Akiro Gomez
Bry! Where the hell are you? Akala ko ba ay may practice tayo ngayon? Dalian mo na! Nandito na kaming lahat.
Shit! I forgot!
Dali-dali akong tumayo at binaba si Pancake na nakahiga sa lap ko. I was chilling with Pancake while writing notes for my duty tomorrow kaya nawala sa isip kong may naka-schedule nga palang band practice ngayon.
“Hindi mo pinaalalang may practice pala ako ngayon, Pancake!”
I hurriedly took a shower and wore a comfortable outfit. Nang matapos akong magbihis ay kinuha ko na ang aking gitara with its amplifier. Maayos pa ito pero hindi na nagagamit kaya ginawa ko na lang display sa kwatro. I tuned it in and put it in the case.
Nagmadali na akong umalis sakay ng aking kotse. I drove until I reached Val’s house. Dito na rin namin napagpasyahan mag practice dahil may malawak daw silang kwartong hindi naman ginagamit. Pinagbuksan ako ng kanilang katulong na siyang nangangalaga sa bahay habang nasa ibang bansa ang mag-ama.
“Nasa second floor po sila, Sir. Gawing kaliwa po, kulay itim ang pinto at malapit sa isang malaking sculpture”
Tumango ako at nagpalamat bago tumaas. Hindi ako pamilyar sa malawak na bahay na ito pero agad ko rin namang nakita dahil sa katabing sculpture na gawa sa kahoy.
Pinasok ko ang isang kwarto at bumungad sa akin ang malawak na espasyo at may mga salamin sa paligid. Mukha itong dance studio dahil maganda rin ang floor at mukhang medyo madulas. Walang stage kaya ang mga instruments ay naka-set up sa gitna.
“Medyo luma na itong drum set pero ayos pa naman. Bumili na lang ako kanina ng bagong drumsticks,” rinig kong ani Fred habang pinapalibutan ng makukulay na tape ang drumsticks na binili niya.
“Ayan na pala ang nag suggest na bubuo raw ng banda pero late naman dumating sa practice”
“Traffic!” I reasoned out.
Kumpleto ulit silang lahat at nakaupo sa mga upuang nasa tapat ng mga instruments and amplifiers. Manonood daw sila at titingnan kung pwede na ba kaming tumugtog sa bar sa Sabado.
Nag set up na ako ng gitara dahil mukhang ayos na ang sa kanila. Buti na lang at nakapagtono na ako sa condo. Nakakahiya naman kung pinaghintay ko na nga sila kanina, tapos paghihintayin ko ulit sila ngayon.
“Ang bagal mong kumilos”
Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Top na tinitingnan ang ginagawa ko. He looks okay, and his lips are slowly going back to their natural color. Hindi na siya masyadong namumutla.
“Huwag kang magulo, baka maihampas ko sa iyo iyan”
He laughed and nodded. “Galit kaagad. Sayang maraming nakatingin”
“At ano namang gagawin mo kung walang nakatingin?” I furrowed my eyebrows.
“I should’ve kissed you. Para hindi na uminit ang ulo mo”
Napangiwi ako sa kaniyang sinabi at naiiling na umalis sa harapan niya. Habang tumatagal ay talagang nasasanay na ako sa pagiging mapang-asar niya. At least he’s slowly going back to his old self.
“Magsimula na tayo”
I can say that we’re ready since we already have the list of songs that we’ll practice and perform on our first gig at Triple 8. Sila lang din ang namili nito, anila ay mas maganda raw kung makabago para maraming maka-relate.
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
