“Teka nga! Anong sasabihin at… what is this? Bakit ka nandito, Bry?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Bien nang makapasok siya sa kwarto ni Top at makita niya akong nakaupo sa study table.
Nang marinig namin ang pagdating nila Bien kanina ay inutusan ko kaagad si Top na papuntahin dito sa kwarto para makausap tungkol sa sakit niya. I know this is going to be hard, but Bien deserves to know about it right now.
Tiningnan ko si Top at mukhang kailangan niya ng tulong kaya tumayo na ako at inabot ang isang envelope na naglalaman ng mga records niya mula sa una niyang check up hanggang sa mga recent tests.
“Ano iyan?”
“Basahin mo. Medical records iyan ni Top galing sa SBMH”
Kumunot ang noo niya at inabot ang envelope. Hindi niya kaagad binuksan at bumaling ang tingin kay Top. “Medical records? Nanggaling kang ospital? Paano ka nagka-records?”
“May sakit ako, Kuya”
Walang nagsalita sa amin matapos ang diretsong pag-amin na iyon ni Top. Bien looked so confused.
“Oo nga, kaya hindi ka pumasok kasi sabi mo masama ang pakiramdam mo—”
“Pumunta akong ospital. Actually, hindi lang kanina. May dalawang linggo na akong bumabalik-balik doon. It was all started when I noticed something on my skin. Nagkakapasa ako kahit hindi naman ako nakikipag-away. Palagi mo pa akong sinasabihan na itigil ko na ang pakikipag-away kahit ang totoo ay hindi ko rin alam kung saan ba nanggagaling ang mga pasa ko. Akala ko dahil kulang lang ako sa kung anong vitamins kaya nagpa-check up ako. Pero iba ang nakita sa findings ng mga doctor. Hindi pala ito simpleng mga pasa. Hindi rin dahil sa stress o puyat kaya ako nanghihina kung minsan”
Nakita ko kung paanong namutla si Bien at napakurap ng ilang beses bago nanginginig na binuksan ang envelope na kanina niya pang hawak. Binasa niya lahat ng nakasulat sa mga papel.
“I have been diagnosed with leukemia, Kuya Bien. I’m sorry”
Napatungo ako at pinigilang maging emosyonal para sa dalawa. Hindi ko kayang tumagal sa ganoong sitwasyon kaya tinapik ko ang pareho nilang balikat at napagpasyahang lumabas muna. Hindi naman sila nagreklamo nang lumabas ako. I just want to give them privacy.
“Bry? Bakit ka nandito? G-Galing ka sa kwarto ni Top?” gulat na tanong ni Tan nang maabutan ko siyang kumukuha ng tubig. Muntik niya pang mabitawan ang basong hawak niya.
Tumango ako at naupo sa dining area nila. “Something happened. This is about Top’s condition. I’m sorry, I can’t disclose any information right now”
Nakaawang ang bibig niya at hindi na muling nagtanong. Tumango na lang siya kahit mukhang nalilito pa rin at nagsalin ng tubig sa panibagong baso bago pinatong sa harapan ko. “Uminom ka muna. Pasensya na, nagulat ako. Hindi ko alam na nandito ka pala”
“Ayos lang. Pasensya na rin, pumasok ako nang hindi nagpapaalam sa inyo”
“Wala iyon, welcome ka rito kahit anong oras. Kahit hindi ka na magsabi. Kumatok ka na lang”
Hindi na muling nangulit si Nathan pero nang makita ako ni Ford sa kusina ay nagtanong din siya kung bakit ako narito. Ang lokong ito ay mukhang may madumi pang naisip. Mabuti na lang at sinaway naman siya ni Tan kaagad.
“Unang beses kitang nakita rito sa dorm namin ah. Sorry ka na lang, maliit lang ito at walang aircon”
I chuckled and nodded. “I know. Tamad ka kasing magbayad ng bills”

BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars