Kim's POV
"Kim ano yung hindi mo natapos kanina?"
"anong hindi ko natapos?"
"Yung sinasabi mo kanina..."
"hindi ko maalala."
"Di ba nag-uusap tayo kanina tungkol sa mga gusto natin sa buhay?"
"A yun ba? Hmm. Sabi ko priority ko ang pamilya ko at bapang araw... syempre... gusto ko magkaroon ng ano."
"Ano?"
"Yun nga."
"Ano nga?"
"Pamilya."
"Di ko gets." Naka naman! Ayaw ko nga sabihin ng diretsahan dahil ang AWKWARD !!
"Sabi ko balang araw gusto ko magkaroon ng sariling pamilya..."
Tinignan niya lang ako at nagpatuloyna mahdrive. Anong problema nito?! =_=
"Itutuloy pa ba natin 'to?" Bigla noyang sabi na siyang ikinagulat ko. Lasi ang tahi-tahimik tapos magsasalita siya tungkol sa mga bagay na ganun. Tsss.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Itutuloy pa ba natin itong engagement natin?"
"Ano?!"
"Baka nagbago na ang isip mo?"
"Ako?! Baka nagbago ang isip KO?!"
"...."
"Xian may problema ba?"
"Wala naman. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Saan mo gustong pumunta?"
Iniba niya yung usapan.. =_= Ano bang problema niya?! Alam ko may problema siya.. pero... paano niya magagawang itigil na lang ng basta basta itong kalokohang ginawa niya. Pagkatapos naming bumili ng damit? Pagkatapos niyang ibilin na asikasuhin ang mga kakailanganin? Pagkatapos niyang ibroadcasg sa opisina? At pagkatapos niya akong... sa wakas... napapayag? Basta basta na lang niyang ititigil ito? Pumayag na nga akong magpagamit tapos ano?! Ano sa tingin niya ang mangyayari sakin pagkatapos ng lahat ng ito?! Sa tingin niya ba magiging normal pa rin ang buhay ko?!
Para malaman niya pagkatapos ng engagement at kapag iniwan niya na ako magiging isang babaeng iniwan ng fiancè na lang ako... Tapos kakailangan ko pang adjust.. Samantalang siya nasa America namumuhay ng buhay na gusto niya. Ganun naman talaga ang mayayaman. Gastos dito gastos diyan. Kahit magkano ang gastusin basta makuha lang nila ang gusto nila... >·<
"Kim! San tayo?"
"Xian wala ka bang ibang dapat puntahan?"
"Cinancel ko na lahat."
"Bakit?!"
"Anong bakit?! May problema ka ba Kim? Bakit ka nagkakaganyan?!"
"At akong pang may problema ngayon? Ikaw ang may problema Xian!!!"
"Ano??!!!"
"Bakit ako ba ang may gusto nito? Ako ba ang nagpumilit na sumakay sa bagay na gustong mangyari ng pamilya natin? Ako ba ang handang mangloko ng pamilya para lang sa trabaho ko saAmerica? At ako ba ang gustong umatras pagkatapos ng lahat ng napagdaanan natin? Ako ba?! Ako ba Xian?!!!" Siguro dahil sa galit... hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko
Nakatitig lang sakin si Xian.. at yung expression ng mukha niya nagbago mula sa pagiging galit e naging malungkot tapos sinabi niya, "Mainit ang ulo natin wag na muma natin 'tong pag-usapan.. mamaya na lang... o kaya.. bukas?"
"Bahala ka. Puwede bang ibaba mo na lang ako jan." Naguguluhan pa rin ako at medyo nagagalit... Baka dahil nanghihinayang ako sa mga ginastos niya... o baka naman dahil.... HINDI KIM! ILANG ARAW PA LANG ANG NAKAKALIPAS SIMULA NG MAGKAKILALA KAMI.. HINDI KIM. Hindi ito maaari.
"Ihahatid na kita. Alam kong kailangan muna nating makapag-isip. Saan ka pupunta?"
"Sa kaibigan ko. Dun lang malapit sa may park."
"Ok."
Gaya nga ng sinabi ko dati.. sa mga panahong ganito... si Maja lang ang maasahan ko.m
Nakarating na kami sa kumpanya nila Maja at binaba na niya ako.
Ayun. Nakita ko na si Maja. Pero may kausap siya... nakatalikod..
"Maja!" Tawag ko sakanya.
Tinignan niya lang ako tapos tinignan yung kausap niya.
Lumapit siya sakin at iniwan yung kausap niya
"O kim. May problema ba?"
"A.. oo e.. pero sino..." itatanong ko sana kung sino yung kausap niya pero sinagot na ng sarili kong mata ang tanong ko.
Si Gerald.
===============================================================================================================
Hala! 3 araw na lang tapos engagement na nila pero bakit gusto ng umatras ni Xian? My gosh! Anong nangyayari?! At gerald ano nanamang eksana mo ngayon? Hahaha. Malalaman natin yan... soon!
Quote of the Chapter: Loving someone who doesn't love you back is like waiting for a ship in the airport. </3
Thank you thank you po mga readers!! Malapit na itong matapos. By the end of April tapos na ito. Sana hintayin niyo ang katapusan!! :) ♥ ♥ ♥ God bless
![](https://img.wattpad.com/cover/4692875-288-k738221.jpg)
BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
FanfictionGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...