Lexianna Fah POV
"Hay kapagod." bulong ko ng matapos ang duty ko ngayong araw.
Isang linggo pa lang ng magsimula ang duty namin sa ospital pero yung pagod ko parang pang isang taon na. Nakakapagod na nga ang mga ginagawa namin sa ospital tapos dadagdag pa sa pagod ko ang byahe ko pauwi.
Halos alas diyes na ng gabi at narito ako papalabas pa lang ng ospital. Wala namang kaso sa akin na umuwi ng ganitong oras dahil sanay naman na akong gabi na talaga umuuwi. Ang hindi lang ako sanay ay ang sobrang traffic at halos wala ng masakyan dahil sa dami ng mga pasaherong nag-aabang ng masasakyan papauwi.
Iba-iba pa man din ang schedule naming magkakaibigan kaya wala talaga akong pwedeng masabayan sa pag-uwi. Habang naglalakad ako papalabas ng ospital ay sinubukan ko ng magbook ng motor para mas mabilis ang byahe ko pauwi pero walang ni-isang rider ang kumukuha ng booking ko!
Huwag na lang kaya ako umuwi? Anong oras na rin tapos maaga rin ang duty ko bukas. Parang mas okay pa na rito na lang ako magpalipas ng gabi kung ganito rin naman ang aabutan ko bukas pagpumasok ulit ako.
"Lexy,"
Agad akong nag-angat ng tingin ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Zeejei roon sa tapat ng ospital na nakasandal sa itim na motor niya. Hoodie at sweatpants na lang ang suot-suot niya at isang pares ng crocs. Mukhang nakauwi na siya sakanila.
It's been a week since the last time we saw each other. Naging busy kase ako sa duty ko habang siya ay hindi ko alam kung ano na ang pinagkaka-abalahan niya sa buhay niya. Hindi na rin kase ako naging active sa social media kaya hindi ko na rin natitignan kung nagmemessage pa ba siya sa akin o hindi na.
"Are you avoiding me?" tanong niya ng makalapit na siya sa akin.
Ayun kaagad ang bungad niya sa akin hindi man lang nangamusta muna. Hindi ko naman siya iniiwasan talaga sadyang naging busy lang din talaga ako lalo na at nagduduty na kami. Tsaka sa aming dalawa ay siya ang umiwas at hindi na nagparamdam ng malaman niya ang totoong estado ng buhay ko.
Nagulat ako ng kinuha niya ang bag ko mula sa akin bago niya hinaplos ang pisngi ko. Sa itsura niya ngayon parang ang laki ng kasalanan ng ginawa kong hindi pagcheck ng messages niya sa social media ko.
"So, iniiwasan mo nga talaga ako? Did I do something ba?"
Hindi ako makasagot sa tanong niya at titig na titig lang ako sa mukha niya. Yung pagod na nararamdaman ko kanina ay agad na napawi ng parang bula ng maramdaman ko ang haplos niya sa pisngi ko at ng makita ko ang maamo niyang mukha.
"Are you tired?" tanong niya ulit na ikinatango ko. "Uwi na tayo."
Inilagay niya ang bag ko sa may harapan niya bago niya inihubad ang hoodie na suot-suot niya. Parang ngayon ko lang siya nakitang naka-plain shirt sa tagal naming magkasama dalawa. Ipinasuot niya sa akin ang hoodie niya na nagmukhang dress sa akin dahil sa laki nito. Tama na rin siguro ito dahil naka-skirt akong sasakay sa motor niya.
Pagilid ang pagkaka-upo ko sa motor niya habang nakayakap ang isang kamay ko tiyan niya. Kusang napasandal ang ulo ko sa may likod niya habang siya ay maingat lang na nagmamaneho.
"Are you sleepy?" tanong niya.
"Hmm." tinatamad na sagot ko.
"I'm sorry, next time kotse na ang dadalhin ko para makatulog ka na sa byahe."
Napangiti na lang ako ng marinig ko ang sinabi niya. Ang laking ginhawa na nga sa akin na sinundo niya ako ngayong gabi, aarte pa ba ako?
Pero dahil nakamotor kaming dalawa ay hindi ko talaga nagawang ipikit ang mga mata ko buong byahe kaya wala akong choice kung hindi tignan ang traffic na madadaanan naming dalawa. Kung hindi niya siguro ako sinundo baka bukas pa ako makauwi sa amin dahil hindi talaga gumagalaw ang mga sasakyan.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...