Chapter 24 :D ('move on' and 'let go')

1.7K 31 8
                                    

"Gerald?"

"Kim pumayag ka na ba talaga?" tanong ni Maja

"Huh?" Tingnan ko siya

"Sa kasal."

"Oo. Pero..."

"Congrats!" Sabi niya ng mahina. At niyakap ako. "Buti naman at pumayag ka na."

"Actually... hm.. Mamaya ko na lang ikukwento." Sagot ko ng mahina rin. Palapit kasi samin si Gerald baka marinig niya yung pinag-uusapan namin.

"Kim totoo ba?" Tanong ni Gerald nung nakalapit na siya.

"Na ano?"

"Magpapakasal na kayo?"

"Magpapa-ENGAGE."

"Ganun na rin yun. Siya ba yung sinasabing mong nag-aalok sa'yo ng kasal?"

"A.. o.. oo."

"Bakit di mo man lang sinabi sakin?"

"Huh? Biglaan kasi e."

"Kahit na! DAPAT SINABI MO MAN LANG SAKIN!" ano bang problema ng mga tao ngayon?!

"Gerald.. nakatingin na ang mga tao." Bawal ko sakanya. High blood e.

"WALA AKONG PAKIALAM! BAKIT HINDI MO SINABI SAKIN?!??"

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo?"

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon