SANA ako nalang ang binaril at nabaril. Sana ako nalang ang natamaan ng bala ng baril kesa kay Keiv. Iniligtas ako ni Keiv pero ako naman itong hindi magawang iligtas siya.
Ang sakit. Sobrang sakit. Bakit kailangan dumating kami sa ganitong sitwasyon? Ako naman talaga yung gusto ni Rine mamatay pero bakit kailangan si Keiv pa ang sumalo ng baril? Nandito naman ako! Handa ako mamatay!
Hindi ko mapigilan sisihin ang sarili ko! Ako dapat yun eh! Ako dapat! Ako ang pakay ni Rine! Ako at hindi siya!
Para akong mababaliw sa kakaisip sa nangyare ngayon. Hanggang ngayon hindi parin lumalabas ang doctor. Kanina pa ako nag hihintay dito para hintayin siya. Para hintayin kung kamusta na ang kalagayan ni Keiv.
Si Gavin at Fabio ay ginagamot narin mga doctor at nurses ngunit mas critical ngayon si Keiv dahil sa tabi ng puso daw siya natamaan.
Nandito narin sila Mom at Dad na pinapatahan ako humihikbi. Si Kuya naman ay nandito narin. Si Rika, Stella at Azia ay kasama si Shawn sa Mansion. Gusto nila pumunta pero ayaw rin iwan ni Azia si Shawn.
Siguro nasa tatlong oras kami nag hintay hanggang sa makalabas ang doctor.
"Doc, kamusta si Keiv?" Mabilis na tanong ko sa kaniya.
"Doc, he's okay?" It was my Kuya.
"How's he?" Tanong ni Mom sa kaniya.
"Ayos lang sya diba?" Tanong naman ni Dad sa kaniya.
"Pasensya na po."
Para akong binagsakan ng apoy sa kinatatayuan ko. Napaka lungkot ng mga mata nito at parang sinasabi niya ay wala na si Keiv.
Umiling ako at nagsimula narin umiyak.
"D-doc, please. Iligtas nyo po si Keiv ..."
"Doc, magbabayad kami! Iligtas mo lang kaibigan ko!" Reklamo ni Kuya "Nakikiusap ako! Kahit magkano pa yan, magbabayad kami! Magising lang sya!"
Bumuntong hininga ito "Kailangan operahan ang puso niya. Dahil kung hindi —"
"Operahan na sya ngayon, doc. Now." Utos ni Dad.
Napatango ito "Aasikasuhin na namin ngayon."
"Shhhh."
Pagpapatahan sa akin ni Kuya ng makaalis si Mom at Dad para pumirma sila ng operation ni Keiv.
"Magiging maayos si Keiv. Magiging ayos siya, okay?"
Tumango ako habang tinatakpan ko ang mukha ko dahil sa hikbi ko.
"K-kuya, ako dapat yung matamaan eh! Bakit ba sinalo ni Keiv yun?! Ako dapat yun! Ako dapat!"
"Shhh. Hindi ka kayang makita ni Keiv masaktan, Firea. He's love you so much."
"Kuya, kailangan gumising na si Keiv. Hindi ko kaya kapag nawala siya ... paano nalang kami ni Shawn?!"
"Shhhh! Tahan na."
Nayakap ako ni Kuya at nayakap ko siya pabalik. Humihikbi parin ako hanggang sa makarating kami sa kung saan ooperahan si Keiv.
Mga maya-maya ay dumating narin sila Stella, Rika at Azia kasama si Shawn.
"Mommy!! Mommy!!"
"How's he?" Tanong ni Azia kay Kuya.
"Hindi pa nakalabas ang doctor."
Mabilis lumapit sakin si Azia at hindi kona naman napigilan umiyak. Nayakap ko siya at ganon rin ito.
"Shhh. Tahan na, magiging maayos si Keiv, okay?"
"Kasalanan ko to ..."
"Wag mo sisihin ang sarili mo, Firea. Wala kang kasalanan. Kasalanan lahat ni Rine at Kises."
Lumapit sakin si Stella at Rika. Hinawakan nila kamay ko at puno ng pag alala ang mukha nila.
"Ma'am Firea, kung alam ko lang po may gagawin si Kises sainyo. Sinabi kona po agad sainyo."
Hinarap ko si Stella "Bakit? Alam mo ang tungkol sa kaniya?"
"Narinig ko siyang may kausap sa cellphone akala ko po nag dra-drama lang siya like sa pinapanood niyang drama. Mahilig po kase sya ng ganon pero hindi kona po agad sinabi sainyo dahil natatakot rin po ako."
"Ako rin po, Ma'am Firea." Aniya ni Rika "May narinig akong sinabi si Kises na papatayin ka daw niya. Akala ko nabibingi lang ako pero tama yung pagkadinig ko. Patawad po, hindi ko agad sinabi sainyo."
Hinawakan ko mga kamay nila "Ayos lang. Nangyare na eh. Wag nyo sisihin mga sarili ninyo, okay?"
Tumango sila at niyakap ko sila dalawa.
"Mommy!"
Hinarap ko si Shawn at niyakap ko ito.
"I miss you so much, Shawn."
Sinabi narin ni Kuya samin na wala na sila Kises at Rine pero si Nami ay ipapakulong nila ngunit hindi pumayag si Blad. Hindi naman nila naipakulong si Nami dahil walang ginawang masama si Nami at hindi sinusuportahan si Rine sa ginawa niya.
Hindi ko alam kung mga ilang oras na kami nakaupo dito. Inabutan narin kami ng umaga pero hindi parin lumalabas ang doctor. Nag aalala na ako. Paano kapag nahirapan sila sa pag opera kay Keiv? Paano kapag may nangyare ng masama sa kaniya?
Habang nag hihintay kami ay lumabas ang doctor.
"Doc, kamusta na siya?"
"How's my friend, doc?"
"How is he?"
Bumuntong hininga ang Doctor.
"Who is Firea Wilson?"
"A-ako po, doc."
Ngumiti ito sakin "Nagising siya kanina at binanggit niya ng paulit ulit pangalan mo. And sinabi niya narin na huwag ka daw mag alala dahil hindi daw siya mamamatay."
"Doc, ayos na po ba si Keiv?" Tanong ni Mom sa kaniya.
"He's okay now."
SEE YAH SPECIAL CHAPTER!!
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
RomanceGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024