Kim's POV
(text from Xian) Kim I need you now.
Anong kailangan niya sakin? Ayaw na ba talaga niyang ituloy ang engagement? Ano bang nangyayari?? Ang sakit sakit na ng ulo ko..
Binasa ni Maja yung text message ni Xian.
"Kim you should go.." Tinignan ko siya. Ang gusto ko lang ngayon ay makasama si Maja at ilabas ang lahat ng problema ko para kahit papaano lumawag ang pakiramdam ko pero.. kailangan ako ni Xian...
"Don't cry. You need to be strong. Nandito lang ako Kim." dagdag pa ni Maja
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you Maja." Kumalas din ako agad sa yakap ko sakanya at nagmadali ng lumabas. Hindi ako nagpapapigil kay Gerald at tinulungan din naman ako ni Maja na pigilan si Gerald sa pagsunod sakin. Bakit ba kasi nagkaganito? Bakit nagkaganito ang sitwasyon namin? Akala ko simpleng engagement lang ang kailangan kong ibigay pero parang buong pagkatao ko nadamay na.
Sa totoo lang gusto kong ituloy ang engagement namin ni Xian hindi dahil sa mga gastos o pagod na napagdaanan namin pero kasi... iba na yung nararamdaman ko sakanya. Kahit na alam ko ginagamit niya lang ako.. nagbago pa rin ang mundo ko. Dati wala namang mga problema na ganito. Madali lang ang buhay ang kailangan ko lang gawin ay magtrabaho para mapa-aral ang mga kapatid ko at para matulungan ang pamilya ko. Pero ngayon.. parang kasama na si Xian sa mga priority ko...
(Xian calling...)
"Xian?""Kim. Puntahan mo ako dito sa office... Please?" Umiiyak ba siya? Anong nangyari?!
"Papunta na ako. Anong nangyari?"
"I'll wait for you.." Hmm. :( Lord tulong naman please. Feeling ko pinapansan ko na ang mundo. Ang hirap.
(Office)
"Xian?"

BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
FanficGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...