“Tuloy ka, Bry! Masarap ang ulam namin ngayon,” ani Tan nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Gabi na nang makarating ako sa kanila dahil umuwi muna ako para maligo matapos kong bisitahin si uncle. It’s already settled. Kailangan na lang ni Top pumunta roon para sa mga gustong gawing tests ni uncle. I’m sure he’ll take care of him there.
“Dumaan din ako sa resto kanina. May binili akong pagkain”
Out of respect, I just couldn’t come to their house without bringing anything with me, so I decided to just buy them food. Bumili rin ako ng ilang mga veggie dishes for Top. I don’t know what diet he should follow, but we know we can’t go wrong with greens.
“Maupo ka. Kakatapos lang ng trabaho namin at nakuha namin ngayon ang sweldo kaya good mood kaming lahat”
Natawa ako at naupo sa katabi ng bakanteng upuan. Wait, where’s Top? Is he going to join us or not?
“Tawagin mo na si Top, Bien. Sabihin mo narito si Bry”
Maya-maya pa ay lumabas na si Top sa kwarto at naupo na sa tabi ko. He scanned all the food and glanced at me. “Bumili ka ng pagkain?”
“Yup. You think pupunta ako rito ng walang dala?”
Ngumisi siya at sumandok ng pagkain bago nilagay sa pinggan ko kasunod ang sa kaniya. Halos mapataas pa ang kilay ni Tan nang mapansin niya ang ginawang iyon ni Top kaya napainom na lang ako kaagad ng tubig dahil sa kahihiyan.
“Kumusta ang duty, Bry?” tanong ni Tan habang kumakain kami.
“Ayos lang, ganoon pa rin, maraming ginagawa,” I chuckled. “By the way, nakausap ko na si uncle and he wants to perform different tests to determine such things. Kailangan mong pumunta roon, Top”
Tumango siya at patuloy lang sa pag kain. “Ibigay mo na lang sa akin ang address at ako na lang ang pupunta bukas”
“Sasamahan na lang kita”
Pero may pasok ako sa school bukas. Pwede naman siguro kung after class kahit medyo hapon na.
“Ako na lang ang sasama kay Top, Bry. Nakakahiya na sa abala. Salamat sa tulong mo”
Umismid si Top at kumunot ang noo. “I can go to the hospital alone. Hindi na naman ako bata at lalong hindi ako lumpo para kailanganin pa ng kasama”
Tumango naman si Ford bilang pagsang-ayon kay Top. “I’m sure naman tatawag itong si Top kung sakaling kailanganin niya ng tulong kaya hayaan niyo na muna”
Hindi na kami nakipagtalo at pumayag na rin kalaunan. We continued eating until we finished. Ako na sana ang maghuhugas ng pinagkainan namin but they refused.
“Mag-usap na lang muna kayo sa kwarto ni Top, ako na rito”
Binigyan ko ng makahulugang tingin si Tan bago sumunod sa gusto niya. Hindi ko alam kung may halong panunuya iyon o binibigyan ko lang ng malisya.
I went to Top’s room at naabutan ko siyang kakalabas lang galing banyo. He took a quick shower dahil basa pa ang buhok niya habang ang tuwalya ay nakasampay sa balikat.
“Akala ko umuwi ka na”
“Pinapauwi mo na ba ako?” kunot-noong tanong ko.
“Hindi. Kung gusto mo ay dito ka na rin matulog”
In his dreams!
“Baka pagsamantalahan mo ako. Uuwi na lang ako mamaya for my own sake,” I smirked and lay on his bed.
“Really? Para namang baliktad ang sinasabi mo sa kinikilos mo ngayon. Talagang humiga ka pa sa kama ko. You know I’m a slave to my own desires. Ikaw din baka magkatotoo ang sinabi mo kani-kanina lang”
Ang baliw na ito! Ngayon ay may gana na siyang umasta ng ganito! Parang kailan lang ay mukha siyang mahina at problemado.
“Shut up and let me rest a bit. Tigilan mo ako at baka masuntok kita”
He just laughed and did his things. Pinanood ko siya habang nakatalikod sa akin at nagsusuklay. He’s putting something on his face. May skin care routine rin pala ang sira-ulong ito ah. Hindi halata.
I kept myself awake even though my eyes were so tired. Hindi pwedeng dito ako makatulog kaya minabuti ko na lang na magtanong-tanong kaysa tahimik lang at posible akong makatulog.
“How’s your day?” tanong ko habang nilalabanan ang antok.
“Bored. Hindi ako pinapasok ni Kuya kaya mag-isa ako rito the whole time. Siguro naman ay pwede akong pumasok sa school, pero makulit lang si Kuya kaya hindi ako pinayagan”
“You have to ask your doctor about that tomorrow”
Sinubukan kong pumikit saglit dahil mukhang hindi ko na yata kaya. Kinuha ko ang isa pang unan at niyakap iyon. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pahinga. Parang buong araw akong gumagalaw. Mukhang hindi ko na kailangan mag gym sa dami ng calories na na-burn ko.
“Ikaw, kumusta ka? Mukha kang pagod na pagod”
“I am indeed tired,” I whispered.
Hindi siya ulit sumagot at halos makatulog na talaga ako sa katahimikan kaya pinili kong magmulat na lang at tingnan kung may kasama pa ba ako o wala na. There I saw him, sitting on his chair while looking down, like he’s thinking about all the life choices he had.
“Are you okay?” kunot-noong tanong ko at umayos ng upo.
“Yeah. I just feel like a burden. I don’t know. Maybe if I could work and help with the expenses?”
“You can’t work. Hindi ka na nga pinapayagan ni Bien na pumasok sa school, tingin mo papayagan ka pa niyang mag trabaho?”
He shrugged. “Nag-aalala lang ako. Tingnan mo iyang itsura mo, you’re exhausted sa duty tapos inasikaso mo pa iyong tungkol sa lilipatan kong ospital. Isa pa, I’m aware of how hard this is financially”
“I’m okay. Just a little bit tired, and it’s normal, so you don’t have to worry. Tsaka hindi ba I told you to stop thinking about that? We’ll figure it out soon. Nakausap ko na ang magiging doctor mo regarding this”
Bumuntong-hininga siya at nag-angat ng upo. He stood up and walked towards his bed while I was still lying on the other side. Napaupo na lang ako bigla nang tuluyan na siyang humiga sa tabi ko. There’s still space between us, but I can’t still call it space because his bed isn’t as big as mine!
“Humiga ka lang, wala akong gagawin. Gusto ko lang tabihan ka”
I swallowed hard and tried to calm myself. Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga hanggang sa pareho na kaming nakatingin sa puting kisame.
“You chose to be with me in this hardest battle. I’ll be forever grateful for you,” he whispered suddenly.

BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
Ficção GeralCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars