“Hoy, Baymax! Pauwi ka na?”
Napahilot na lang ako sa ulo nang marinig na naman ang nakakainis na boses na iyon. Naglalakad na ako papuntang parking lot. Kaunti na lang ay nandoon na sana ako at diretso nang sasakay sa kotse. Talaga nga namang inabot pa ako ng isang ito. Hindi ko alam kung bakit sunod-sunod na ang mga pagkikita namin. Nakakainis at nakakaasar pa naman ang itsura niya.
“Marami pa akong gagawin kaya lubayan mo na muna ako kahit sandali lang,” mariin kong sagot saka siya nilagpasan.
“Wait lang! Sumunod ka muna sa akin sa parking lot, may ibibigay lang ako sa iyo. Dalian mo. Ang bagal mo kasing kumilos. Kanina pa ako rito,” pagmamaktol niya na parang kasalanan ko pang binagalan kong maglakad dahil hindi ko naman alam na nandito siya. Kung alam ko nga lang ay mas lalo ko pa sanang binagalan.
“Ano ba kasi iyon? Feeling close ka masyado. Just to remind you—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong abutin. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko saka kinaladkad kung saan. “Shh. Mamaya ka na magalit. Baka nawala na iyon, eh.”
Ano na naman ba ang trip ng batang ito at bakit ang kapal naman yata ng mukha niyang hawakan ako? He’s invading my personal space, tsk.
Akala ko pa naman ay buong hapon ko na siyang hindi makikita, pero heto at sumulpot na naman mula sa kung saan. Nag-early out pa naman kami ngayon kaya may pagkakatataon pa ako para sumadya sa office ni Dad. I need his help para sa Ilang mga vaccines na kulang pa sa akin. Isa pa, kailangan ko rin ng bagong stethoscope at ilan pang mga gamit kagaya ng pulse oximeter at penlights. In short, wala akong panahon sa kalokohan ng baliw na ito.
“May kotse ka naman, hindi ba?”
Isang buntong-hininga na lang ang pinakawalan ko bago tumango at sumunod sa kaniya sa isang madilim na bahagi ng parking lot. Nakarating kami sa tapat ng isang malaking puno at doon ko napansin ang isang kahon ng sapatos na may check pang naka-drawing sa gilid nito. Napaliligiran ito ng mga tuyong dahon na para bang itinago niya pa para lang hindi makita ng kung sino mang magagawi roon kung sakali.
“Bakit nagkaroon ng sapatos diyan?” kunot-noong tanong ko. Sa dinami-rami naman kasing puwedeng paglagyan, diyan pa talaga. Tapos pagmamadaliin ako dahil takot na mawala. Hindi talaga nag-iisip.
Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy sa pagkuha ng kahon saka iniabot sa akin. Tiningnan ko lang iyon nang may pagtataka. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya para bigyan ako ng sapatos, when in fact, siya naman ang mukhang may kailangan noon. We’re not even close para magregalo siya sa akin. Para saan ang isang iyan? Pampalubag loob dahil sa panggugulo niya sa akin?
“Kunin mo na. May kotse ka naman kaya sa iyo na lang. Hindi ko kasi madadala, motor ang gamit ko.”
“Suotin mo na lang at itapon mo na iyang lumang converse mo. Aanhin ko naman ang sapatos kung marami naman ako—”
“Buksan mo kasi! Ang dami pang sinasabi, puwede namang buksan na lang,” pagdadabog na aniya at inangat ang takip ng kahon bago muling inilahad sa akin.” O ayan! Tingnan mo, mukha ba iyang sapatos?”
W-What the fuck?
“S-Saan nanggaling iyan?!”
Hindi ako makapaniwala sa kung anong nasa loob dahil hindi naman pala sapatos ang laman nito kung hindi isang kuting. Kulay puti at mukhang wala pang isang buwan. Mapayat at mukhang mahina na, parang kung hahayaan pang mag-isa ngayong gabi ay puwede nang mamatay.
“Nakita ko iyan doon sa likod ng classroom namin. May stray cat daw kasing namamalagi roon. Tapos ayan, nag-iwan pa ng anak. Hindi na binalikan,” kibit-balikat niyang sagot at sapilitang inilagay sa mga bisig ko ang kahong hawak niya.
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
