IKA-APATNAPU'T ANIM

1.9K 48 7
                                        

Gumagabi na nang mapagpasyahan na naming umuwi. Hindi pa sana kami gustong pauwiin ni William dahil delikado na raw pero hindi naman puwede dahil kailangan na ni Top makarating sa kanila bago pa dumating sila Bien galing sa trabaho nila every after class.


It's nice to see my father, and talked to him for awhile. Parang nabunutan ako ng tinik. I can see that he’s a good person. Marami siyang kakilala dahil sa pagiging mabuti nito pati na rin ni Juan, which I can attest to as I’ve talked to him a lot of times. Nakakalungkot lang dahil hindi niya ako nakilala ng mas maayos at kinuha na siya kaagad.


“Anong nginingiti mo riyan?” kunot-noo kong tanong nang masulyapan si Top sa passenger seat.


Nilingon niya ako at sumandal sa header ng upuan. “Naisip ko lang, siguro kung ligawan kita, papayag kaagad si Papa kasi for sure maiintindihan niya tayo.”


Ilang minuto akong natigilan at nagtaka. Napaisip pa ako kung sinong Papa ang tinutukoy niya. Don’t tell me…


“My father?” ngiwing tanong ko.


Tumango-tango lang siya habang malawak pa rin ang ngiti. Ang kapal naman ng mukha niya para tawaging Papa ang tatay ko, samantalang ako mismo ay hindi ko pa alam kung paanong tawag ang dapat kong gawin.


“Nakakatuwa iyong nangyari sa kanila, ’no? Ang tagal nilang magkasama. Mabuti na lang talaga at pinaampon ka dahil siguradong eepal ka lang sa magiging love story noong dalawa. Paano sila matutulog ng maayos sa gabi kung iiyak-iyak ka?” he laughed hard at his remark.


Hindi ko talaga alam kung may pakialam ba sa akin ang isang ito at nagagawa niya pang magbiro tungkol sa nangyari sa akin noon. Palibahasa’y hindi siya ampon. Siguro kung siya naman ang nasa posisyon ko, baka tawanan ko lang din siya at i-congratulate pa ang totoo niyang pamilya dahil sa magandang desisyon na pagpapaampon sa kaniya.


“Kung magkaanak pala ako sa ibang babae, hindi mo ako papayagang kunin iyong bata?” I randomly asked.


Ang kaninang mapang-asar na Top ay bigla na lang nanahimik at nag-iba ang ekspresyon. “Bakit? Gusto mo bang magkaanak?”


Napangisi ako habang nakatanaw sa kalsada at maingat na nagmamaneho. “Depende. Ikaw ba?”


Pagkakataon ko na para siya naman ang asarin ko. Pansin kong nakakarami na sa akin ang isang ito, eh. Ngayon niya pa ako sinubukan kung kailan medyo light na ang mood ko at kayang-kaya ko na siyang sabayan.


“Kung ako talaga ang tatanungin, hindi ko gustong magkaanak dahil unang-una, hindi naman kita mabubuntis. Puwede siguro tayong mag-adopt ng bata, pero gusto ko sana kung may stable na akong source of income para hindi lang ikaw ang tataguyod sa pamilya natin…” he paused and took a deep breath. “At saka, parang hindi naman kasi magandang solusyon na makipagrelasyon ka sa ibang babae para lang magkaroon ka ng anak. Kaya naman nating gumawa ng paraan ng hindi ka mawawala sa akin.”


Sobrang seryoso ng itsura niya, at dahil sa biro kong iyon, ang dami na kaagad niyang nasabi. Daig pang gumawa ng on the spot na essay.


“Hindi naman ako mawawala. Para lang hindi na natin kailangan—”


“Hindi ka pa talaga tapos? Talagang ipipilit mo pa, ah. Huwag mo nang ipilit iyang trip mo sa buhay. Sinasaktan mo lang ako,” he pouted.


Ngayon ay ako naman ang natahimik. Ang pikunin niya pero ang lakas-lakas naman mang-asar. As usual, kailangan kong mag-sorry, kung hindi ay hanggang mamaya ako nitong aartehan. Ang sarap tuloy pitikin ng nguso niya. Hindi bagay kapag naka-pout. Kung hindi lang ako nagmamaneho ay baka kanina ko siya nahali—no! Hindi g-ganoon.


Napalunok ako at umiling-iling. “A-Alright, I’m sorry. I was just k-kidding.”


“I don’t like the idea of you with someone else. Hindi ako possessive na tao, pero madamot ako at ayaw kitang i-share.”


“Halata naman,” nakangising bulong ko.


Nanahimik kaming muli at ang tanging naririnig lang ay ang mahinang ingay ng radyo na may tugtog na Statue, habang mga city lights naman ang natatanaw namin sa labas dahil gumagabi na rin.


“Bryle, pwede ba kitang ligawan?”


Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa biglaan niyang tanong. Muntik ko na rin matapakan ang brake dahil sa gulat!


“W-What?”


Alam kong nabanggit na niya ito sa akin, pero hindi ko naman alam na seseryosohin niya talaga at ngayon niya pa muling itatanong kung kailan nasa kalsada. Wala talaga siyang alam sa perfect timing.


“Ang sabi ko, pwede ba kitang ligawan?”


Talagang inulit niya pa!


“Seryoso ka ba?”


“Mukha ba akong nagbibiro? Nasabi ko na sa iyo na gusto kitang ligawan, hindi ba? Talagang hinintay ko lang na medyo gumaan na ang pakiramdam mo para hindi ako sasabay sa mga iniisip mo. At ngayon ang naisip kong tamang panahon para roon.”


Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil gusto ko pa rin i-consider ang mararamdaman nina mom and dad bago ako gumawa ng aksyon. Dapat ko pa rin ipaalam sa kanila ito ng maayos at tatanggapin ko kung ano man ang mga masasabi nila, pero hindi ibig sabihin no’n ay magpapaapekto pa ako. I just want them to know what’s going on with me. Hindi habang-buhay ay magtatanim ako ng galit sa kahit na sino. May utang na loob pa rin ako sa kanila. Maybe they really deserve to know about this special chapter in my life.


Sarili muna ngayon, at parte na ng pagkatao ko si Top.


“Should we tell this to them?” bulong ko.


Our friends—what about them?


“Kung anong gusto mo, iyon ang gagawin natin. Just please let me do the things I want to prove myself to you.”


Wala na naman siyang dapat pang patunayan dahil sapat na ang hindi niya pag-iwan sa akin sa tuwing kailangan ko ng masasandalan. The way he always makes me smile and the way he comforts me. I couldn’t ask for more. But I don’t want to rush things. We can’t just rush something that we want to last forever.


“Prove yourself, then.”


He smiled widely again, his eyes smizing. “Siguradong hindi ka magsisisi na ako ang magiging unang karelasyon mo sa hinaharap.”


“Iyon ay kung sasagutin kita,” I laughed.


“Hangga’t hindi mo pa ako gustong sagutin, hindi ako titigil sa panliligaw,” he smirked.


“As you wish.”


Nang matanaw ko na ang kanto ng dorm nila ay kaagad kong binilisan ang patakbo at halos magmura na siya sa gulat kaya tumawa na lang ako nang malakas.


Things are slowly getting better. Mas masarap pala sa pakiramdam kapag sarili naman ang inuuna. This time, I’ll fix myself and be better. I may not be the best person yet, but I’d give him the best of me.

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon