Nagmadali akong magmaneho paalis ng hospital matapos ang duty dahil sa biglaang tawag na natanggap ko kanina galing kay Mommy. Wala pa rin akong lakas para kausapin sila, pero pakiramdaman ko ay may mahalaga itong sasabihin kaya kaagad kong sinagot. Hindi nga ako nagkamali, kaya lang hindi si Mom ang nasa kabilang linya, si Gianna ang may hawak ng phone niya. Noong una ay uusisain ko pa sana kung bakit hindi ang mismong phone niya ang ginamit niya pagtawag sa akin, pero nang malaman ko ang dahilan, halos takbuhin ko na ang pagitan ng layo ko sa kanila.
Sinugod si Mommy sa hospital.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari o kung may masakit ba sa kaniya. Dahil ba sa akin kaya siya nagkasakit?
Gulong-gulo ang isip ko hanggang sa hindi ko na namalayang nakarating na ako sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya namin. Dito siya dinala kanina pa raw umaga, pero ngayon ko lang din nalaman dahil busy ako sa duty buong araw.
Pagpasok ko pa lang sa loob ay bumungad na sa akin si Gianna na mag-isang nakaupo sa lobby habang naghihintay sa akin. Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumayo at sinalubong ako.
“I thought you wouldn’t come.”
“Where’s she? What happened?”
She sighed and nodded before walking in the direction of where Mom’s room is. “Tumaas ang blood pressure niya and her knees weaken. I was so worried kaya kaagad ko siyang dinala rito. She had a fight with Dad last night.”
“Bakit sila nag-away?”
Hindi siya sumagot. Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit. Maybe they’re still fighting because of me; that’s why Mom got sick and rushed to the hospital.
Tahimik kaming naglalakad sa hallway hanggang sa huminto siya sa isang private room na sa tingin ko ay room ni Mommy. Binuksan niya ang pinto pero hindi siya pumasok at naiwan sa labas.
“Bakit ayaw mong pumasok?” nagtatakang tanong ko.
“She wants to be alone. Ayaw niya ng kasama sa loob. Pero kung ikaw naman ang magpapakita, siguradong hindi siya magagalit. She misses you so much,” malungkot niyang sabi bago tumango at sinarado ang pinto sa pagitan namin.
I suddenly feel sad about it. Kahit si Gianna ay ayaw makita ni Mommy. I don’t know what’s going on pero mukhang kahit ang kapatid ko ay affected sa naging problema namin.
“Mommy…” bungad ko.
She’s resting and looks a bit okay now. Pero halata sa mga mata niyang may sakit siya. Nakatulala siya sa ceiling nang maabutan ko habang may namumuong mga luha sa gilid ng mata niya. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya ako kaagad nilingon.
“Mommy, I’m here...” muli kong sabi hanggang sa marinig na niya ako.
Lumingon siya nang dahan-dahan at unti-unting lumiwanag ang mukha niya. She smiled at me at pinilit na umupo habang nakalahad ang dalawang braso.
“H-Henry, anak!”
Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siya bago yumakap ng mahigpit. Narinig ko ang paghagulgol niya sa aking dibdib na para bang ilang taon niya akong hindi nakita at nakasama.
“Mom, stop crying. I’m here,” I assured.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. I feel like I was so selfish to not think about my mother after I left and never bother to visit our house. Sa kagustuhan kong mahanap ang kulang sa sarili ko, hindi ko na naisip ang mga bagay na meron pala ako.
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
