KATULAD ng sinabi ni Keiv. Sinundo niya ako sa labas ng Mansion namin. Hindi naman sa sobrang lapit niya sa Mansion namin dahil ayoko malaman agad nila Kuya na binigyan ko ng chance si Keiv.
Si Shawn naman ay tulog siya at nasa room siya ni Mom and Dad. Kinuhanan ni Mom ng yaya si Shawn dahil baka daw may importante na pupuntahan si Mom ay baka walang magbantay sa kaniya kaya nag recruit siya ng yaya ng anak ko.
Nag message narin ako kay Stella na hindi muna ako papasok ngayon dahil may lakad ako.
"Nag breakfast kaba?"
Umiling ako "Gusto ko sabay na tayo mag breakfast."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya kaya napangiti narin ako. Pinaandar niya ang kotse niya papunta sa impyerno. Joke lang.
Pagkarating namin sa Drenda's Resort mabilis na dumating ang order namin. Nilagyan niya ng pagkain and another ang laman ng plate ko. Nasanay ako sa ganito dahil ganito naman siya noon sakin. Sa tuwing kakain kami, nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.
Magkaharap lang rin naman kami dalawa habang naka private pa kami ng desk which is nasa ibang pwesto kami like mas mamahalin sa pwesto namin dahil by room and room.
"Saan mo gusto pumunta after dito?"
"Kahit saan."
He's smirked "Okay. Dadalhin kita sa kahit saan."
Mahina ako natawa dahil sa sinabi niya. Pagkatapos namin kumain ay napansin kong papunta kami sa mall.
"What do you want to watch?"
"Uhm ... The Idea of You nalang. Bago daw to pinalabas tapos maganda rin daw."
"Nice title huh. Kaya mo siguro gusto panuorin yan dahil ako talaga yung idea mo." Biro niya.
Tinaasan ko sya ng kilay "Kapal ng mukha mo, Keiv."
Tinalikuran ko sya at narinig ko pang tumawa bago niya ako hilahin papunta sa entrance. May ticket narin kaya pumasok na kami dalawa.
Umupo kami sa pinaka gitna hanggang sa nag simula ang nasa screen. Nagtaka ako kung bakit kami lang dalawa nandito.
"Bakit parang wala tayo kasama?" Tanong ko sa kaniya.
"Gusto kita masolo."
Natigilan ako "Don't tell me ... you ..."
"That's right." Ngumisi siya "Let's watch baby."
Mahina ako natawa at tumingin sa screen. Kinikilig talaga ako sa lalakeng to.
Kung sa Arrosa hindi namin to nagagawa tapos ngayon nandito na kami. Nanonood ng cinema kasama siya. Tapos kami lang dalawa nandito, so sweet ha.
Habang nanood kami ay hinawakan niya ang kamay ko habang ngumunguya ako ng popcorn. Napatingin pa ako sa kaniya ngunit naka focus lang sya sa pinapanood niya.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng pinapanood namin.
Umupo ang lalake sa pagitan ng piano at nagsimula narin siya nagpatugtog. Dumating narin yung lalake ngunit natigilan ako na bigla sila nag holding hands.
Naramdaman ko ang pag himas ni Keiv ng kamay ko ngunit hindi ko pinansin. Tinuon ko nalang atensyon ko sa screen.
Nagulat ako. Bakit may warning dito? OMG.
Tumayo ang lalake at hinalikan si girl. Tinodo naman niya paghalik sa kaniya ni boy. Grabe naman pala itong pagmamahalan ng dalawang to.
Ano yun? Tinatago nila feelings nila sa isa't isa pero naghahalikan ng walang label? Grabe na ngayon mga tao ngayon.
Biglang umiwas yung babae ngunit hinalikan sya ulit ng lalake at nilabanan naman ni girl ang mga halik niya.
Wow ha. Marupok rin pala ang isang to.
Napangisi ako ng palihim hanggang sa naramdaman kong may nakatingin sakin. Napabaling ako sa kaniya.
