IKA-LABING WALO

2.3K 62 26
                                        

TOP’S POV

“W-What? Paano nangyari iyon? What do you mean you fell damn hard? Are you being for real?” gulat at kinakabahan niyang saad.

Ano namang nakakagulat doon? Sinabi ko na nga sa kaniya noon pa man na posible talaga ang mga ganitong bagay. Hindi ko alam kung bakit nagugulat pa ito. Ano ngayon kung gusto ko na siya at talaga ngang nahulog na ako? Akala mo naman ay may magagawa pa siya.

Kung sabagay, ako nga mismo sa sarili ko ay nagulat din. Kusang umamin itong bibig ko. Hindi ko naman gustong sabihin sa kaniya iyon, lalo pa sa ganitong sitwasyon. Pero ano namang magagawa ko kung talaga ngang gusto ko siya? May gamot bang iniinom para mawala ang ganitong nararamdaman? O kung mayroon man, hindi ko pa rin iinumin. Gusto kong maramdaman ng tuluyan ang pagkagusto ko sa kaniya. Bago lang ito sa akin kaya normal siguro na nakakaramdam ako ng excitement. Kahit pa alam ko namang hindi pa ako pumuporma, siguradong busted na ako.

“Huwag ka nang magtaka. At saka, pinigilan kong magkagusto sa iyo dahil wala ka rin namang mga interesting na katangian. Ewan ko ba kung bakit isang araw, nakita ko na lang ang sarili kong nag-i-imagine ng mga bagay-bagay kasama ka.”

Totoo iyon. Siguro ay nagsimula nang halikan ko siya dahil matapos noon, nag-iba na rin ang tingin ko sa kaniya. Lagi ko na lang siyang iniisip. May mga gabi pa nga na nagigising akong pagod na pagod at hinihingal dahil sa panaginip ko, naghahalikan kami. Paulit-ulit at walang tigil.

Doon ko napagtantong baka nga may gusto na ako sa kaniya. Napatunayan ko pa ito lalo kanina nang makita ko siyang kayakap iyong kaibigan niyang babae. Gusto kong hilahin siya roon dahil sa mga braso ko siya nababagay!

“Gago ka ba? Itigil mo iyan. Sinabi ko na sa iyo noon pa. H-Hindi puwede! Pero hindi ka pa rin nakinig.”

Alam kong kahit paano ay may kaunti rin siyang nararamdaman para sa akin. Dapat pa yata talaga akong magpasalamat sa kaniya dahil hindi niya sinusubukang palalimin pa ang kaunting feelings niyang iyon. Siya na lang siguro ang mag-control na huwag mahulog dahil hindi ko na kayang i-control pa ang sarili ko. Totoong sinubukan ko, pero huli na ang lahat.

“Oo nga! Kaya huwag ka na lang mahulog. Huwag mo na lang akong gustuhin pabalik. Dahil isang sabi mo lang na gusto mo rin ako ay hindi ka na makakapalag. Itatali kita sa kama at aangkinin kita habang buhay,” natatawang pananakot ko. Talagang tototohanin ko iyan kaya matakot ka na!

Nakita ko ang gulat niyang ekspresyon at napapalunok itong tumayo. Hindi mapakali ang mga mata niya at magkasalubong ang mga kilay. Tuwang-tuwang talaga ako kapag ganito siya. Iniisip niyang pinagti-trip-an ko lang siya kahit na totoo naman lahat ng sinasabi ko.

“Fuck you, Top! Fuck you to death,” aniya bago naglakad palayo.

Humalakhak ako at ngumisi habang pinagmamasdan ang likuran niya. “Gamutin mo iyang mga sugat mo, ha. Ang dungis mo rin kaya magpalit ka na.”

Hindi na siya muling lumingon at tinaas na lang ang kaniyang kanang kamay at inangat ang middle finger. Pinagmasdan ko pa siya hanggang sa unti-unti na siyang nawala sa paningin ko. Pikunin talaga ang Baymax na iyon. Magbabago pa kaya ang pagiging magagalitin niya kung sakaling maging kami? Hays, sana nga! Sana maging kami at sana mabawasan ang init ng ulo niya.

“I meant it, Bryle. Hangga’t may pagkakataon ka pa ay humakbang ka na ng malayong-malayo sa akin. Dahil kung kaya mong magpigil ng nararamdaman, ibahin mo ako,” bulong ko at naupo bench na kaninang inuupuan niya.

Nang makaupo na ay sumandal ako sandali at pinikit ang mga mata. Hindi na muna ako bumalik sa klase kagaya nang gustong mangyari ni Ms. Ignacio dahil hindi rin naman sila tumatanggap ng late. Papalipasin ko muna ang dalawang oras na subject na iyon bago ako bumalik. Ayaw ko namang doon ulit tumambay malapit sa department nila Bryle dahil fresh pa ang nangyaring gulo. At lalo namang ayaw ko sa malapit sa aming area lalo pa at cutting classes itong ginagawa ko.

Nakakaramdam din ako ng kaunting sakit ng ulo kaya mas lalong nanalo ang kagustuhan kong manatili muna sa bench at hayaang dampian ako ng kaunting hangin mula sa nagsasayawang puno sa paligid. Habang nagpapahinga, bumalik muli sa akin ang away kanina. He’s in rage. Ang mga mata niya ay parang umaapoy sa galit. Sa lahat ng magkakaibigan, siya ang pinakatahimik at hindi mo maiisip na kaya niyang makipag-away ng ganoon. Kung sabagay, sumali nga iyon sa ilegal na karera dati, eh.

