CHAPTER 2

37 10 0
                                    

DALAWANG ARAW nang nakalipas. Umuwi narin si Kuya dahil may trabaho pa siya. Sino ba naman hindi ma-busy, eh sya yung nag hahandle sa kompanya namin. Gusto ko naman tumulong pero hindi ko naman alam kung ano gagawin ko dun. Astaka hindi naman ako interesado sa mga ginagawa nila.

Palaging busy. Palaging may ginagawa. Halos dika magkaroon ng time sa sarili mo eh.

Kinaumagahan ay walang klase si Lily kaya pinuntahan ko siya. Hindi narin ako lumalabas sa bahay ni Tita dahil napaka putik sa labas. Wala naman ako kaibigan dito. Wala naman mga clubs or parties dito na kailangan puntahan.

Napaka boring talaga dito. Tsk.

Nagulat nalang ako na bigla kong nakita si Lily na may kasama siyang bata. Dalawang bata, babae at lalake. Lumapit ako sa kanila at napatingin ako sa dalawang bata na to. Napaka ganda at pogi nila lalo na ganito sila kalinis. Napatingin naman ako kay Lily na ganoon rin siya.

Napangiti ako.

"Ate Firea, sila Nio at Nia po, magkambal po sila."

Nagulat ako "Oh. Kaya naman pala magkamukhang kamukha."

Ngumiti si Lily "Nia, Nio, si ate Firea. Siya yung kinukwento ko sainyo na ate ko galing sa Makati."

Tumayo ang dalawa para batiin ako "Hi po, Ate Firea."

Mahina ako natawa at kinurot sila sa pisngi. Tumango tango pa ako.

"Anong ginagawa ninyo?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Group study po, ate Firea." sagot ni Nia

"May assignment po kase kami. Hindi po namin alam paano gawin kaya po nag group study po kami." mahimbing na sabi ni Lily.

"Well ... pwede ko ba kayong tulungan?"

Napatili silang tatlo kaya natawa ako. Uupo na sana ako sa tabi ni Lily na may biglang nagsalita sa likod ko.

"Can I join?"

"Opo, Tito!"

He's wearing black t-shirt habang naka short ito. May hawak siyang baso na para bang ang timpla siya ng kape sa kusina.

Kanina pa siya dito?

Tinignan niya ako "Good morning."

"G-good morning." nauutal na bati ko kaya umupo agad ako sa tabi ni Lily.

What the hell?! Napaka gwapo.

Umupo siya sa tabi ng magkambal.

"Tito, paano po nakuha si exponent 2?" tanong ni Nio sa kaniya.

Kinuha ni Keiv ang papel niya para tignan ang sagot nito. Kumuha narin siya ng pencil sa lamesa habang nakatitig siya sa papel.

"Okay. Ipapaliwanag ko ng maayos sainyo kaya makinig kayo ng mabuti."

"Opo!" sabi ng kambal.

"Ate?"

Napatingin agad ako kay Lily "H-ha?"

"Alam nyo po ba kung ano po meaning ng Verb and Adverb po?"

Tumango ako at nginitian siya. Pinaliwanag ko narin sa kaniya ng mabuti at nakuha naman niya agad. Hindi naman siya mahirap turuan, napaka bilis niya nga matuto.

From Soil To Serendipity (COMPLETED)Where stories live. Discover now