CHAPTER 15

28 8 0
                                    

ILANG ARAW na ako nagkukulong sa kwarto ko. Dinadalhan lang nila ako ng kakainin ko at kumakain naman ako pero kunti lang. Wala akong gana ngayon at hindi ko maramdaman ang gutom ko dahil sa nangyare.

Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang sarili ko. Kami ni Keiv.

Ano bang kulang sakin na wala kay Rine? Alam ko mas nauna si Rine sakin at mas nauna niyang minahal kesa sakin?

Pero mahal niya ba ako? Mahal niya ba talaga ako? Hindi ko pa kase narinig yun sa kaniya. Yung tatlong katagang na gusto kong marinig sa kaniya.

Hindi ko naman inaasahan na ganito pala magmahal ang isang tao. Halos mabaliw ako sa ginagawa ko ngayon dahil sa panloloko ni Keiv sakin.

Mahina ako natawa.

Hindi pala niya ako mahal kundi gusto niya lang ako. Gusto namin ang isa't isa at hanggang doon nalang yun. Wala siyang sinabi na mamahalin niya ako kaya bakit naman ako aasa?

Mas lalo ako natawa sa naisip ko.

Napaka impossible mangyare yun. Sa dami ba naman nagkakagusto kay Keiv, napasama pa ako dun. Sabagay, gwapo talaga sya at wala ka ng pwedeng hanapin pa kundi nasa kaniya na lahat.

Pero bakit kailangan lokohin niya ako? Anong ginagawa nila ni Rine sa loob ng kwarto ni Keiv?

Ano pa ba? Edi may nangyare sa kanila. Isang araw ko lang hindi nakita si Keiv kaya magdamag may nangyare sa kanila.

What a shame, Firea. You're so naive.

"Anak, lumabas kana! Ilang araw kana nagkukulong sa kwarto mo!"

Pasigaw na sabi ni Mommy sa labas. Napatingin ako sa pinto. Ni-lock ko yun kaya hindi sila nakakapasok agad. Hindi na ako magtataka kung nalaman ng pamilya ko ang nangyare sa akin ngayon—buhay ko sa Arrosa.

Humiga ako sa kama at pumikit.

Namalayan ko nalang na nagising nalang ako. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Bigla na naman may kumatok sa kwarto ko.

"Firea, come out please!"

Boses ni Kuya. Tumayo ako at binuksan yun. Napamura siya na makita ang itsura ko. Kasama niya si Mommy bagaman siya ay puno ng pag alala ang mukha niya.

Alam ko pangit na ako ngayon. Wala sa katinuan ang buhok ko. Kahit ang mukha ko diko alam kung may dumi ba o wala. Kahit ang damit ko baliktad narin.

"Firea, can you stop doing this?! You make me — us worried!"

Lumapit sakin si Mommy at inalayan niya akong umupo sa sofa. Inayos niya buhok ko at tumingin siya sakin

"Anak, nag aalala kami lahat sayo." Tumulo luha ni Mommy "Wag muna kami pinag alala, okay? Halika aayusan kita."

"M-mommy, paano nyo po nakuha si Daddy?"

Natigilan siya. Bagaman si Kuya ay natigilan narin. Hindi sila makasagot sakin kaya bumagsak ang luha ko. Napahagulgol na naman ako.

"Shhh, tahan na."

Niyakap ako ni Mommy para patahanin. Habang ang kamay ni Kuya ay nasa likod ko para patigilin umiyak.

From Soil To Serendipity (COMPLETED)Where stories live. Discover now