"M-may problema ba?"
"Wag mo sila panuorin."
Nagtaka ako "B-bakit?"
"Just look at me."
Natigilan ako. Aba ang mga puso ko! Bakit sobrang bilis na naman?!?!
Napasulyap pa ako sa pinapanood namin. Nag iinit ang mga halikan nila kaya mabilis na hinawakan ni Keiv ang mukha ko para tumingin sa kaniya.
"Focus me."
Napakurap kurap ako "N-nanonood ako eh."
"They're kissing. So, stop watching this scene. Do you want me to kiss you? Para lang sakin muna yan atensyon mo?"
Natigilan ako.
"Good."
Pagkatapos ng pinapanood namin ay hindi parin mawala sa isip ko ang banta niya kanina.
Wow ha? Hahalikan niya ako katulad sa pinapanood namin? Tapos mag focus sa kaniya? Alangan naman sa kaniya ako lagi mag focus, eh nasa sinehan kami para manood hindi mag focus sa kaniya. Timang.
"Are you listening?"
Napatingin agad ako sa kaniya ng magsalita siya.
"H-huh?"
"Sabi ko, gusto mo ba mag shopping tayo?"
"Uhm sige."
Ano ba yan, Firea? Nalulutang kana naman.
Pumasok kami ni Keiv sa mga clothes banda. Napaka ganda ng mga clothes dito. Minsan lang ako pumupunta dito kapag kasama ko si Mom and Shawn.
Marami kami binili ni Keiv at lahat ng mga pinamili namin ay sagot niya lahat. Aba aba, alam ko mayaman na sya ngayon and he's engineering narin. Natupad niya talaga ang dream niya.
Mabilis ang tumakbo ang oras hanggang sa napunta ulit kami sa amusement park.
"Ferris wheel tayo?" Nakangising tanong ko sa kaniya.
Napalunok sya "S-sige."
Namumutla siya habang bibili ako ng ticket namin. Napatingin ulit ako sa kaniya at nilapitan siya.
"Handa kana ba?"
Tumingin siya sakin at nakailan beses pa siya napalunok. Tumango siya habang walang salita.
"Sigurado ka? Bakit parang namumutla ka?"
Natigilan siya "H-hindi. Tara na."
Hinawakan niya kamay ko at hinila papunta sa entrance. Malamig ang kamay niya kaya pinigilan ko siya.
"Wag na tayo tumuloy."
Nagtaka siya "Bakit? Nandito na tayo."
Umiling ako "Gusto lang kita takutin. Baka kung mapano ka pa dyan kapag tumuloy tayo sumakay."
Natahimik siya.
"Sa iba na tayo sasakay."
Hinila ko siya ngunit pinigilan niya ulit ako.
"Kaya ko. This is my first time kaya kinakabahan ako sumakay." hinila niya ako "I want to experience. Sabi nila nakakatakot sumakay kaya gusto kong subukan sumakay kasama ka."
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko habang naririnig ko ang mga katagan binibitawan niya.
Hindi na ako nag reklamo ng makasakay kami. Alam ko natatakot siya base sa mukha niya lalo na namumutla siya. Unang sakay ko dito ay takot na takot ako kasama sila Mom, Dad and Kuya. Pero nasanay narin ako sumakay dito at wala talaga ako nararamdaman na takot.
Nagsimula na umikot ang sinakyanan namin kaya napatingin ako sa kaniya. Parang kinakapos siya ng hininga.
"Tignan mo ako, Keiv."
Sumunod naman siya. Hinawakan ko kamay niya at nginitian siya.
Ewan ko ba. Pagdating sayo nawawala lahat ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto naman kita sampalin pero nagi-guilty ako kapag ginawa ko yun. Pagdating sa kaniya napaka soft hearted ko.
"Ibigay mo sakin ang atensyon mo."
TO BE CONTINUE...
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
RomanceGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024