Buong linggo kong hinanap si Top sa school. Simula nang makita ko siya sa hospital ay hindi ko na siya nakita pang muli. Lumipas na lang ang isa pang linggo ay wala pa rin akong nakitang presensya niya. Hindi ko alam kung hindi ba siya pumapasok o talagang iniiwasan niya lang ako kaya hindi kami nagpapang-abot. Gustuhin ko man itanong kay Bien kung nasaan ang kapatid niya ay siguradong hindi iyon magandang ideya. He might take it the wrong way.
“Ano? Nakita mo ba?” tanong ko kay Anikka sa phone. She’s having a lunch break. Duty siya ngayon sa hospital habang ako ay nasa school dahil kakatapos lang ng duty ko kahapon.
“Kanina pa kita gustong tawagan kaya lang busy ako. At oo nakita ko siya kanina kaya lang umalis na rin kaagad. May hawak siyang envelope galing sa opisina ni Dr. Samaniego”
By now, kung talaga nga na nagpatingin siya ay nakuha na niya ang result ngayon. Iyon ba ang nasa loob ng envelope?
“I can’t play detective anymore,” pagod na reklamo niya sa kabilang linya. “Matapos mo akong pagpanggapin na girlfriend mo, ngayon naman ay gagawin mo akong detective”
“I’m sorry. I promise it’s over. Ako na ang bahala”
“Ano ba kasing meron sa lalaking iyon! Kahit ako ay nahihiwagaan na rin kung bakit nakakailang balik siya rito sa hospital”
“Don’t think much about it. Sige na, I’ll end this call. Good luck on your duty”
Nang binaba ko na ang tawag ay muli akong nag-isip ng pwede kong gawin. Mahaba naman ang bakanteng oras kaya mas makakapag-concentrate ako.
Isa na lang ang natitirang solusyon para masagot lahat ng mga tanong sa isip ko. Kung galing sa hospital si Top kanina at wala siya sa school ngayon, malamang nasa dorm iyon at nagpapahinga.
I need to go to their dorm nang walang makakaalam. Kahit si Top mismo. Pero paano? Wala akong susi at hindi ko alam kung pagbubuksan ba ako ng lalaking iyon. Baka unang kita pa lang sa akin ay pagbagsakan na ako agad ng pinto.
“I can’t ask Akiro, but maybe I can ask his boyfriend?”
Bry Sullivan
Damien, emergency. I need your help.
Meet me at the parking lot. ASAP
Matapos kong i-send ang text na iyon ay dumiretso na ako sa parking lot. Kilala ko si Damien, alam kong hindi niya ipagsasabi ang kahit anong mapag-uusapan namin. For sure kaya niya rin makaalis kaagad nang walang nakakahalata sa buong D’Beasts.
“What help do you need? You don’t look battered,” bungad nito habang pinagmamasdan ang buong itsura ko.
“Damien, I need your help—”
“Oo nga, nakalagay sa text mo”
Fuck! Patience Bryle, Patience.
Humarap sa akin si Damien at tinaasan ako ng kilay. “What is it?”
This is my last resort. Do I have to do this? Maybe I should do this for my own peace of mind.
“Pwede mo bang kunin ang susi ng dorm nila Bien?”
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
