“SINO yan boyfriend mo?”
Tanong sakin ni Azia nang nasa labas kami dalawa. Nagkakrus ang dalawang braso niya habang nakatingin sakin.
"May gusto ka kay Keiv tapos may boyfriend ka? Sino yan boyfriend mo para paghiwalayin ko kayo, gusto ko si Keiv lang para sayo."
Mahina ako natawa at hinawakan kamay niya. Napatingin ako sa paligid namin baka sakali may makarinig samin. Bumulong ako sa kaniya.
"Paghihiwalayin mo kami ni Keiv?"
Nanlaki ang mata niya sa gulat. Napahawak siya sa bibig niya habang napapakurap kurap sa harapan ko. Natawa ako at nakita kong pinagpawisan siya. Pinahid niya yun.
"F-firea, nagbibiro kaba?!"
Umiling ako "Kami na."
Nalaglag ang panga niya lalo "Letse! Kailan pa?! Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?!"
"Nung nagkasakit siya umamin kami sa isa't isa. Tapos kahapon pumunta kami sa Green Hills at sinabi niya sakin kung papayag ba ako maging girlfriend niya—"
"Tapos ano nangyare?!"
"Sabi ko oo."
"OH MY GOD!!"
Napatalon talon sya sa sobrang saya habang ako naman ay natatawa ako. Hinawakan niya dalawang kamay ko at tinignan ako.
"Kaya naman pala ganon sya maka react kanina. Parang papatayin niya si Reid at Yuan eh! Bakit hindi kayo umamin kanina?!"
"I'm nervous. Alam ko hinihintay ni Keiv ako mismo magsabi sa kanila."
"Ikaw talaga!" Ngumiti siya "Pero ang saya ko. Natupad rin ang hiling ko maging kayo! Sabe na eh nay gusto talaga sya sayo eh!"
"Let's go?"
Mabilis ako napalingon bago pa ako makasalita. It's him, naka smile na naman sya.
Sinulyapan niya muna si Azia at bumaling ulit sakin. Napatingin ako sa likod niya na wala siyang kasama lumabas.
"Miss me?"
Nanliit ang mata ko sa kaniya "Dami mong sinasabi." Nilingon ko si Azia "Alis na kami."
Ngumiti siya at tumango saka tinignan si Keiv "Naka zipper ang bunganga ko, Keiv. Ang importante hindi lumubog ang shippers ko!"
Mahina ako natawa.
"Umuwi ka agad." Sabi ni Keiv sa kaniya.
Tumango si Azia at tinignan ako "Marami ka pa dapat sasabihin sakin, okay?!"
Tumango ako "Makakaasa ka."
Tumawa sya habang kinikilig. Tinignan ko si Keiv.
"Paalam muna ako kay Lola."
"Samahan na kita."
Tumango ako at pumasok kami tatlo. Nakita ko si Lola na kausap nila Rine.
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
RomansaGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024