CHAPTER 22

26 8 0
                                    

“WHAT do you mean?” I asked him again.

Lasing na lasing sya ngunit ang kaniyang mga mata ay kitang kita mo kung gaano sya nasasaktan habang nahihirapan sya sabihin ang mga salitang hindi mailabas ng bibig niya.

"K-Keiv anong ibig mong sabihin nilagyan ni Rine ng drugs ang ..." nakagat ko ang labi ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang nakatingin siya sa mga mata ko. Tumulo narin ang kaniyang mga luha.

"I—i'm sorry, Firea. I'm so sorry ..."

Napalunok pa ako bago nagsalita.

"K-keiv .."

"W-walang nangyari samin ni Rine. I don't know. I really don't know. Kung alam ko lang nilagyan niya ng drug ang iniinom ko, hindi ko dapat ininom. I'm sorry." humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko "Forgive me Firea ... I'm so sorry .."

"B-bakit sya nandon?"

"Nagpapatulong sya sakin sa plano niya sa kompanya ng Papa niya. I helped her. But ... but ..." tinignan niya ulit ako "H-hindi ko alam na nilagyan nya ng drug ang iniinom ko. I really don't know, Firea. Galit na galit ako kay Fine kase sinira niya tayo. Sinira niya ang tiwala mo sakin, I'm sorry. I'm really sorry, baby. I didn't mean to hurt you ..."

"B-bakit kayo naghahalikan?"

"A-akala ko ikaw sya ... That's why I kissed her because I missed you so much. But I was wrong ... hindi ikaw ... I'm sorry ..."

Umiwas ako ng tingin at palihim na pinahid ang mga luha tumulo sa mata ko at binawi ko narin ang aking kamay sa kaniya.

"Firea ..."

"T-tapos Kana magpaliwanag?"

"F-firea .. I'm sorry."

"I-ihatid na kita sa apartment mo."

Mabilis ko pinatakbo ang kotse ko at alam mong may gusto pa siyang sabihin ngunit hinayaan ko nalang. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sa ginawa niya lalo na sa paghahalikan nila dalawa ni Rine noon. I'm mad at him pero mas galit ako kay Rine. Inagaw niya sakin si Keiv para ano? Para siraan kami dalawa? Para masira ang tiwala ko kay Keiv?

Maibabalik pa ang tiwala ko sa kaniya? Gustuhin ko man pero nasasaktan ako. Tatlong taon ko dinadala ang sakit ng nararamdaman ko sa nangyare.

Mahal ko sya at gusto ko siyang patawarin pero hindi ko alam. Naguguluhan ako ngayon.

"D-don't forget to drink your water."

Paalala ko sa kaniya ng makarating kami sa apartment niya. Nasa loob parin kami ng kotse dalawa habang hindi nakatingin sa kaniya.

"C-can we talk nicely?"

Ramdam ko ang kaba at takot sa kalooban niya kaya napalingon ako.

"Nagpaliwanag kana. May sasabihin ka pa ba?"

Napalunok siya "F-firea, alam ko nasaktan kita ng sobra. Pero maniwala ka sakin, walang nangyare samin ni Rine. Swear."

"Keiv, wala akong pakealam kung may nangyare sainyo ang wala. Ang importante t-tapos na tayo dalawa."

Natigilan siya kaya mabilis ako umiwas ng tingin.

"F-firea, if you can't forgive me. I won't force you. Hihintayin kita. Mahal parin kita, Firea."

Natigilan ako. Parang nabingi ako sa katahimikan dahil sa narinig ko. Sobrang bilis narin ang takbo ng puso ko. Para bang nakikipag gerahan nasa sobrang bilis.

Dahan-dahan ako napalingon sa kaniya at kitang kita sa kaniyang mga mata na totoo ang mga binitawan niyang salita ngayon sa harapan ko.

"I'm still inlove with you, Firea. Kaya ako nandito dahil babawiin kita, kukunin kita. Aangkinin kita katulad noon. Gawin natin ulit ang ginawa natin noon. Ibibigay ko sayo ang lahat ng kailangan mo. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal, Firea."

From Soil To Serendipity (COMPLETED)Where stories live. Discover now