GUSTONG GUSTO ko lumabas. Naririnig ko sila nagtatawanan sa labas habang ako naman ay nakaupo kang dito habang nakikinig sa kanila. Hindi narin masyado malakas ang ulan pero parang gusto kona umuwi kela Tita.
Tuyo na kaya pajama ko? Pero hindi eh, kakalabha ko lang kanina kaya hindi agad yun matutuyo sa isang oras.
Pabalik balik ako ng lakad dahil naiinip na ako sa loob. Galit si Keiv dahil sa nangyare sakin kaya naiintindihan ko. Kasalanan ko rin naman.
Feel ko naiihi ako.
Hindi na ako nakapag hintay na lumabas sa kwarto namin ni Azia. Natigilan sila sa tawanan nila na makita nila ako. Napatingin ako kay Keiv na sobrang talim ng tingin niya sakin.
Siguro dalawa lang ang dumating sa mga kaibigan nila at naroon narin si Azia na nakikipag tawanan.
"Firea?" Sabi nun isa na may hawak na baso "I'm Yuan!"
"I'm Ried!"
Pakilala ng dalawa kaya tumango lang ako. Napatingin sila sa tuhod ko kaya napatingin ako kay Keiv na umiigting na ang panga niya.
He's mad.
Pumasok ako sa banyo dahil naiihi talaga ako dahil sa kaba kay Keiv eh. Bago pa ako nakapasok ay narinig ko usapan nila.
"Keiv, damit mo yun diba?"
"Nice ka, Keiv! Ginalaw mo naman ang baso!"
Hindi ko sila maintindihan kaya umihi na ako. Pagkatapos ay lumabas na ako ay katulad parin ng tingin ni Keiv ay sobrang talim ng tingin niya sakin. Halos kainin niya ako ng buhay.
Pagkapasok ko ay umupo na ako. Mali talaga lumabas ako eh, lagot na naman ako kay Keiv nito.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako na madilim na at nasa tabi kona si Azia. Mahimbing ang tulog niya kaya bumangon ako.
Lumabas ako para uminom. Sobrang lamig at napatingin ako sa watch na naka display sa gilid. It's almost 3AM na. Ang haba pala ng tulog ko kaya hindi ko nalang napansin na nakatulog na ako.
"Nagugutom ka ba?"
"Ay tangina!"
Mabilis ako napalingon. Nakatayo sya habang naka jacket ito. Nakapamulsa siya habang nakatingin sakin.
Umiling agad ako "H-hindi. Nauuhaw lang ako."
Nilapag ko ang baso at bigla siyang nagsalita.
"I'm sorry."
Natigilan ako at nilingon siya "Saan?"
"Kinulong kita sa kwarto ninyo."
Natigilan narin ako "A-ayos lang."
Lalampasan kona sana sya ng bigla niya akong pinigilan. Nilingon ko siya.
"B-bakit—"
Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong niyakap. OMG?!?! THIS IS REAL?!?! AM I DREAMING OR WHAT?!
"Keiv .."
"Huwag kang sumama sa kahit sino lalo na kay Blad."
Napalunok ako at tumango.
"Magpaalam ka sakin sa susunod, maliwanag?"
Tumango ako "Sorry rin."
Niyakap ko siya pabalik. Wala na akong pakialam ngayon kung malaman niyang sya yung gusto ko. Ang gusto ko ngayon ay huwag syang magalit sakin.
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
RomanceGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024