NAGISING ako dahil sa ingay. Dahan-dahan ko minulat ang aking mga mata hanggang sa mahagip ko ang limang lalake na nag iinuman.
Bigla ko naalala ang nangyare.
Kamusta na si Shawn? Nailayo ba nila Stella at Rika si Shawn? Kamusta na sila?
Madilim nasa labas dahil tanaw na tanaw ko ang kadiliman sa bintana. Mas lalong hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi ito pamilyar na lugar sakin. Pakeramdam ko nasa dulo kami ng mundo kung saan hindi ako mahahanap nila Keiv.
Nakaupo ako habang nakatali at hindi ko maalis ang mga nakatali sa mga paa ko, kamay ko sa likod at mas lalo na ang panyo na nasa bunganga ko.
Ramdam ko narin ang pananakit ng katawan ko dahil binugbog ako ni Rine. Pasalamat nalang dahil hindi nila hawak si Shawn. Ayokong madamay sya dito.
"Hoy! Gising na sya!"
Lumapit ang dalawang lalake sakin at hinihimas nila ang legs ko pero pinilit kong umiwas ngunit hindi ko magawa.
"Ang lambot tol! Hawakan mo!"
Sumunod naman ang kasama niya hawakan ang legs ko hanggang sa balikat ko. Kahit anong sigaw ko at iyak ko hindi nila ako maiintindihan!
"Ako muna ang mauna?!" natatawang sabi ng isa.
"Basta ako ang sunod!"
"Ako sunod!"
"Syempre susunod ako dyan!"
"Ako nalang magpapahuli. Mas matagal at susulitin ko pa! Hahahahahaha!"
"Hahahahahaahhaa!"
Mga tarantado! Ano akala nila sakin?! Manika para paglaruan nila?! Mga gago!
Akmang hahalikan na ng lalake ang leeg ko ng bumukas ang pinto. Pumasok si Rine at biglang tumayo ang limang lalake para sumeryoso. Nasa likod ni Rine sila Nami and Kises.
Traydor, Kises!
"May inutos ba akong gawin nyo yun sa kaniya?"
"W-wala po boss!"
Tinignan ako ni Rine at ngumisi ito ng bongga.
"Wag ka mag alala. Walang makakahanap sayo dito at hindi ka nila mahahanap para iligtas ka." ngumiti ito ng parang demonyo "Dahil may paparating ngayon para kunin ka at ipalabas sa Pilipinas. Sinabi niya muna sakin hindi muna kita sasaktan ngayon pero kapag nagmatigas ka, mapipilitan ako saktan ka ulit. Kaya behave kalang, okay?"
Kahit anong gawin ko wala man lang tumatanggal ng panyo sa bunganga ko para makapag salita.
"Gusto niya magsalita." Sabi ni Kises habang nakangisi pa ito sakin "Mukhang may sasabihin sya sayo."
"Wala akong pakealam. Mumurahin lang ako ng babaeng to." Bumuntong hininga sya "Alam mo ba kung bakit kita kinidnap? Dahil gusto kong iparamdam sayo ang sakit ng mga dinanas ko katulad ng pag iwan sakin ni Keiv!" Galit na sigaw niya "Inagaw mo siya sakin, Firea! Kaya hindi ko palalampasin ginawa mo samin! Ikaw ang dahilan kung bakit iniwan niya ako! Bakit kapa dumating sa Arrosa ha?! Napaka landi mo!"
Gusto ko matawa. Ano naman kung malandi ako? Saakin naman umuwi si Keiv at hindi sayo. Ako ang mas minahal ni Keiv kesa sayo. Sakin niya pinaramdam ang totoong pagmamahal kesa sayo.
Gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawa dahil sa panyo na nasa bunganga ko.
"Wag ka mag alala. Isasama ko si Shawn ibigay sa mga taong demonyo na katulad ko. Magugustuhan nila ang anak mo dahil katulad sila ng ina niya!"
Kumulo ang dugo ko dahil sa pagdamay niya sa anak ko.
"Hinahanap parin sila ng mga bata ko, Firea. Makikita mo rin ang anak mo pero sa huling beses at sa isang beses lamang."
YOU ARE READING
From Soil To Serendipity (COMPLETED)
Любовные романыGoing from the dirt and basic things in life to unexpected and happy surprises. It's like starting from the ground and ending up with wonderful and unexpected moments that make you really happy. START: MARCH 21, 2024 END: MAY 1, 2024