HINDI ko alam kung lalabas ba ako dito o wag nalang. Dahil sa tuwing binabalak ko lumabas mas lalo ako kinakabahan baka nandoon pa si Keiv.
Paano naging kaibigan ni Fabio si Keiv? Paano sila nagkakilala sa sobrang lawak ng mundo? Napaka impossible naman kase atsaka anong ginagawa ni Keiv dito? Wag nyang sabihin dito na sya nakatira tapos bigla nalang naging ganon ang suot niya. Napaka professional niya.
Siguro nag iisang oras na ako dito saka binalak kona lumabas. Bumuntong hininga muna ako saka lumabas sa restroom.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi kona makita si Keith na kasama ni Fabio. Lumapit agad ako kay Fabio at nginitian naman niya ako.
"Bakit ang tagal mo?"
Ngumiti ako "Matagal pa ba yun?"
Suminghal siya kaya natawa ako. Nilagyan niya ng alak ang baso ko saka ininom ko naman. Nilibot ko paningin ko dahil baka nandito pa si Keiv pero wala na.
Ayoko mag tanong kay Fabio pero gusto naman ng pagkatao ko magtanong sa kaniya.
"N-nasaan mga kaibigan mo?"
"Nandon."
Tinuro niya ang dance floor at napatingin naman ako dun. Natigilan ako na nandoon si Gavin na sumasayaw sa mga babae ngunit mas naagaw ni Keiv ang atensyon ko. Nakaupo siya sa isang table habang may dalawang babae nakapaligid sa kaniya. Kulang nalang nagpahawak na sila kay Keiv.
Biglang nagtama ang mata namin kaya mabilis ako umiwas. Nilagyan ko ulit ng alak ang baso ko saka ininom lahat yun.
Hindi pa ako lasing. Hindi naman malakas itong alak kaya hindi talaga ako tatablan.
Nilapit ni Fabio ang tainga niya sakin at bumulong.
"Can we dance?"
Nilingon ko siya at tumango ako. Tumayo siya at nilahad niya kamay niya sakin kaya mahina ako natawa ng hilahin niya ako sa dance floor.
Yes, I'm not drunk. Dahil malalagot ako kay Kuya kapag nakita niya akong naglasing.
Sumayaw kami ni Fabio sa gitna.
"Magpapakalasing kaba?"
Pasigaw na tanong niya dahil sa sobrang lakas ng music. Umiling ako.
"Malalagot ako kay Kuya kapag naglasing ako."
Mahina siya natawa "Maamoy ka ni Shawn, Firea. Baka mamana ni Shawn ang ginagawa mo ngayon."
Umiling ako "Malabong mangyare."
Tumawa siya at sumaya pa kami dalawa. Bigla akong nakaramdam na kamay sa balikat ko at bumaba yun at umakyat. Napalingon ako at nagulat ako na makita ko siya.
Hindi ko alam kung lasing ba sya o ano.
Bigla narin nawala sa paningin ko si Fabio at nakita ko nalang siya bigla na nakikipag sayawan sa mga babae.
Napatingin ako kay Keiv na sumasayaw na sya sa harapan ko kaya ako naman ay parang alipin na sumayaw narin sa harapan niya pero hindi naman masyado.
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
RomanceGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024