Panibagong araw na naman para sa hospital duty. Days like this don’t really excite me. Basta lang kailangan kong gawin ang best ko at huwag magkamali kung kinakailangan. Ang masama lang niyan, hindi pa ako nagsisimula ay pakiramdam ko pagod na pagod na ako kaagad.
“Good afternoon po,” bati ko sa naka-duty na guard sa entrance.
Nakakapanibago ngayon dahil hapon ang shift ko at hanggang gabi ako rito, buti na lang talaga at meron akong sasakyan. Pahirapan pa naman mag commute kung maghahating-gabi na.
“Good afternoon din po. Hapon ka ngayon, nurse ah,” sagot nito at nginisian ko na lang.
Naglakad ako sa hallway nang may mabibigat na hakbang. Bati rito, bati roon hanggang madaanan ko ang lobby. I was about to go upstairs nang mapadpad ang mga mata ko sa isang pamilyar na pangangatawan. He’s just wearing sweatpants and a white shirt na medyo magusot. Magulo ang buhok nito at nakakunot ang noo habang may binabasang kung ano sa papel na hawak niya.
Pinagmasdan ko lang siyang maglakad hanggang sa mapunta siya sa harapan ko. Hindi ako kumibo, naging dahilan ng pag-angat niya ng tingin mula sa papel na hawak niya patungo sa akin.
“Tabi, nakaharang ka,” may diin at seryoso nitong utos.
Hindi ko siya pinakinggan at hindi nagpatinag kahit konti. “Why are you here?”
Inis siyang luminga-linga bago maangas na tumingin muli sa akin. The way he put both hands in his pockets and the way he smirked made me so mad. I want to punch him straight in the face.
“Ano ba ito? A public hospital, right? As far as I know, this place is for everyone,” sagot niya. “Anong nakakagulat na nandito ako?”
“Bakit ka narito sa public hospital kung ganoon? May sakit ka ba o dinalaw para mapadpad ka rito?” sarkastikong tanong ko pabalik.
“Anong pakialam mo? Ang unprofessional mo naman, hindi ba narito ka para sa hospital duty? Bakit ka nagtatanong ng mga pribadong tanong sa pasyente?” aniya at bago pa ako makapagsalita ay nilagpasan na niya ako.
Did he just call me unprofessional? Ako na nga itong nagmamagandang loob na magtanong tapos sasabihan niya pa ako ng ganoon? Ang kapal niya!
“Ano nga naman ang pakialam ko kung nandito siya? Ano ngayon? Kahit may sakit pa siya!” inis na bulong ko sa aking sarili.
Pero may sakit nga kaya siya? Bakit siya nandito? May pasok ngayon ah. Anong ginagawa niya rito sa hospital?
“Hoy! Bakit ka nakatayo riyan?”
Napakurap ako nang may kumaway sa harapan ko. Nandito pa rin pala ako sa hallway. Buti na lang at maaga pa para sa shift ko.
“Kakapasok ko lang,” sagot ko kay Anikka. Mukhang pauwi na siya at kanina pang umaga nagsimula ang shift niya.
“Ah talaga? Pang hapon ka pala ngayon. Sayang! Sabay na sana tayong umuwi”
“Isang buong linggo akong pang hapon,” kibit-balikat kong sagot.
Tumango lang siya at tinapik ang balikat ko. She’s about to go nang umatras siya ng konti para muling pumantay sa akin. “Muntik ko nang makalimutan, nakita ko ulit si Top kanina”
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
Ficción GeneralCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
