Chapter 21 :D (binabad na bangus)

1.8K 29 3
                                    

"Sorry for all the things that I made and in advance... sorry for the things that I'll make."

"Xian nasisiraan ka na ba?" humiwalay ako sa pagkakayakap niya

"Totoo ba yung sinabi nung kaibigan mo na nagkasakit ka? Ok ka na ba ngayon? How do you feel?"

"Wag kang OA. Gutom, pagod at puyat lang yun. Nakakain na ako kaya pagkagising ko bukas ok na ako. Sige una na ako. Salamat."

"Salamat din." Natuluyan na nga yata 'tong taong 'to. Kung anu-anong sinasabi.. tsss. Nahawa na ata saken... engks.. hahaha

Patulog na ako ng may nagtext

"Wifey!" Aba! At alam pala niya ang number ko... tss. Malas ng naman o.

"Hey wifey!" Manigas ka!

"Wifey please text back." Nek nek mo!!!

"Wifey naman e!" Ano ba yan istorbo sa tulog.

Hindi lang yan ang mga text niya, tinadtad niya ako hanggang sa mapuno na ako.

"Ano ba ang trip mo ha Xian???!!! Natutulog ang tao e!!!"

"Naistorbo ko ba ang pagtulog mo Wifey? Sige pala tulog ka na. Sunduin na lang kita bukas ha."

"Bakit mo ako susunduin??"

"Di ba nga on leave tayo? We'll plan about our engagement party."

"Ikaw na lang. Tutal ikaw lang naman ang nagdesisyon tugkol dun. Nyt! God bless"

"Please?" Please mo mukha mo. Natulog na ako at sinilent ko na yung cellphone ko. Bakit ngayon ko lang yun ginawa?! Tss. Istorbo aii...

6:30 am

"Anak!! Kim!!! Nandito na si Xian!!"

"ANO MA??" Sigaw ko mula sa cr. Hindi ko kasi naintindihan yung sinasabi ni mama.

"Si Xian!! Nandito na!!" ANO??!! NANDITO SIYA??!! Talagang tinotoo niya yung sinabi niya ha.

Pwes... maghintay siya

7:00

Nandito pa rin ako sa banyo pero nakabihis na ako. Ewan ko nga kung bakit hindi pa ako bumababa e. Puwede namang hindi na lang ako sumama kay Xian at pumasok na sa trabaho.

"Ate!! Matagal ka pa ba jan??!! Malalate na kami!!" Sigaw ni Sharles mula sa labas ng pinto

Ai oo nga pala!! ! May pasok pala sila...

Lumabas na ako ng banyo.

"Ma!!! Nandito na si ate!!!" Sigaw nitong madaldal kong kapatid na si Julia

"Ssssh!!" Bawal ko sakanya kahit alam kong hindi na niya mababawi ang pagsigaw niya

"Ate! Kawawa dun si Kuya Xian. Kanina pa siya naghihintay. Ikaw ha! Magpapa-engage na pala kayo di mo man lang sinasabi. Hahaha."

"Tumigil ka nga jan Jules!"

"Nakakainis ka ate!!"

"Thank you. Hahaha" at ano pa mga ba.. edi bumaba na.. nakakapagod magtago. Hahaha

"Oh anak nanjan ka na pala.." wala ma. Wala. Kakambal ko lang 'to.

"Kim!" Hindi.. kimmy! Kimmy!! Bakit ba nakakaewan mga tao ngayon. O sadyang malakas lang ang trip ko ngayon

"Anong agahan ma?"

"Binabad na bangus nak."

"Wow. Ang sarap naman." Umupo ako sa kainan at kumain habang si Xian ay nakaupo dun sa sofa sa sala

"Xian! Bakit di mo pa sabayan si Kim?"

"Po?" Galang galangan niya. Nakooo. Po po pang nalalaman. Tsss.

"Kumain ka na dito." Yaya ni mama sakanya. Agad agad naman siyang tumayo at tinignan ang ulam. Mukhang ayaw niya... hmm >:)

"Oh nakatayo kang kakain? Umupo ka na. Bilis. Kain na." sabi ko. hahaha.

Sa ayaw at sa gusto mo kakain ka. Hahaha

"Ah... e..." tinignan ko siya ng masama at sinenyas ko gamit ang mata ko si mama. Kaya naman nanahimik na siya at kumain...

.... O.O

"Ma ang sarap nito! First time kong kumain nito at ang sarap pala! Hmm!" Nagustuhan niya?! Sira ang plano!! Akala ko masusuka siya o ewan. Ano ba ang ieexpect mo e anak mayaman tsaka tatlong taong nasa states straight e. Tsss.

"Nako Xian. Dito ka na lang palagi mag-almusal. Araw araw kitang paglulutuan niyan. Hahaha"

"MA! Baka maniwala!"

"Bakit? Seryoso naman ako ee.. ano Xian? Dito ka na ba mag-aalmusal palagi?"

Wag kang pumayag

Wag kang pumayag

Wag kang pumayag

"OK PO MA!" sabi niya na prang batang tuwang tuwa. Ang babaw ng kaligayaham nito. Tsss. At nawiwili yata siyang tawaging ang mama ko ng mama. Nakakainis siya ha! At ito namang si mama parang si Xian ang anak niya dito a.. tsss.

Nauna akong natapos kumain kay Xian. Pano ba naman nakakawalang gana. Tss. Pagbalik ko pagkatapos magtoothbrush e nakita kong naubos ni Xian yung agahan namin. Halimaw lang?! Buti na lang at wala ng kakain. Nakooo. Sarap upakan. Hahaha

"Let's go?"

"Hahahahahahahaha!!!" May tinga siya! Lols! Nasa pinakaharap pa! At yung hininga niya... ang... baho

"Why?"

"Ma! May toohbrush po ba kayo jan?"

"Bakit nak?"

"May nangangailangan kasi dito ma. Hahaha"

"Xian ito o." bigay sakanya ng (syempre bagong) toothbrush ni mama. 

"San yung cr niyo?" tanong niya sakin

"Nandun." Sinamahan ko na siya baka kasi kung saan saan magsuot e.. mahirap na. Hahaha

===================================================================================

Yiie lumalalim na ang kanilang RELATIONSHOP. Mama na rin ang tawag ni Xian sa mama ni Kim. Good sign. Hahaha :) let's wait for the next happening....

Quote of the Chapter: God sent every person we met for a reason, it's either to learn from them or to be with them forever ♥ ♥ ♥

Sorry po hanggang dito na lang ang kaya ng mata at utak ko. Hehe :) sana po nagustuhan niyo. Salamat sa pagbabasa! Love you all!!~ ♡ God bless

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon