Chapter 16

934 62 10
                                    

Lexianna Fah POV

"How was your training, baby?" tanong ko kay Zeejei ng matapos akong mag-ayos ng sarili ko. Halos kauuwi ko lang din kase galing duty habang siya ay naghahanda na ng dinner naming dalawa para ngayong gabi. Hindi na kase niya ako sinusundo sa hospital dahil ayaw ko na ring magpasundo pa sakaniya. I want her to just focus on her training.

Malapit na kase iyong pinaghahandaan niyang competition kaya halos training na lang ang ginagawa niya buong araw. Ang sabi niya sa akin ay excuse na rin siya sa mga klase niya at magdamag lang talaga siyang nagte-training sa university. Dito kase sa competition na ito nakabase kung mapipili siyang maglaro sa Olympics kaya ramdam ko ring pinaghahandaan niya talaga itong paparating na swimming game niya.

"It was so tiring, baby. They made me swim in an indoor current pool!" pagrant niya sa akin. "Sobrang lakas ng current, akala ko nga sa dagat akong nagte-training eh." Hindi ko mapigilang hindi matawa habang pinakikinggan siyang magreklamo nang magreklamo. She sound so frustrated but, at the same time I know she wants to excel in her game.

"What's an indoor current pool, baby?" tanong ko dahil hindi ko masyadong naiintindihan iyong kinukwento niya.

"It's just like a pool pero may current, a strong current. That kind of training will enhance my speed kase if hindi ako magswim as fast as I can baka tangayin ako!" conyo niyang paliwanag sa akin. She's just happily telling me what exactly happened to her day at tahimik lang din akong pinakikinggan lahat ng kwento niya habang kumakain kaming dalawa.

"Nakwento ko na ba na I almost beat the world record, baby?" Nagulat akong umiling sakaniya ng sabihin niya iyong balita sa akin.

Is that even possible? Hindi ako makapaniwala!

"The committee even sent an invitation letter to the Guinness World Record in case I beat the world record during the competition." dagdag niya.

Ngayon pa lang ay nag-iisip na kaagad ako ng idadahilan kila Doc dahil alam kong hindi na ako pwedeng mawala sa paparating na competition niya. I want to watch her compete lalo na at saksi ako sa hirap at tiyaga na ginagawa niya during her training. I also want to witness how they will choose her to be part of the Olympics' swimming team of our country.

I want to be there for her. I want to witness every achievement she will achieve in this life.

"You're going to my game, right?" hindi sigurado niyang tanong sa akin. Alanganin pa siyang ngumiti sa akin, I know she's expecting from me kaya hindi ako nag-alangan na tumango na ikinangiti niya kaagad.

"Promise me, baby, that you will be there to watch my game." sabi niya at inilahad sa akin ang pinky finger niya.

"I promise." I said and sealed the promise.

Days had passed at ganoon pa rin ang set-up namin ni Zeejei. After nga ng duty ko roon sa ospital na malayo ay umuwi na rin ako sa amin dahil ayaw ko namang iba ang isipin ni papa dahil parang nagsasama na kaming dalawa ni Zeejei sa condo niya. Akala ko ay matutuwa siyang umuwi ako sa amin pero ang ending ay pinagalitan lang niya ako. Halos tatlong oras kase iyong biyahe ko papasok at pauwi kung sa bahay ako uuwi kahit pa nakabalik na ako sa children's hospital dahil sa sobrang traffic.

Kaya ng pumasok ako ng hospital kinabukasan ay sinabihan ako ni papa na ayos lang sakaniya kung sa condo muna ako ni Zeejei uuwi hanggang sa matapos ang competition niya. Hindi rin naman daw pumapalya si Zeejei na iupdate siya sa mga nangyayare sa akin. Ipinakita pa nga niya sa akin iyong mga messages ni Zeejei sakaniya.

"I'm so nervous, baby, hindi ko alam if my training was enough. Pakiramdam ko kase kulang pa lahat ng ensayong ginawa ko to win this competition." sabi ni Zeejei habang naka-unan siya sa may braso ko. I can see how scared she is by the way she looks at the mirror at the top of our bed.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now