TOP’S POV
Hinatid ko muna si Bryle gamit ang motor ko hanggang makaliko ang kotse niya sa intersection papunta sa building niya bago ako nag-iba ng daan para makabili ng band-aid na ilalagay ko sa pisngi ko. Hindi naman talaga dapat ako papayag na tamaan ako ng ganito kung ibang tao ang nanakit sa akin. Siguro kasi kahit hanggang ngayon, pinapahalagahan ko pa rin ang naging pagkakaibigan namin ni Jake kahit pa matagal na niya itong sinira.
“Talagang ang lakas ng loob mong makipagkita pa kay Tanya. Akala mo ba talaga ay darating siya?”
Hindi na ako nagulat nang si Jake ang abutan ko sa dati naming tagpuan ng ex-girlfriend kong si Tanya. Nakatayo siya roon habang humihipak ng kaniyang papaubos ng sigarilyo. Habang pinagmamasdan ko siya, napansin kong hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinagbago. Ganoon pa rin ang maangas na itsura niya, ang porma niyang halos puro kulay itim, maging ang bisyo ay nandoon pa rin. Paano natatagalan ni Tanya ang tambutsong ito?
“Bakit ikaw ang nandito kung ganoon? Tanya na ba ang pangalan mo ngayon?” ngising tanong ko para maitago ang munting disappointment sa aking mukha.
Bumakas naman sa itsura niya ang inis at kung hindi siya nagtimpi ay siguradong sinugod na niya ako kaagad dito sa puwesto ko.
“Wake up, Top! Akala mo ba ay after all those years, mahal ka pa rin ni Tanya? Ipapaalala ko lang, girlfriend ko na siya kaya kung may natitira ka pang hiya sa katawan mo, layuan mo siya,” pagbabanta niya na hindi manlang ako nasindak.
Paano niya kaya nagagawang ipagmalaki ang girlfriend niyang inagaw lang naman sa akin? Kung may labanan ng pakapalan ng mukha, isasali ko itong si Jake, eh. Siguradong hakot award niya sa tigas ng mukha niya.
“Pagsabihan mo ang girlfriend mo kung ganoon. Itanong mo kung saan niya nakuha ang number ko at anong dahilan niya para i-text ako dis-oras ng gabi para lang sabihing mag-usap kami kinabukasan…” walang bahid ng pagbibirong hamon ko kasabay ng paghakbang palapit sa kaniya. “Girlfriend mo siya, hindi ba? Bakit ako pa rin ang hinahanap niya? Baka naman after all those years, mahal pa rin ako ni Tanya?”
In just a snap, his fist landed on my face. It brought back hundreds of memories, noong mga panahong ginagawa ko pang hobby ang pakikipagsuntukan kaysa pag-aaral. Noong mga panahong wala pang direksyon ang buhay ko.
“Mayabang ka pa rin talaga! Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako ang nandito at hindi si Tanya? Tanga ka ba talaga para hindi maisip na baka ako ang kausap mo kagabi at hindi siya? O sadyang hanggang ngayon ay patay na patay ka pa rin sa kaniya kaya hindi na iyon sumagi sa maliit mong kukote?”
“Hmm. Sa natatandaan ko, ang sabi sa text kagabi, gusto niya ng closure. Kung ikaw nga iyong kausap ko, ibig sabihin gusto mo na rin ng closure nating dalawa? The world is healing na ba?” I laughed hard and wiped a bit of blood dripping down to my lips.
Muli siyang nag-amba ng suntok sa akin pero sinalo ko ito at buong lakas siyang sinuntok pabalik. Para ito sa mga sama ng loob na ilang taon kong inipon. Para sa lahat ng mga panggagago mo sa akin kahit na wala akong ibang ginawa kung hindi ang magpakakaibigan sa mga oras na kailangan mo ng matatakbuban.
Natumba siya sa malakas kong suntok pero kaagad ko rin siyang itinayo hawak ang kwelyo ng suot niyang pang-itaas. Inilapit ko siya sa akin at ang mga mata niya ay halos umapoy na sa galit habang iniinda ang sakit sa mukha.
“Kung hindi masama ang pumatay ay matagal ka nang naaagnas, Jake. Bakit hindi mo na lang ipagpasalamat na naging kaibigan kita kaya nabubuhay ka pa ngayon? Dahil kung ibang tao kang umahas sa girlfriend ko, baka magsisi kang nabuhay ka pa.”
Inilapat ko ang band-aid sa may hiwa kong pisngi at nanalamin sa side mirror ng aking motor. Ang hayop na iyon ay hindi talaga kakayaning hindi gumamit ng kahit anong matatalim na bagay tuwing makikipag-away. Kung ibang tao siya ay baka sa kaniya ko naitarak ang kutsilyong dala niya. He should be thankful dahil hinayaan ko siyang madaplisan ang pisngi ko.

BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars