CHAPTER 18

27 8 0
                                    

NAKAUPO ako sa harapan ni Azia habang nasa kabilang table naman sila Keiv at Gavin. Hindi ko tinitignan si Keiv dahil alam kong magtatama at magtatama ang mata namin. Lalo na naalala ko yung nangyare samin kagabi sa Drenda.

He's kissed me and I kissed him back. I'm so pathetic!

"Firea ..."

Napatingin ako kay Azia. She's starting crying infront of me. Alam kong namimiss niya ako at namimiss ko narin siya.

"Don't cry." utos ko sa kaniya at kinagat naman niya ang sarili niya "Hindi naman ako namatay para umiyak ka."

Agad niya ako niyakap at niyakap ko naman siya pabalik. Hinihimas himas ko pa likod niya para hindi siya humagulgol sa iyak.

"Tahan na."

"B-bakit hindi ka nagpaalam sakin?!"

"Tahan na ..."

Hinarap niya ako at pinahid niya ang mga luha niya.

"Firea, sobrang namiss kita. Two years tayo hindi nakapag usap at nagkita! Sobrang namimiss kita!"

Napatingin ang costumer namin sa kabilang table dahil sa pag-iyak iyak ni Azia sa harapan ko.

"Hindi kaba nahihiya umiyak dito? Pinagtitinginan ka ng mga costumer ko."

Ngumuso siya "Wala akong paki!"

Niyakap niya ulit ako at niyakap ko naman siya.

"I'm sorry. Hindi ako nagpaalam sayo."

Humarap siya ulit at pinahid niya mga luha niya "Firea, alam ko nangyare sayo. Pero ..." nagbaba siya ng tingin "Sa tingin ko may kailangan ka malaman."

"Ano?"

Napatingin siya sa table nila Keiv and bumaling sakin ulit.

"Matagal kona gusto itong sabihin sayo pero hindi ko naman alam ano number mo or social media mo. Atsaka mali lahat ng—"

"Ma'am Firea."

Napalingon ako sa boses ni Stella. Bumulong siya sakin.

"May bagong bisita mo. Our VIP."

Natigilan ako. "Ihanda mo mga kailangan niya."

Tumango ito at bumalik. Tinignan ko si Azia.

"Mamaya na tayo mag usap. Dumating na ang bisita ko."

Tumango siya at ngumiti "Sige. Hihintayin kita dito."

Tumango ako at nakipag beso sa kaniya. Napasulyap ako kay Keiv at muntik na ako natigilan dahil sa mga titig niya.

Kanina pa siya nakatingin sakin?

Binaliwala ko nalang yun at umalis. Nakita kong nakaupo ito habang nagbabasa ang magazine. Lumapit ako sa bisita namin.

From Soil To Serendipity (COMPLETED)Where stories live. Discover now