PAGKARATING namin sa bahay nila Blad. Namangha ako na malaki pala bahay nila dito. Ito lang ata ang nakita kong bahay sa Arrosa na malaki ang bahay.
Halatang mayaman.
Tumuloy kami sa loob at nandoon narin ang mga team ni Blad. Mga kalaro niya.
"Hey, Blad!"
"Nandito na si Blad! Let's party!"
Napangiti ako ng palihim. This is what I want to do. Napatingin ako kay Azia na parang hindi mapakali.
"Ayos kalang?"
"Nakalimutan natin magpaalam kay Keiv." mahinang sambit niya "Paniguradong magagalit si Keiv kapag nalaman niyang nandito tayo. Bakit kase nawala sa isip ko magpaalam?! Letse!"
"Alam naman siguro ni Keiv to diba?"
Tumango sya "Oo, alam niya. Pero ang pinaka ayaw niya is yung hindi nagpapaalam sa kaniya."
Natigilan ako. Hindi ako nakaramdam ng takot o kaba dahil iniisip ko ang nangyayare ngayon. We have a party. So, wag mag isip ng kung ano-ano.
"Firea, Azia! Come here."
Lumapit ako pero hindi umalis sa kinatatayuan si Azia kaya hinila ko pa sya. Umupo kami sa sofa at tumabi sakin si Blad. Kumuha sya ng juice para ibigay sakin ngunit nakita ko ang alak.
"No, I want alcohol."
Nagulat sya at ngumiti bigla "Gusto mo uminom?"
Tumango ako at ngumiti. Kumuha naman sya at inabutan ako. Si Azia naman ay juice lang kinuha niya at akmang iinumin kona ang alak ng pigilan niya ako.
"Bawal ka uminom ngayon, Firea."
"Hayaan mo sya, Azia!" Sabi nun kasama ni Blas "Gusto niya uminom kaya hayaan muna! Let's drink guys!"
Nakisabay naman ako sa kanila at nagtatawanan sila. Tumawa naman ako at nag usap pa kami ni Blad. Hinayaan ko si Azia sa tabi ko habang hindi siya mapakali pero hindi ko nalang pinansin yun.
"Mahilig ka pumunta sa mga bar?" Tanong ni Blad
Tumango ako "Oo. Atsaka masasarap kase alak sa Makati."
"At marunong ka rin sumayaw?"
Mahina ako natawa "Oo naman. Pupunta lang ba ako sa bar para lang uminom?"
Tumawa sila. Hindi ko alam kung lasing na ba ako o hindi pa. Bahala na nga. Ang mahalaga natikman ko ulit ang alak.
"Can we dance?" Tanong niya.
Tumango ako at nagpatugtog naman kaibigan ni Blad. Hinawakan ni Blad ang kamay ko kaya nagpaubaya ako.
Nagsimula narin kami sumayaw. Ang galing niya pala sumayaw habang nakahawak sya sa likod ko habang ang mga kamay ko ay nasa baywang niya. Makulit ang kamay niya sa likod ko pero nasanay na ako.
Sa Makati kapag may mga kasama ako sumasayaw. Hinahayaan ko nalang sila kapag makulit ang kamay nila sa likod ko. Basta huwag lang nila hawakan ang importantemg parte ng katawan ko. May makakatikim talaga sakin.
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
RomansaGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024