald tapos irap tapos tinignan ko naman si Xian at inirapan ko din. Naglakad na akong padabog papunta sa pinto. Gusto ko munang makapag-isa...
pero...
OoO Anong klaseng araw ba 'to???!! May ikamamalas pa ba ako??!! Nakatayo sa may pinto ang lola ni Xian at sigurado akong narinig niya ang lahat paano ba naman ^o^ << ganyan ang itsura niya. At mas malala pa nung niyakap niya ako!!! buhay nga naman o!! Wala na akong takas ditoooo!!! >·<
"I'm glad you have decided to get engaged apo. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya."
"a.. hin.." babawiin ko sana yung sinabi ni Xian pero uso ata ang sabatan
"yes lola. I.. We have decided to get engaged." nilapitan niya pa ako at inakbayan. Pasimple kong tinatanggal yung akbay niya pero niyakap niya ako!! infronf of these people... Xian nasisiraan ka na ba talaga???!!
"aww. I'm glad to hear that Xian. matutuwa ang mommy at daddy mo. pati na rin si Clarence. Magkakaroon na siya ng ate.. awww. I'm so happy. And I'm thankful na si Kim ang napili mong babaeng makakasama habang buhay." ^_^ <
Bigla na lang umalis si Gerald. Wala naman akong dapat ipaliwanag sakanya at tsaka siya ang nagsimula ng lahat ng 'to. Kung hindi niya sinuntok si Xian hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to. Isa pa sinabi ko naman na sakanya dati na may nag-alok sakin ng kasal. Tss. Bahala siya. Pero... WAAAAAA!!! AYOKO NA!!! sana panaginip lang 'to. Kim gising! gising!
"Do you want to join me? Tsaka planuhin na rin natin ang engagement party niyo." sabi niya samin ni Xian. "at dahil alam niyo ng lahat. hmmm. invited kayo! hehehe" announce naman niya sa department namin at sa saglit na'yon nagkaron ng 'mini party' sa opisina. jk, maingay lang.
"sure lola." sagot ni Xian. "let"s go?" sabay ngiti niya :D hindi niya hinintay yung sagot ko at hinawakan na niya yun kamay ko. Pilit kong tinatanggal yun pero malakas siya at di ba nga nawalan ako ng malay kanina.
"oh wait. Lola I'll just get Kim's bag."
"sige apo." pumunta na si Xian. Si lola naman niya lumapit sakin at hinawakan yung mga kamay ko. "Buti naman at napagdesisyunan mo ng pumayag dito Kim. Maraming salamat. Matagal ko ng gustong makasama ulit si Xian. Sobrang tagal niyang nawala at natatakot akong baka mangyari ulit yun at tuluyan na siyang hindi magpakita. Nag-aalala lang naman ako ngayon kasi matanda na kami ng lolo niya at gusto namin siyang makasama sa mga natitira naming mga araw."
"..." wala akong nasabi kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kontra ako dito pero ayaw ko namang palungkutin si lola ni Xian ngayon. Ang saya saya niya e. Nakoo.. pano ako makakatakas dito??
================================================================================================================
yun ay kung may takas ka pa Kim. hahaha. Brave Xian. brinoadcast niya sa lahat na ma-eengage na sila ni Kim... hahaha. all because of his... jelous much?! hahaha. Xian.. Xian.. tingin mo may takas ka pa?? tsk tsk tsk. hahaha this is getting more exciting. (para sakin. hehehe)
Quote of the Chapter: God is good, all the time ♥ ♥ ♥
HEHEHE ^_____^ sana po nagustuhan niyo. maraming maraming salamat po sa pagbabasa!!~ :) God bless
BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
FanfictionGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...