IKA-DALAWAMPU'T ISA

2.1K 56 16
                                        

“Are you seeing someone, Bry?” seryosong tanong ni Bien sa akin habang nakaupo kami sa isang pahabang upuan sa ilalim ng puno ng acacia.


I’m supposed to go back to our department para sa tinatayong booth pero wala akong lakas ng loob dahil dito sa nasa leeg ko. Kanina ko pa nga ito ginagamitan ng yelo pero hindi pa rin naaalis.


“I’m not seeing someone”


“Saan nanggaling iyan kung ganoon?”


Ito ang pinakainiiwasan kong tanong. Anong isasagot ko? Kanino galing?


“Baka sa girlfriend niya,” ani Ford nang marinig ang usapan namin.


I know he’s talking about Anikka.


“Y-Yeah…” mahinang pagsang-ayon ko.


I would rather tell them that it’s from Anikka than tell them it’s from Top. Lalo nila akong hindi titigilan kung sabihin kong galing ito roon. Lalo pa at masusi akong pinagmamasdan ni Bien ngayon.


“Then you’re definitely seeing someone”


Wala akong takas kay Bien!


“Oo. Si A-Anikka, ah… she’s my— we’re in a relationship”


Fuck it! I’m sorry, I have to lie.


“Ibang uhaw pala iyong naramdaman mo kanina at talagang nakipag-make out ka pa”


“Akala ko hindi mo girlfriend iyong kasama mo rito noong nakaraan?” naguguluhang tanong ni Vince.


Hindi nga! But I have no choice. Kaysa sabihin kong si Top, edi lalo kayong nag hysterical!


“Well, I realized we looked good with each other”


Maybe I should explain this to Anikka as soon as possible. Mukhang mas malaking gulo itong pinasok ko ngayon. I can’t believe I can lie to my friends.


“This calls for a celebration! Sa last day ng foundation week, sa Triple 8 tayo”


“Sus! Gusto mo lang kumita na naman ang bar mo”


Nang tuluyan nang maiba ang topic ay nakahinga naman ako ng maluwag. Pero gustuhin ko man makisabay ay hindi mawala sa akin ang nangyari kanina. Gusto kong isiping panaginip lang pero dahil may marka ay imposible. May pruweba na nga, maiitanggi ko pa ba?


Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako sa kanila para asikasuhin ang booth namin dahil malapit na rin mag 10 o’clock. Sinabi kong babalik na ako sa department namin, kahit ang totoo ay pumunta muna akong parking lot para magbihis sa kotse. Syempre! Hindi pwedeng makita nila itong leeg ko. Dagdag kahihiyan pa. Mabuti na lang talaga at meron akong dalang polo shirt at mukhang matatakluban naman itong pula sa leeg ko kahit paano.


Nang makita kong medyo natakluban nga ng collar ay nagmadali na akong umalis. Hindi na gaanong agaw pansin sa crowd.


Habang naglalakad, kung saan-saan na naman napadpad ang isip ko. I’m furious. This thing in my neck is making me uncomfortable. This is inappropriate! And what’s more inappropriate was that we made this inside the school premises.


Yes, I’m not going to lie; half of me wanted it, so I gave in, but it was just because he initiated! Para tuloy nagiging komplikado lahat ng bagay simula nang makilala ko ang lalaking iyon. He’s making my life miserable.


I let my thoughts wander at konti na lang ay makakarating na ako. Alam kong busy lahat ng tao kaya walang tatambay dito sa ganitong pagkakataon pero minabuti ko na ring bilisan ang mga hakbang para makasigurado.


Malapit na akong makalagpas sa mga benches nang makita ko na naman si Top. Napatayo siya sa pagkakaupo nang makita ako. As if he waited for me simula pa kanina.


“Bryle, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sana mag—”


“Ano naman ang gagawin mo this time?” galit kong tanong pabalik.


Hindi siya nakaimik. He looked so guilty. As you should! Kasalanan mo kung bakit pino-problema ko ngayon kung paano ito mawala kaagad!


Tumingin ako sa paligid at nang makasiguradong walang tao, marahas kong hinila ang collar ng suot kong puting polo shirt at pinakita sa kaniya ang sobrang pulang-pulang parang kagat ng kung ano.


“Look at what you did!”


“Hindi ko alam na magiging ganiyan kapula. Does it… hurt?”


As if he’d never had this before!


“Hindi iyan ang iniisip ko! Tingnan mo, kitang-kita! Kahit malayo ako, halatang-halata pa rin”


“Maputi ka kasi kaya—”


“Fuck! That’s not my point!”


Naguguluhan niya akong tiningnan pero nanatali siyang kalmado habang ako ay halos suntukin na siya sa mukha sa sobrang inis.


“Stop the shouting. W-What’s your point, then?”


I took a deep breath and tried to relax myself. “How will I cover this up? Why did you even do this? You don’t fucking give hickeys to anyone just because you feel like it!”


“Sorry, hindi ko sinasadya. Nadala lang ako. I was tempted”


“Hindi mo ba kayang pigilan ang sarili mo kapag kaharap mo ako?” sarkastikong tanong ko.


“Oo, hindi talaga,” he whispered. “Pero hindi ko na uulitin. Please forgive me. I’m here to apologize”


“I don’t know if you’re just making fun of me. Nasa-satisfy ka ba kapag nakikita mo akong naiinis? Is that all you want? Ang guluhin ko palagi?”


“No—”


“Then why are you doing this to me? Why are you making me so confused? Why are you acting as if we can be together? We’re not! To burst your bubbles, kahit anong gawin mo ay hindi kita magugustuhan. So why not do me a favor and stay the fuck away from me, huh? I don’t need you. Stop playing around, kid,” I was about to walk away pero muli siyang nagsalita.


“S-Seryoso ka ba?” mahinang tanong niya, namumutla.


“Mukha ba akong nagbibiro? I don’t want to see you! You’re making my life miserable. Simula nang makilala kita, hindi na ako nagkaroon ng katahimikan! Palagi mo akong ginugulo! But then, I realized you’re just a kid to me; maybe that’s why you love playing around. Ano, wala ka nang ibang mapag-trip-an simula nang lumipat ka rito kaya ako naman ang ginugulo mo? Bakit hindi ka humanap ng iba? Iyong ka-age mo, para kayang sabayan lahat ng mga trip mo sa buhay”


Hindi siya kaagad nakapagsalita. Nakatungo siya at para bang pino-proseso pa lahat ng sinabi ko. He then looked at me with his bloodshot eyes. I saw a hint of pain.


“I feel like you insulted me in three different languages”


Hindi ako nakagalaw kaagad hanggang sa lagpasan na niya ako. He walked away from me… and he never looked back.

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon