Ginising ako ng namumuong pawis sa aking noo. Ilang gabi na akong nagigising ng ganito mula sa nalalim na pagkakatulog. Madalas ay tuwing ganitong oras ko nararamdaman ang iba’t-ibang sakit sa parte ng katawan ko, kung kailan kailangan kong magpahinga ng maayos at makatulog ng mahimbing.
Dahan-dahan kong binuksan ang ilaw sa aking kwarto at hinanap ang thermometer sa aking storage box. Mainit ang pakiramdam ko at para akong nilalagnat. Madalas ko rin itong nararanasan, lalo na kapag gabi.
Natatandaan ko pa noon, hindi naman ako ganito. Active rin ako sa sports, soccer ang madalas naming nilalaro noon. Hindi ako mabilis mapagod at wala akong nararamdaman na kahit ano, kumpara ngayon nang malaman kong may sakit pala ako. Ang sabi naman ng doktor, hindi ko raw naramdaman noon ang mga sintomas dahil nasa chronic phase ang sakit ko, pero unti-unting na-develop dahil nga hindi kaagad naagapan. Kahit naman malaman ko noon na may cancer ako, hindi pa rin naman ako lalapit sa doktor para magpagamot. Sa estado ng pamilya namin, mas pipiliin ko pang ipangbayad na lang ng mga bills sa bahay ang gagamitin kong pera sa mga check-ups at gamutan.
Nasa chronic phase pa rin naman ang sakit ko pero bakit parang habang tumatagal, mas marami akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko?
Ginamit ko ang thermometer na nasa pinakailalim ng storage box at nakumpirmang nilalagnat nga ako. Hindi ko pa ito nare-report sa doktor dahil hindi naman ako araw-araw pumupunta roon. Pero sa ilang araw na pagkakaroon ng lagnat at pananakit ng kaliwang bahagi ng abdomen ko, mukhang kailangan ko na ngang muling bumisita dahil sigurado akong hindi ko dapat ito maramdaman kung umeepekto pa ba ng maayos ang gamot na iniinom ko.
“Ano bang masamang nagawa ko at bakit pinahihirapan ako ng ganito?” mahinang tanong ko sa aking sarili habang sinasapo ang bahagi ng katawan kong sumasakit.
Matapos ang ilang minuto kong pamimilipit sa aking kama, nakaramdam na ako ng paunti-unting antok dahil bukod sa pakiramdaman ko ay pagod na pagod ako, malapit na rin magmadaling-araw at kapag ganitong oras noon ay talagang nakatulog na ako.
“Hoy, Top! Gumising ka na, may pasok pa.”
Pinilit kong inimulat ang mga mata ko dahil sa panggigising na iyon ni kuya. “Hindi ako papasok. Lumabas ka na muna.”
“At bakit naman? Tinatamad ka na naman ba?”
Bumangon ako at naupo sa kama dahil mukhang hindi ako titigilan ng maingay na ito. “Hindi. May pupuntahan lang ako ngayon—”
“Saan ka naman pupunta? Kung kailan may pasok. Maghintay ka na lang ng sabado o hindi kaya ay linggo para sa mga lakad mong iyan,” aniya habang sinisimulang buksan ang kurtinang nakatakip sa bintana ng kwarto ko.
“Bibisita ako sa doktor. Huwag mo na lang din banggitin kay Bryle kung sakaling magtanong. Ako na ang bahalang magsabi,” pagpapaalam ko at tumayo na para kumilos.
Kaagad niya akong nilingon at sinamaan ng tingin na may halong pagdududa.
“Bakit naman kailangan pang malaman ni Bry? I mean, yes, gets ko, pero… talaga bang nagpapaalam ka sa kaniya sa mga lakad mo?”
Tinalikuran ko siya at nagsimula nang magligpit ng higaan. “Oo, bakit? Sa lahat ng mga lakad ko, kung hindi man siya kasama, talagang ipinapaalam ko kung saan ako pupunta.”
Nilingon ko siya at nagkatinginan kami habang siya ay nakataas ang kilay hanggang sa unti-unting nagbago ang ekspresyon. Ang kaninang pagtataka ay napalitan na ng gulat.
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
Ficción GeneralCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
