IKA-APATNAPU'T LIMA

1.8K 54 13
                                        

Nakaupo kami sa isang hanay ng upuan sa loob pa rin ng chapel. Tahimik kami habang katabi ko si William sa kanang bahagi at nasa kaliwa naman si Top na walang kibo. Gustuhin ko man magsalita at kausapin ang naging dahilan ng pagpunta ko rito, inuunahan naman ako ng kaba. Simula nang makita ko siya kani-kanina lang ay para bang nawalan na ako ng lakas ng loob para magsalita.


“Alam ba sa bahay niyo na nandito ka?” basag niya sa katahimikan habang nananatili ang tingin sa unahan.


Hindi pa gaanong dumadating ang mga tao kaya wala pang ibang umuokupa ng unahan at katabi naming pwesto. I don’t think this is the best place to talk about what happened in the past, but we’re already here, and I don’t want to waste any time.


“Wala na po ako sa bahay—I mean, I have my own condo, and I’m living alone,” I answered timidly.


He paused, trying to think of anything. “Paano mo ako nahanap?”


“I did my research about—”


“Kung ganoon, alam mo na?” kalmado niyang tanong.


Hindi na siya nagulat pa tungkol dito. Nang makita niya ako kanina, siguradong doon pa lang ay alam na niyang nalaman ko na ang lahat. Alam na niya na kaya ako nakarating dito ay dahil nalaman ko nang nag-e-exist pala siya. I saw how he looked so shocked when he saw me for the first time—or maybe not his first time. How will he know that I’m his son when he hasn’t seen me since forever?


Hindi kaya, nakikita na niya ako noon pero hindi ko alam dahil hindi ko naman siya kilala?


“Dad told me that I-I wasn’t their child…” pag-amin ko.


Napalingon siya sa akin at iginala ang tingin sa bawat sulok ng mukha ko. Sinaktan ka ba nila? Anong nangyari?”


Mabuti na lang at hindi na gaanong visible ang sugat at pasa ng pagsuntok sa akin ni Dad. Kung makikita man, iyon ay kapag sa malapitan na lang.


“They didn’t…” I lied. “I felt so lost kaya hinanap kita, sa pagbabakasaling mabubuo na ako kapag nalaman ko kung sinong totoo kong mga magulang.”


“Pasensya ka na. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa dalawampung taon kong pagkawala.”


For twenty years, ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko nga alam kung kilala niya ba ako kahit sa pangalan lang.


“Bakit hindi mo ako binalikan?” I asked with a hint of bitterness.


He sighed and slowly removed his eyeglasses, like I always do whenever I feel pressured or something out of mannerism. Hindi maipagkakailang siya nga ang tatay ko dahil marami na kaagad akong napapansing pagkakapareho namin sa kahit na maliliit na bagay.


“Hindi kita ginustong balikan. Lalo na nang makita kong maayos na naman ang buhay mo. Nagkasundo rin kami ni Papa na aalagaan ka nila ng mabuti at ibibigay lahat ng gusto mo, basta huwag kitang guguluhin.”


Naibigay nga sa akin ang lahat ng mga gusto ko, pero lahat ng iyon ay may kapalit. I have to follow their orders in exchange for having the best life, as others say. But I’d rather be poor as a rat than live my life without the freedom to pursue my happiness.


“They provided me with everything I asked for, and I appreciate that. But as I’ve grown older, I’ve come to believe that material things are not enough. They always put me under pressure. I need to do this and that. I don’t have the freedom to do whatever I want and pursue whatever dreams I have. I lived as if I were a robot trained to follow my master’s orders. And it sucks, really.”


Hindi siya kaagad nakapagsalita habang nakatungo at nag-iisip. I know, I sound like a spoiled, ungrateful son, but this is how I feel. These are the feelings and emotions I kept to myself over the years.  Ayaw ko man na isipin niyang wala akong utang na loob, pero ayaw ko ring akalain niyang hindi naging mahirap sa akin ang lahat. I owe my family my life. I owe them everything. And despite all the things I suffered, I’ll still care for them like I always do. I love mom and dad, and I love Gianna, but this time… maybe I should start to love myself more. Pangbawi sa mga panahong binalewala at isinantabi ko ang sarili ko para sa iba.


“I felt both happy and miserable. Only to find out after twenty years that I was not their child. I came from someone else’s, who ran away and abandoned me like a toy,” may bahid ng hinanakit na saad ko.


“Henry…”


At the very least, I’m glad he knew my name.


“Kung sinama kita sa akin, pareho lang tayong maghihirap. Tingin mo ba makakaya kong hayaan kang matulog na lang sa kahit saan basta abutin ng antok? Makakaya kong hindi ka makakain ng tatlong beses sa isang araw? Mamalimos? Lahat ng iyon, hindi ko gustong iparanas sayo. Kaya kahit gustong-gusto kitang kunin, tiniis kong tingnan ka na lang mula sa malayo.”


Wait, what?


H-He did those things? Isang Sullivan namalimos? I wonder what his life was like after he left home. I can’t imagine him at my age sleeping on every bench he came across and asking for a single penny to buy food.


“B-Bakit ba kasi hindi mo na lang pinakasalan ang nanay ko? You wouldn’t have to run away and do something you’re unfamiliar with. Buo sana ang pamilya natin.”


I heard him chuckle and shake his head. “Kapag nagmahal ka ng sobra, maiintindihan mo ako. Hindi kami nagpakasal ng mama mo kasi hindi ko siya kailan man minahal. I was in a relationship with someone months before your mother revealed that we had a son. Nagmahal lang ako, Henry. I was madly in love with this person, and I’d rather lose everything.”


“You’d rather lose me…”


“Blessing pa rin iyon para sa akin. Napunta ka sa pamilyang may maayos ang buhay habang naging masaya ako sa taong mahal ko. I heard Samuel took responsibility for raising you. That’s a good choice, knowing her wife won’t be pregnant again after their daughter.”


Dahan-dahan akong tumango habang naiintindihan ng paunti-unti ang mga bagay na nais niyang iparating. Someday, maiintindihan din kita. Kapag nagmahal ako kagaya mo, siguro ay maiintindihan na kita kung bakit mo nagawang talikuran ang lahat para sa pag-ibig.


“Where is she?” I asked.


He looked confused for a moment, but he didn’t answer. He remained silent for, I don’t know, how long. All I can hear is his heavy breathing as he’s about to let go of the emotion he’s hidden for a long time.


I tried to ask twice, thinking I’d get the answer I wanted. “Bakit ka napunta rito? Sino silang lahat? Sino si Poppy? Iyong namatay… sino siya?”


Nilingon niya ang kaganapan sa unahan kung saan naroon si Poppy habang iginigiya ang ilang mga nakikiramay. Hindi ko alam kung sino ang mga taong ito pero sa palagay ko, matagal na nilang kilala ang tatay ko.


“Si Juan, iyong namatay… siya ang kasama ko noon pa. That person I was madly in love with was him. And yes, Henry… I’m gay.”

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon