CHAPTER 11

36 8 0
                                    

“MAGBALIKAN nalang kaya kayo!”

Sabi ni Yuan sa kanilang dalawa habang nakatitig parin si Keiv sakin. Ilan beses pa ako napalunok dahil hindi ko naman alam na si Rine pala ex niya.

"Oo nga! Parehas naman kayo tinupad ang mga pangarap ninyo pero bakit bigla nalang kayo nag hiwalay diba?! Naku, Keiv, sayang ang pinagsamahan ninyo dalawa kung hindi kayo magkabalikan!"

"Ang daldal mo, Reid." Sabi ni Nami sa kaniya—kasama ni Rine.

Mahina natawa si Reid at tinignan ako "May naging ex karin ba?"

Matagal akong umiling. Nagulat naman sya.

"Eh boyfriend?"

"Gago." Asik ni Yuan sa kaniya "Mukhang wala naman sya boyfriend dahil kung meron man edi sana kasama niya diba?!"

"Oo nga pala!" Tinignan niya ulit ako "Actually—"

"Ikaw si Firea?"

Napatingin ako kay Rine. Gwapo si Keiv, maganda rin si Rine. Bagay nga sila.

"Kapatid ni Matthew?" Sabi naman ni Nami habang nakatingin sakin

Tumango ako "Yes, he's my brother."

Umawang ang labi ni Nami at tinignan ang kabuuan ko.

"Sa picture kalang namin nakikita. Mas maganda ka pala sa personal." Aniya "Nasaan si Matthew? Nandito na sya?"

Umiling ako at akmang magsasalita na sana ako ng bigla akong inunahan ni Azia.

"Busy sya sa kompanya nila."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa mataray na awra niya.

"Firea," napatingin ako kay Nami at ngumiti siya sakin "Kailan ba dadalaw si Matthew dito?"

Nagkibit balikat ako "Hindi ko alam."

"May girlfriend ba si Matthew sa Makati?"

Nagkibit balikat ulit ako "Wala naman siguro. Palagi kase syang busy sa kompanya."

"Talaga? Wala naman sya nililigawan na babae diba? Wala syang dinadala na babae sa bahay nyo?"

Bakit tanong na tanong sya tungkol kay Kuya?!

"Firea, samahan mo ako magluto sa kusina. Baka luto na niluluto ko."

Tumayo si Azia at napatayo narin ako. Sinulyapan ko lang si Keiv ngunit akmang aalis na ako na biglang nagsalita ulit si Nami.

"Firea, nice to meet you."

Ngumiti ako ng pait "Me too."

"Nice to meet you."

Napatingin ako kay Rine. Hindi ako ngumiti o ano basta tinignan ko lang sya at tumango ako.

"Me too."

Sumama na ako kay Azia sa kusina at napatingin ako sa kaniya. Bakit naiirita na ang babae na to?

"Firea, kapag lumapit si Nami sayo at tinanong si Matthew ulit. Hayaan mo nalang sya."

Natigilan ako "Bakit?"

Nilingon niya ako "Gusto niya si Matthew."

Napabilog ang bibig ko sa narinig ko "Madami ba nagkakagusto kay Kuya dito?"

Tumango sya "Marami. Kaya kahit saan maririnig mo pangalan ng Kuya mo."

Napabuntong hininga ako "Kaya dinala mo ako rito para sabihin yan sakin?"

From Soil To Serendipity (COMPLETED)Where stories live. Discover now