IKA-LIMAMPU

1K 34 16
                                    

“Sigurado ka bang kaya mo?” nag-aalangang tanong ko habang nasa backstage kami at inaayos ang strap ng gitara sa aking balikat.


“Sabi ko sa iyo, huwag ka nang mag-alala sa akin. Kakanta lang naman ako sa unahan, hindi naman ako makikipagdigmaan,” he laughed and shook his head while helping me with the guitar.


Hindi ko maiwasang mag-alala, knowing na ganito ang kondisyon niya ngayon. Simula sa practice hanggang sa makarating kami rito sa Caza Bistro ay maya’t-maya ang pagtatanong ko kung ano na ang nararamdaman niya. Ang mahirap lang kasi sa isang ito, hindi marunong magsabi kapag may kakaiba nang nararamdaman.


“Magsabi ka kaagad kapag may masakit,” paalala ko.


“Meron nga,” he pouted kaya naman napakunot ang noo ko.


“Nasaan? Kanina pa kita tinatanong, ang sabi mo ayos ka lang!”


Kaagad kong inilayo ang gitara at lumapit sa kaniya habang kinakapa ang parte kung saan madalas daw na sumasakit. Dahan-dahan at maingat kong inilalapat ang kamay ko dahil natatakot akong bigla kong madiinan at masaktan siya lalo ng sobra.


“Dito ba? Saan?”


“Hindi riyan, ibaba mo pa ng konti.”


Wala sa sariling sinunod ko ang sinabi niya hanggang sa mapahinto ako nang makapa ko na ang bakal sa belt niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa gulat. Napapalunok akong natauhan at kaagad na bumalik sa reyalidad habang paulit-ulit na nagmumura sa aking isip.


“F-Fuck you!” singhal ko at kaagad siyang tinalikuran.


Humagalpak naman ang tawa niya at tuwang-tuwa pa sa kalokohan. Bilib din ako sa sira-ulong ito. Nakukuha pang magbiro kahit na ganito na nga ang kondisyon. Hindi ko tuloy alam kung mapipikon ba ako o makakahinga nang maluwag dahil nagagawa niya pang makipagkulitan ng ganito.


“Don’t do that again. I’m worried,” seryosong pagbabanta ko.


“Sorry, I just want to lighten up the mood,” he said and walked towards me, so close that I could almost hear his heartbeat.


Wala pang ibang tao sa backstage dahil maaga kaming nakarating dito para mag-set up ng gitara kong wala pa sa tono. Madilim din dito at ang ilaw pa lang ay ang mga inaayos na stage lights para mamaya. Kaya naman, malakas ang loob ni Top na lumapit sa akin ng ganito dahil alam niyang hindi ako magrereklamo kasi wala namang makakakita.


“I can kiss you right here, if you want,” he whispered huskily.


I didn’t answer. Instead, I claimed his lips with just a single hand. He stiffened but slowly gave up. He responded to every move I made until I felt his tongue on mine. Dahan-dahan at masuyo ang naging paghalik niya habang ako naman ay nakapikit at dinadama ang malambot at mainit niyang mga labi. The sound of our lips moving is like music to my ears, making me lose myself in nothing but the feeling of happiness.


“You’re learning,” he whispered in between our kisses.


Dahil sa halik na iyon, parang lumulutang ako buong oras. Natapos na lang kaming tumugtog ay hindi pa ako nababalik sa wisyo. That kiss was intense. Laking pasasalamat ko na lang talaga at hindi ako nagkamali sa pagtugtog. The performance went well at nakatugtog kami ng limang kanta kagaya nang napag-usapan.

DBS#3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon