CHAPTER 2: Baymax

3.8K 89 41
                                        

Tahimik kong kinakain ang lunch kong chicken teriyaki sa canteen habang kasabay ng buong D’Beasts. Well, except kay Val dahil matapos ang outing namin noong bakasyon ay umuwi na rin siya kaagad sa San Diego dahil may pasok na sila. Now, they’re all talking about their new subjects, kaya mas pinili kong makinig na lang dahil siguradong hindi naman sila makaka-relate sa mga subjects ko kung sakaling ako naman ang magkwento.

“Bakit mukha ka na namang problemado, Bien? Hindi naman gaanong mahirap ang mga subjects natin, right?” natatawang tanong ni Ford habang pinagmamasdan ang itsura ni Bien na nakakunot ang noo at nakayuko sa pagkain niya.Kung hindi lang mukhang may problema siya ay natawa na rin ako sa itsura niya. He looks constipated at wala ring ganang kumain. Kung wala siyang iniisip ngayon, siguradong ubos na ang tanghalian niyang chicken adobo with garlic rice sa lakas niyang kumain.

“Kasi itong mabait kong kapatid, nakipag-away na naman daw kanina. Nagsumbong sa akin iyong isang ka-batch niya. Nakakahiya!”

Bumalik kaagad sa isip ko ang imahe ni Top nang sabihin niya iyon. Natatandaan kong may napansin nga akong sugat sa ibaba ng kaniyang labi na mukhang galing lang sa pakikipag-away. Kaya hindi na ako nakapagpigil na sumagot sa naging reklamo na iyon ni Bien.“Nakita ko nga siya sa nursing department kanina. May pinupormahan sigurong taga roon. May sugat din siya sa ibabang labi, at class hours iyon nang makita ko, kaya for sure nag-cutting classes si Top.”

“Kita niyo na! Ang lakas pa ng loob niyang maghangad ng nursing student kahit na hindi naman siya nag-aaral ng mabuti. Kung hindi palaging bagsak ang mga grades ay palagi namang may pasa sa mukha at kung saan-saang parte ng katawan,” singhal ni Bien na tila pasan-pasan niya ang mundo sa laki ng problema niya.

“Alam mo, Bien may sarili namang buhay iyang si Top. Hayaan mong ma-realize niya na nagsasayang lang siya ng oras sa pakikipagbasag-ulo. Matututo rin iyan,” pagpapakalma ni Fred.

Natahimik na lang ako ulit at nagpatuloy kumain. Napansin ko lang, simula noong mag-transfer si Top dito sa school namin ay hindi pa namin siya nakakasabay kumain ng tanghalian. Palagi siyang wala at knowing na bago pa lang siya rito, ang imposibleng mayroon na kaagad siyang kaibigan. O baka naman mas gusto niyang mag-isa. Hindi siya malapit sa kahit na sino sa amin, kahit pa sa kapatid niya. Mas marami pa siguro ang oras na hindi sila magkasundo kaysa okay sila. Ang weird ni Top para sa akin. Para siyang isang malaking misteryo.

“Ilang taon nga ba ang tanda mo kay Top?” kuryosong tanong ni Vince kay Bien.

“Isang taon lang ang age gap namin kaya nga ang hirap niyang pasunurin. Kung ang mga magulang ko nga ay suko na sa ugali niya, ako pa kaya?”

Palihim akong natawa dahil ang malikot kong imahinasyon ay kung saan-saan na naman nakakarating. Ano kayang itsura ni Top noong mga bata pa sila? Siguro ay mukha siyang batang angry bird dahil sa kapal ng kilay niya at palaging galit na ekspresyon ng mga mata. I don’t know why, but those distinct features of his make his personality more justifiable.

“Kung ganoon ay first year na siya ngayon, tama?” paninigurado ni Tan habang nakatingin ang mga mata sa phone niya. Siguro ay ka-text si Val.

“Oo at muntik pang hindi makapag-enroll dahil na-hold lang naman ang kaniyang good moral. Paano, halos gawin ng pangalawang tahanan ang detention office.”

Humalakhak si Aki at naiiling na tinapik na lang ang balikat ni Bien. “Ang lala ng kapatid mo. Siguro ay mag-ipon ka na lang muna sa ngayon at bumili ka ng bagong kapatid sa susunod. Pilin mo iyong madaling mapasunod para hindi ka na magmukhang matanda kakaisip diyan sa kapatid mong pasaway.”

Tawanan ang bumalot sa table namin dahil sa birong iyon ni Aki. Napangisi ako sa ideyang iyon dahil kung pwedeng ganoon ay baka mag-ambag pa ako para lang makabili siya ng bago. Problema kasi talaga ang isang iyon, eh. Parang hindi puwedeng lumipas ang araw na wala siyang nagagawang kalokohan ag hindi nagiging sakit sa ulo ni Bien.

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon