Xian-Erich
Noong magkarelasyon si Xian at Erich nalaman ni Xian na magkapatid sila sa ina hindi niya itong hinayaang makasira sa relasyon nila. Ngunit dahil mahal na mahal niya ang dalaga napagdesisyunan niyang huwag na lang itong ipaalam sakanya dahil ok naman ang pamilya nila. Kasama pa rin ng Mommy ni Xian ang Daddy niya at si Erich naman masayang namumuhay kasama ang Daddy niya. Nagtagal pa ang relasyon nila pero isang araw napag-alaman ni Xian na buntis si Erich sa kaibigan nilang si Enchong. Naisip ni Xian na walang pinagkaiba si Erich sa Mommy nila. Minahal naman sila ng lalaking gusto nila pero naghanap pa sila ng iba. Iyon ang dahilan ng pagbrea-break up nila. Nagpunta si Xian sa America dahil sa magulang (Mother) niya at dahil na rin sa pagkamuhi kay Erich. After 3 years nagkita ulit sila. Naisip ni Xian na kalimutan na ang lahat at ipagpatuloy na lang ang buhay. Naisip niya ring patawarin na si Erich. Pero dahil nga hindi alam ni Erich na magkapatid sila, gusto nitong makipagbalikan sakanya.
"Xian I want you back."
"No Erich. Hindi ba may anak na kayo ni Enchong?"
"Pero Xian napag-usapan na namin yun. Si Enchong na ang bahala sa anak niya, si Aaron. Xian let's get back together. Ok?"
"I'm getting married Erich."
"Married?! Haha. Niloloko mo ba ako Xian?"
Nginitian siya ni Xian (sarcastic smile) at lumingon. Saktong sakto nakita niya si Kim. That time naiinis siya kay Erich kaya naman inakala ni Kim na galit si Xian sakanya. "I'll marry that girl. Kim Chiu."
Simula noon nagplano na si Erich ng kung anu-ano para pigilan ang pagpapakasal ni Xian at Kim. At dahil napakapowerful niyang tao napag-alaman niyang arranged marriage lang ito kaya patuloy niya pa ring kinukumbinsi si Xian na makipagbalikan sakanya. Hanggang sa malaman niyang magkapatid pala sila...
●●●●●●●●●
Kim-Gerald
Matalik na magkaibigan si Kim at Gerald noon. Marami pa silang ibang kaibigan pero silang dalawa ang pinaka-close sa isa't isa. Bunga ng malalim na pagkakaibigan at pagkakaintindihan ay nagkaroon sila ng di inaasahang relasyon. Pero isang gabi lumabas si Gerald kasama ang mga kaibigan niya noong high school. (Kasama doon si Enchong) Noong gabing iyon tinawagan siya ng kaibigan niya ring si Maja. Sinabi ni Maja sakanya na sinundan niya raw si Enchong at nakita niyang nakipagkita sila sa mga babae. Iyak ng iyak si Maja noon kaya sinabi ni Kim na mabuti pa tignan nila para makasigurdo. At yun huli sa akto nakikipaglandian sa mga babae. Ang malala pa dun mayroon na palang ibang 'CHICKS' ang mga boyfriend nila. Doon nagsimula ang malalim na pagkakaibigan ni Maja at Kim. Humingi ng tawad si Gerald kay Kim pero masyadong nasaktan si Kim dahil na rin sa first love, first boyfriend at bestfriend niya ito. Kahit sino naman ay masasaktan dahil sa ginawa ni Gerald.
●●●●●●●●●
Maja-Enchong,Erich-Enchong
Nakilala ni Maja si Enchong dahil blinind date sila ni Gerald. Nahulog sila sa isa't isa pero dahil pilyo si Enchong nakipagrelasyon siya sa kanyang first love na si Erich. At hindi lang pala relasyon... nabuntis niya si Erich kaya dapat niya itong panindigan pero hindi niya magawang sabihin kay Maja dahil napakabait nitong babae at girlfriend. Pero isang araw nahuli sila ni Maja at Kim na nakikipagkita sa ibang babae at iyon ang naging dahilan ng pagbrea-break nila. Noong pormal na nilang pinag-usapan angpagbreabreak nila inamin na ni Enchong ang tungkol kay Erich. Lalong nasaktan si Maja kaya napagdesisyunan ni Enchong na manirahan na lang sa ibang bansa kapag kapanganak ni Erich. Ayaw din naman kasi ni Erich na palakihin ang anak nila dahil may mahal itong iba. Kaya sinama niya ang anak niya sa ibang bansa upang doon na lumaki.
====================================================================================================
Sorry po talaga kung naguluhan kayo. Napakarami kasing conflict ng story na 'to. Hohoho ^^ ang gulo na tuloy. Parang ako lang. Hohoho. Sorry po. Sana naiintindihan niyo na ang lahat ngayon ^-^ ILOVEYOUALL!!!~ Saranghaeyo!!!~ ♥ ♥ ♥ God bless

BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
Fiksi PenggemarGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...