“Aalis na kami, Top. Pumasok ka, ah. Kumain ka na rin diyan,” bilin ni Kuya habang nanonood ako ng Doraemon sa TV. Tinatamad pa kasi akong kumilos kaya hinayaan ko na silang mauna. May motor naman ako kaya mabilis akong makakarating.
“Si Dekisugi talaga ang bias ko rito, eh. Tama iyan, Dekisugi! Agawin mo si Shizuka sa lampang si Nobita!” natatawang sabi ko. “Kung nariyan lang ako, igagapos ko pa iyan sa puno.”
Naiiling na pinatay ko na lang ang TV nang mapansing mabilis na umuusad ang kamay ng relo, sign na malapit na akong ma-late kung hindi pa ako kikilos. Kakain na lang naman ako at magbibihis dahil nakaligo na ako kanina.
Papunta na ako ng kusina nang may biglang kumatok sa pinto. Mukhang may naiwan ang alin man kina Kuya, Tan, o Ford. Sana ay nag text na lang sila para madala ko mamaya.
Tamad na lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ang kumakatok. Laking gulat ko nang hindi iyon sino man sa tatlong nabanggit ko kanina. It was Bryle, and he’s… c-crying?
“A-Anong prob—”
Hindi na niya ako pinatapos magtanong at kaagad siyang yumakap sa akin. Marahan kong sinipa ang pinto para sumarado ito bago ako gumanti sa yakap niya. Ramdam ko ang pamamasa ng damit ko dahil sa pag-iyak niya. Totoo ngang umiiyak siya! Akala ko ay namalik-mata lang ako kanina.
Hinayaan ko lang siyang maging ganoon hanggang sa unti-unti nang kumalma ang paghinga niya. He stood up straight and quickly wiped his tears.
“Feeling better?” tanong ko.
“A bit...”
“Tara sa kusina, I’ll get you some water,” utos ko at iginiya siya sa loob. Naupo siya sa isa sa mga upuan sa dining table habang tulala pa rin at mukhang malalim ang iniisip. Mukhang kagabi pa ito umiiyak, ah. Halatang puyat pa siya.
Ilang minuto rin akong nakatanaw lang sa kaniya habang siya ay hindi pa rin nagsasalita o kumikibo. Gusto kong malaman kung anong problema, pero ayokong guluhin siya ngayon sa pag-iisip. He's with me, but I'm sure his mind is somewhere else. Gustong-gusto ko siyang tanungin, kanina pa lang. I can’t believe I’ll see him in this state. Para siyang batang tumakbo sa akin kanina dahil inaway ng kapwa niya bata, at ako naman na parang isang amang sinalubong siya ng yakap habang sinasabing magiging maayos din ang lahat—kahit na wala akong ideya sa nangyari.
“Kapag maayos ka na, pwede mo nang sabihin sa akin kung anong nangyari.”
Alam kong hindi ito basta maliit na problema lang. Hindi siya magiging ganito kung hindi mabigat sa dibdib niya. This must have really affected him to the point that he’ll come over crying.
“Sorry, I cried like a kid. I… I haven’t cried that hard since, but it feels good.”
Umalis ako sa pagkakasandal sa sink at kumuha ng tubig sa ref. Sinalin ko ito sa isang baso at marahang ipinatong sa tapat niya. “Ganoon talaga. Maganda kung ilabas paminsan-minsan para hindi sobrang bigat kasi naiipon lahat.”
Tinitigan ko siya kung paano niya inabot ang baso at nanginginig na inilapat ito sa kaniyang tuyong labi. Pansin sa mga mata niya ang lungkot. May pasok siya sa school pero siguradong wala talaga siyang balak pumasok ngayon. Muntik na rin akong makaalis nang bigla siyang dumating dito sa dorm. Mabuti na lang talaga at naabutan niya pa ako dahil balak ko na rin pumasok sa school maya-maya, sa pag aakalang makikita ko siya roon. Ang ending, edi pareho kaming hindi nakapasok. Ayos lang naman sa akin dahil mas lalo kong hindi kakayaning mag focus sa klase kung alam kong hindi siya okay at kailangan niya ng makakausap.
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