All I can say is that he’s capable. Marami siyang kayang gawin na hindi mo aakalaing magagawa niya. Para siyang nakamaskara bilang isang matalino at seryosong nursing student. That must be so tough. To be what you don’t want to be. Sabi pa nila Val noon ay hindi naman daw gusto ni Bryle ang pag-aaral ng medisina. Napilitan lang dahil sa kaniyang pamilya.

I suddenly want to make him enjoy life as if he’s free to do everything that he wants to do. Gusto kong iparamdam sa kaniya na despite everything that his parents want him to be, he’ll still have the freedom to express himself and be happy. Gusto ko siyang pasayahin habang buhay.

“Hoy, Kristoff Lucian! Ano na namang ginawa mo?!”

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang sigaw na iyon mula sa boes na kinaiinisan ko tuwing umaga. Minulat ko ang mga mata ko at tiningala ko mula sa kinauupuan ko ang pinanggalingan ng boses. Nagpupuyos siya sa galit habang nakakunot ang noo. Ano ba iyan! Ang bilis naman makarating sa kaniya ng balita.

“Napaaway lang,” kaswal kong sagot habang hinihilot ang sintido.

“Napaaway lang? Talaga bang gago ka ha, Top? Kalat na kalat na sa buong campus iyong nangyari kanina! Talagang dinamay mo pa si Bry!”

Natawa na lang ako sa accusations ng kapatid ko. Talaga bang dinamay ko si Bryle? Hindi ba ay siya itong nangdamay sa akin? Sabagay, hindi niya naman ako pinilit na tulungan siya. At mas lalong hindi ko siya kayang sisihin dahil para sa akin, isa siyang anghel at walang sino man ang puwedeng gumawa sa kaniya ng masama.

Tumayo ako at humikab muna bago nilagay sa tig-kabilang bulsa ang dalawang kamay ko. “Tanungin mo muna iyong kaibigan mo kung anong totoong nangyari bago mo ako sermonan. Masakit ang ulo ko. Mamaya na lang tayo mag-usap.”

“Ano bang ginawa niya? Can you just enlighten me? Kung ano-ano nang balita ang mga nakarating sa akin,” inis na inis pa rin siya na para bang patid na ang iniipon niyang pasensya.

“Sinuntok niya iyong senior na engineering student. Ang laki na ng katawan pero walang nagawa kay Bryle,” proud kong paliwanag. Para tuloy akong tatay na proud sa achievement ng anak!

Halata sa kaniya ang pagkagulat. Hindi rin niya siguro inasahang ganoon ka-bayolente ang kaibigan niya. Kahit ako nga ay nabigla rin sa nakita ko. Grabe pala talaga makipag-away ang isang iyon kahit na walang ibang ginawa kung hindi ang magbasa ng makakapal niyang libro. Kung hindi pa nga ako dumating ay baka hindi na niya tinigilan iyong senior.

“Kung si Bry ang nakipag-away, bakit naman nadamay ka? Ang layo ng building mo sa nursing department, Kristoff!”

Akala ko ay tapos na ito sa sermon niya. Para tuloy akong may another copy ni Mama na naisama sa pagbukod ko. He’s always like that. Ang exaggerated ng mga reaksyon na para bang nakapatay na ako kung mag-react siya ng ganito. Alam kong concern lang siya sa akin, pero hindi ko maiwasang mainis minsan dahil ang sakit sa tainga ng boses niya.

“Doon talaga ako tumatambay, nagkataon lang na nakita ko siyang nakikipagsuntukan kaya nakisuntok na rin ako.”

Inis na ginulo ni Kuya ang buhok niya at malakas akong binatukan. “Hindi ka talaga mabubuhay ng walang kasamang pakikipagsuntukan! Imbes na umawat ka ay nakisali ka pa! Kung inawat mo na lang tapos umalis ka na at nakipagkita ka sa kung sinong babae mo, edi hindi ka na sana damay sa gulong iyan!”

Kung ibang tao nga iyon ay kahit tingin hindi ko ginawa. Siguro ay talagang nagkukusa na lang ang katawan ko kapag may kinalaman kay Baymax.

“Kapag nalaman ito ni Mama ay malalagot ka na naman. Siguraduhin mong hindi na niya kailangan ipatawag,” seryosong pagbabanta pa niya.

“Sana nga ay hindi na ipatawag ang mga magulang namin. Siguradong mapapagalitan si Bryle ng magulang niya. Ang sabi kanina ay unang beses daw na nagka-record iyon ng ganoon.”

“Talaga! Dahil hindi naman iyon nakikipag-away noon. Strict ang parents niya at pag-aaral lang ang gusto nilang gawin ni Bry. Konti na nga lang ay iisipin kong bad influence ka sa kaniya!” huminto siya at humakbang palapit sa akin. “Mag-focus ka na lang sa ibang mga bagay at huwag ka nang lumapit pa roon. Ilang beses ko na itong sinasabi sa iyo.”

Pero totoo nga talagang kapag pinagbabawalan kang makatakas, mas lalong tumitindi ang kagustuhan mong makawala.

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon