"Nasabi mo na ba sa kaniya ang totoo?"
Biglang tanong ni Eloisa sa akin. Naglalakad kami ngayon papunta sa location na sinend sa akin ni Zeejei, sabi niya kase roon daw kami magkikita dahil may mahalaga siyang sasabihin at ganun din ako.
Ngayon ko na rin siguro aaminin sa kaniya ang totoo.
"Hindi pa.." maikling sagot ko.
"Kailan mo aaminin? Or may balak ka pa bang sabihin? Nako! Lexy, mas lalo lang siyang masasaktan kapag pinatagal mo pa."
"Sasabihin ko naman na sa kaniya ang totoo mamaya." sagot ko.
Nangmakarating kami sa location ay walang Zeejei na naghihintay doon. Madilim ang paligid wala man lang kailaw-ilaw mabuti na lang at kasama ko si Eloisa, hindi masyadong nakakatakot.
"Umamin ka nga sa akin, Lexy. Mahal mo na ba si Zeejei? o part pa rin ito ng pustahan natin?"
Nabigla ako sa sinabi niya. Pero nanatili lang akong tahimik at hindi na siya kinibo.
"Silence means yes, Lexy. Pero alam na ba niya ang plano mo? Na aalis ka na?" dagdag na tanong niya.
Kasabay ng pagkakasabi niya nun ay ang biglang pagbukas ng napakaraming ilaw na nakapaligid sa amin ngayon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Zeejei na nakatayo sa harapan namin habang may hawak mga bulaklak.
Napalitan ng lungkot at sakit ang tuwa sa mga mata niya habang nakatingin sa amin ni Eloisa. Kasama niya rin si Alora at Zeeian na mukhang tumulong sa pag-aayos dito. The two of them are looking worriedly to Zeejei, mukhang narinig nila ang tanong ni Eloisa sa akin.
"I think you need to talk, Zeej. Aalis na muna kami." paalam ni Alora at umalis na kasama si Zeeian.
"This is your last chance to tell her the truth, Lexy. Tell her everything na." huling sabi ni Eloisa bago umalis sa harap ko.
Nanatili lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko habang nakatitig sa kaniya. Nangmaka-alis na ang tatlo ay mas bumilis ang tibok ng puso ko.
Kaya ko ba ng wala siya?
"Zeej.." pagtawag ko sa kaniya.
Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin bitbit pa rin ang bulaklak, namumuo na rin ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Aalis ka? Aalis ka na naman?" malungkot na tanong niya.
Zeejei is special to me. Hindi ko pa man maamin sa kaniya pero alam kong mahal ko siya. But, with the life I have right now, ayaw kong madamay siya. Kaya isasang-tabi ko na lang ang nararamdaman ko para sa kaligtasan ng taong mahal ko.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...