KIm's POV
"Ma lalabas po muna ako." Paalam ko kay mama bago ako lumabas ng bahay
"Sige nak. Mag-ingat sa daan ha." tumango naman ako dun.
Saan nga ba ako pupunta? Hindi naman papayag ang konsensya ko kung kay Maja ako maglalabas ng mga problema ko. Alam kong magulo pa rin ang mga abagy para sakanya.
"Kim?"
"Gerald kung hindi ka busy puwede ka bang pumunta dito sa park malapit sa bahay namin. May importante akong sasabihin."
"5 minutes."
"Ok. Bye."
Hindi pa nakakalipas ang limang minuto nang dumating na si Gerald. Ngayon ang tamang panahon para harapin ang lahat ng problemang ito. Hindi bukas. Hindi sa isang buwan. Hindi sa isang taon pero ngayon. Kailangan kong linawin sa lahat kung ano ang dapat at gusto kong gawin.
"Anong kailangan mong sabihin Kim?" Tanong niya habang paupo sa bench na kinauupuan ko
"Gerald ilang taon na ang nakakalipas.. bakit hindi mo pa rin magawang tanggapin ang katotohanan?"
"Kim hindi ganun kadali yun."
"Mas pinapahirapan mo lang ang sarili mo Gerald. Alam mo namang kahit kailan hindi na tayo magkakabalikan. Sorry kung nasasaktan ka. Pero kailangan ko kasing ipaintindi sa'yo ang lahat. Gerald hindi lahat ng bagay na gusto mong mangayari ay masusunod. Binigyan kitang pagkakataon noon para maging tapat sakin. Pero sinira mo lang yun."
"Kim pinagsisisihan ko na ang lahat. Let's start anew."
"Gerald alam mong imposible yan."
Hiniwakan niya ang dalawa kong kamay. "Kim please give me another chance."
BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
FanfictionGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...