IKA-DALAWAMPU

2.3K 63 15
                                        

Maaga akong gumising dahil kailangan pa naming gawin at i-finalize ang booth namin. Wala namang klase at hospital duties kaya malaya kaming magsaya ngayon sa campus.


I wore a white plain shirt and black pants, paired with my white sneakers and a baseball cap. Pwede naman kaming magsuot ng kahit ano kaya hindi na ako nag uniform.


Bye, Pancake! See you later, paalam ko sa kasama kong natutulog sa sofa.


Maaga pa at may usapan kami ng buong D’Beasts na sama-samang bumisita sa mga booth. Mauuna kasing itayo ang ibang booth malapit sa area nila.


Nang makarating ako sa loob ng campus ay sinipat ko ang paligid. Lahat ay busy sa pag de-decorate habang ang iba ay namamasyal para bumili ng iba’t-ibang paninda. We decided to just wait for each other near the fountain. There are different booths besides it, ayoko sanang doon muna dahil hindi naman ako bibili pero mas mabuti nang nandoon ako para makita sila kaagad.


Hi, Bry! Bili ka na! Bagong luto lang”


Mamaya na lang, hinihintay ko pa sila Aki,tipid na sagot ko sa isang kakilalang nang-alok ng kanilang tinda.


Bakit ba naman kasi dito pa naisipan magkita-kita sa tapat ng mga booth! Nakakailang tanggi na ako sa paulit-ulit na nagtatanong kung bibili raw ba ako o hindi.


Wow! Ang daming magaganda”


Nilingon ko kaagad ang pamilyar na boses na iyon. Kahit kailan talaga ang isang ito!


Ford! Nasaan na sila? Kanina pa ako rito, inip na tanong ko. Nakakahiya na rin sa mga nagtitinda at dumadaan.


Nandiyan na. Tumitingin lang ng mga tinda roon. Nauna na ako kasi mas marami raw masasarap dito. I guess they’re right, aniya habang nagpapa-cute sa mga babaeng nagtitinda.


What the fuck?!


Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang mambola sa mga babaeng nasa mga booth. Mukhang mas mag e-enjoy siya sa dami ng mga magagandang babaeng nakikita niya sa paligid kaysa sa tinda nilang pagkain.


Bili ka na, Ford. Gwapo ka naman”


Sus! Hindi iyan bibili. Hindi naman iyan nadadaan sa pangbobola.


Sige ba!


Napangiwi ako sa agarang sagot ni Ford. Talagang bibili siya?


Ikaw din, Bry. Masarap daw ito sabi ni Jasmine, panghihikayat pa niya sa akin at inakbayan ako. Napaharap tuloy ako sa harapan ng mismong booth.


Ano iyan?


Baka mamaya ay kung ano naman itong binibenta. Mahigpit pa naman ang meal plan ko.


Hindi na nakasagot iyong nagtitinda dahil sini-sales talk na ako ni Ford na parang negosyo niya ito. Turon iyan, Bry. Maliit na version pero masarap iyan! Kita mo naman, ang linis ng area”


Wala akong magawa kung hindi ang bumili ng isa para manahimik na siya. If I know, nagpapalakas lang ito rito sa mga babaeng nagtitinda. Tamang-tama naman at medyo nagugutom na rin ako kakahintay sa kanila.


Inabot na sa akin ang turon na nakalagay sa isang paper plate. Teka, bakit may cheese at mayonnaise itong turon na ito? Ganito na ba ang uso ngayon? Maliit at mapayat na turon na may cheese and mayonnaise? Kaya siguro masarap daw dahil sa different combinations.


DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon