“SIGURADO kana ba sakaniya?”
Tumango ako kay Kuya. Nasa labas kami ng bahay ni Tita habang nag uusap. May mga bata narin naglalaro sa labas at nandoon narin si Lily. Nakikipag laro sa mga kaibigan niya.
"Kuya, mabait si Keiv. Ako magpapatunay na napaka buti niyang lalake lalo nasa akin. Hindi niya ako pinabayaan all the time. Palagi niya akong hinahatid o di kaya kapag may gusto akong puntahan, nandyan sya para bantayan ako. He's with me all the time kahit masama ang pakeramdam niya."
Napatitig si Kuya sakin at nginitian ko siya.
"Atsaka si Keiv narin ang dahilan kung bakit bigla ako naging ganito. Alam mo naman hindi ganito ang pakikitungo ko sa mga tao lalo na dito. Napansin kong mali nga ang hinala ko about my expectation sa buong Arrosa. They're so kind. Nirerespeto nila ang kakapwa nila. Mapayaman man o mahirap, pantay parin ang tingin nila."
Bumuntong hininga ako bago nagsalita ulit.
"Pinasyal narin ako ni Keiv dito. Nakikilala ako ng mga tao rito kahit hindi ko naman sila kilala. Dahil siguro sa isa akong Wilson at kapatid mo ako. And of course, napansin ko narin nirerespeto ng mga tao dito ang pamilya natin. Mas kilala si Mommy dito at sinasabi nila na kamukhang kamukha ko raw si Mommy, well yes."
Tinignan ko siya.
"Si Keiv narin ang dahilan kung bakit bigla nalang ako nagbago, Kuya."
Natigilan siya.
"Kapag nandyan sya pakeramdam ko palagi akong ligtas sa kaniya."
Hinawakan ni Kuya ang ulo ko at ngumiti siya.
"You changed a lot, Firea. Matutuwa si Daddy kapag binalita ko sa kaniya nagbago kana."
Niyakap ko si Kuya at niyakap naman niya ako. Nginitian ko siya.
"Sasabihin mo narin ba kaila Daddy na May boyfriend narin ako dito?"
Umiling siya "I think, this is not the right time to tell them."
Natigilan ako "Bakit?"
Tinignan niya ako at ngumiti lang siya.
"Sasama ka ba pumunta sa bahay nila Gavin? Dadalawin ko lang si Lola."
Nagulat ako "Oo pala, Kuya! Namimiss kana ni Lola!"
"Hindi na ako magtataka kung bakit nakita muna agad si Lola."
Pagkarating namin sa bahay nila Gavin, sinalubong agad ni Lola si Kuya. Naiiyak pa si Lola dahil namiss niya ng sobra si Kuya.
"Shhhh Lola. Sige ka po papangit ka nyan." Biro ni Kuya sa kaniya.
"Matagal na kita hinihintay, apo ko." Hinarap niya si Kuya "Mabuti nalang nandito kana."
"Oo naman po." Umupo sila dalawa at umupo narin ako "Kaya nga po gustong gusto narin po kita makita. Kamusta na po kayo?"
"Ayos lang ako." Hinawakan niya mukha ni Kuya "Mas lalo ka gumwapo ngayon, Matthew."
"Lola naman. Kakarating ko lang binobola muna naman ako."
Natawa si Lola at ganon rin si Kuya. Tumingin sakin si Lola.
"Nasaan si Keiv?"
Nagkatinginan kami ni Kuya.
"Nasa kanila po, La. Nagpapahinga po."
Tumango siya "Mabuti naman kung ganon."
Hinawakan niya kamay namin ni Kuya.
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
RomanceGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024