Samu’t-saring kulay ng mga neon lights, usok na may iba’t-ibang amoy, malakas at pamilyar na musika, crowded na dance floor— iyan ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa Triple 8. Iba ang atmosphere ngayon dito, palibahasa’y maraming students mula sa school namin dahil kagaya namin ay may plano rin mag hangout sa last day ng foundation week.
“I’ve never been here,” Anikka said this while looking everywhere. She looked like a lost kitten.
“I know. You were never a party girl”
Humalakhak siya at hinila ang kaliwang kamay ko para makapasok sa loob. Halata sa mga mata niya ang pagkamangha at kung hindi ko pa aakayin papuntang sofa ay hindi pa gagalaw.
Dinala ko siya sa usual spot namin ng D’Beasts. Kumpleto na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Punong-puno na rin ng iba’t-ibang pagkain at inumin ang table.
“Finally!” bungad ni Vince nang makarating kami.
“First time nagdala ng girlfriend! Siya dapat ang taya ngayon”
Sobrang ingay nila at masaya namang nakikisabay si Anikka. They’re all asking different questions, and she answered them like a pro. Kabilang sa mga tanong nila ay kung kailan at paano naging kami.
“We’ve been classmates since first grade, and our parents are both in the same field too.”
“Edi botong-boto ang parents mo Bry? Maganda si Anikka, mayaman, at mag do-doctor din”
I chuckled and drank the whiskey in my shot glass. “Well, she and my parents can get along very well”
Nagpatuloy ang kwentuhan habang pinapakiramdaman ko kung maa-out of place ba itong kasama ko, pero mukhang hindi naman. In fact, mukhang ako pa ang out of place dahil sa tahimik ko.
I don’t know why I’m spacing out. Hindi pa naman ako lasing pero kung ano-ano na ang sumasagi sa isip ko— mga bagay na hindi naman dapat pinagtutuunan ng pansin.
“Inimbitahan nga namin si Top kanina kaso ayaw naman,” kaswal na wika ni Ford. “Sinabi pa naman namin na sagot ni Bry ang inumin kasi finally may girlfriend na siyang ipapakilala!”
Tsk! Bakit naman niya iyon binanggit pa? Tsaka talagang hindi iyon pupunta kung ganiyan pala ang sinabi niya!
Or maybe I’m just overthinking. Hindi naman dahil hindi siya pumunta ay affected pa rin siya sa kung anong meron sa amin noon. Hindi siya iyong tipo ng tao na maaapektuhan sa mga simpleng bagay.
“Hindi talaga iyon sasama. Hindi ko na nga tinanong dahil nitong mga nakaraan at napapadalas na ang pagiging mainitin ang ulo. Palagi na lang galit! Minsan nagtataka na ako kung sino ba sa amin ang mas matanda!”
I was busy listening to their rants when I noticed Anikka’s gaze. She’s looking at me.
“What?”
“It’s kind of rude to butt into their conversation kaya ikaw na lang ang tatanungin ko”
“What is it? Something important?”
Umiling siya bago inabot ang baso ng cocktail at sumimsim. “Hindi ba iyang Top na tinutukoy nila at iyong tumulong sa iyo roon sa manyak na senior ay iisa?”
“Yeah,” bored kong sagot. “Kapatid siya ni Bien”
Iyon lang naman pala ang itatanong niya.
“Oh, I see. Pero sabi nila hindi raw sumama?” nagtatakang tanong niya.
“Maybe he’s busy. Why are you asking?”
“I think I saw him earlier sa labas— oh, nevermind. Baka namalik-mata lang ako”
Nagulat ako sa sinabi ni Anikka. Imposibleng nakita niya sa labas kung hindi naman pala sumama! Sumunod kaya siya? Para saan? This is not his usual place.
Hindi ko alam kung paano ako makakasiguradong siya nga iyong nakita ni Anikka sa labas. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang makasigurado. Ano ngayon kung siya nga iyon? Ano ngayon kung nagbago ang isip niya at gusto niya palang pumunta?
“Cr lang ako,” paalam ko kay Anikka. She’s busy talking to Ford kaya tumango na lang siya.
I excused myself and went outside. Fuck! Why am I even here?
Nagpaalam akong pupunta ng banyo pero narito ako at ginagala ang paningin sa labas ng bar. Marami rin tao dahil may mga tables and chairs din maging dito para sa mga gustong magpahangin at mag smoke.
Muntik ko nang maisip na guni-guni lang iyon ni Anikka nang mapalingon ako sa barandilyang nasa medyo madilim na parte.
And there, I saw him for the first time since I told him to leave me alone.
He’s busy talking with someone—a girl, to be exact. Hindi ko kilala ang babae pero sa tingin ko ay schoolmate namin siya. Pinagmasdan ko pa sila ng ilang sandali. Nagtatawanan sila habang nakasandal lang sa barandilya. I was about to walk away nang magtagpo ang mga mata namin ni Top. He showed no emotion, kaya hindi ko alam kung talaga bang nakita niya ako.
Hindi ako nakaalis kaagad kaya kitang-kita ko kung paano siya bumulong sa babae at sabay na umalis. They left, sakay ng motor nito. Saan naman sila pupunta ngayon? Kung ayaw niyang sumama kila Bien, bakit siya nandito? For what? To hook up with a girl and fuck her somewhere? He’s disgusting.
“Hey! Kanina pa kita hinahanap. We’re having fun! Tara sa loob”
I nodded at Anikka and scanned the whole place where Top and his girl were standing before they left. They really left. Hindi bumalik. Talagang umalis.
“Are you okay?”
“I’m a bit tipsy. I still can drive though,” I said as a matter of fact. Pinipilit na maging kalmado.
Buong oras ko yata sa bar na iyon ay ginugol ko na lang sa pag-iisip kung saan pumunta si Top at iyong babae niya. Sa condo ba noong babae? Sa hotel? Ayokong isiping may ginagawa silang milagro but knowing Top? Imposibleng wala.
How dare he confess his feelings for me? At wala pang isang linggo ay makikita ko na siyang may kasamang iba? I know what I said to him was rude and unforgivable, but if he really is serious and true to his words, I won’t be seeing him tonight with a girl.
Ngayon ay lalo ko lang napatunayang hindi siya seryoso sa mga pag-amin niya. Mas lalo ko ring hindi pinagsisisihan ang lahat ng mga nasabi ko.
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
