KATULAD ng sinabi ni Keiv. Pinasyal niya ako at inabutan kami ng tanghali. Pinakilala niya rin ako sa mga nakakasalubong namin pero ang mga tingin ng mga babae sakin, kala nila gumawa ako ng napaka laking kasalanan.
Napaka bait ni Keiv sa mga nakakasalubong namin. Samantalang ako, hindi ko kayang makipag interact sa kanila. Parang nahihiya ako ng sobra sa kanila pero kapag sa Makati, kahit sino pinapansin ko at tinatarayan ko naman sila minsan.
"Girlfriend mo, Keiv?"
Nagulat ako sa tanong ng matanda sa kaniya. Habang hinihigpitan niya ng pagkatali sa kabayo para hindi ito makatakas o makalayo.
"Kapatid po siya ni Matthew, Tito Ronny."
Nagulat si Tito Ronny at tinignan ako "Anak ni Olivia?"
He's know my Mommy? Sabagay, madalas naman talaga sila dumadalaw sa Arrosa na hindi ako kasama kase ayoko naman talaga sumama sa kanila.
"Opo, Tito."
"Naku, napaka gandang dalaga." Tinignan niya ulit ako "Bakit hindi ka sumasama kela Olivia kapag pumupunta sila dito?"
Nginitian ko siya "B-busy lang po."
Busy naman talaga ako. Busy kahit saan like sa club, party, spending time sa mga tao.
"Sa susunod dumalaw ka naman minsan. Para makilala ka naman namin."
Tumango lang ako at hindi na tumugon pa. Kung makakauwi na ako, ayoko na bumalik pa dito. Napaka boring dito parang impyerno talaga pinunta ko dito. Walang clubs or anything na kailangan pagka interestahan.
"Tuloy muna kayo."
Tumango kami ni Keiv at naglakad kami. Iniingatan ko parin paa ko para hindi maputikan. Ngunit natigilan ako na mas putik pa pala itong pinuntahan namin.
Napakurap kurap pa ako ng paulit ulit. May mga magsasaka nga dito na halos hawakan na nila ang tubig—madumi sa kanilang mga kamay.
What the hell?!
Napalingon si Keiv sakin "Bakit?"
"W-wala pa bang ibang daan bukod dito?"
Bulong ko sa kaniya at bigla naman siya ngumisi.
"Wala."
Natigilan ako lalo. Oh my god! Sa buong buhay ko hindi ako umaapak sa mga maduduming putik na to lalo na may baha pa!
Pinagtitinginan tuloy ako ng mga farmers na to! Bakit kayo nakatingin ha?!
Napahiyaw ako na bigla akong binuhat ni Keiv. Nanlaki pa ang mata kong tinignan siya.
"Silly girl."
Nagsimula na siyang maglakad kaya mas lalo ako kumapit sa kaniya. Mas lalo napatingin ang mga tao sakin. Hindi ko naman marinig ang bulungan nila pero alam kong napaka sama na ng mga sinabi nila sakin. Well, instinct ko na yun.
Natigilan narin si Tito Ronny pero agad din ngumiti.
Mga maya-maya ay wala na kami sa mga maduduming putik, grr!
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
РомантикаGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024