Lexianna Fah POV
"Anong oras nga pala ang tapos mo sa bagong part-time job mo?" tanong ni Zeejei habang nagmamaneho papuntang school.
Palagi niya na kase akong hinahatid sa bahay at sinusundo sa mga part time job ko. Noong una ay nagugulat pa ako sa tuwing maaabutan ko siyang naghihintay sa may kanto namin habang nakasandal sa kotse niya o hindi kaya ay nakatambay sa convenient store habang hinihintay matapos ang shift ko para lang maihatid ako sa bahay kahit gabing-gabi na.
"Hindi ko pa nga alam kung papasok na ba ako, ang dami ko pa kaseng pendings." sagot ko sakaniya.
Pumayag na kase yung may ari ng resto-bar na pinagtatrabahuhan ko dati na mag part time ako roon tuwing biyernes at sabado. Hindi pa naman ako umoo pero pwede naman na akong pumasok mamaya kung kakayanin ko.
"Can I ask something, Lexy?"
"Hm?"
"Bakit ka pa nagta-trabaho? Hindi ka ba napapagod?" may halong pag-aalala ang tono ng boses niya.
"Napapagod syempre."
Kung pwede lang na hindi ko gawin 'to ay baka matagal ko ng ginawa pero kase kailangan. Kung hindi ako nagtrabaho baka first year pa lang ng nursing ay hindi ko na kinaya. Kulang na kulang talaga ang perang pinadadala ni mama sa amin, kung hindi ako nagkusa na magtrabaho ay baka hindi ako makakarating ng third year.
"Why not stop working and focus on studying na lang?" she asked.
"Kulang kase ang pinadadala ni mama, Zeej. Basta, hindi mo naman maiintindihan kahit ipaliwanag ko pa kase mayaman ang pamilya ninyo."
Totoo naman, mayaman naman talaga sila. Baka nga cash pa nilang binabayaran yung mga tuition nila or baka siguro hindi na sila nagbabayad kase sila naman ang may ari ng university.
"Where's your m-mom ba?"
Ngumiti kaagad ako sakaniya para ipahiwatig na mali ang iniisip niya. Madalas na 'yang itanong sa akin ng mga tao, madalas kase ay si papa lang talaga ang kasa-kasama ko kaya iniisip nila palagi na wala akong nanay o hindi kaya hiwalay ang mga magulang ko.
"Nasa Thailand si mama, nagtatrabaho bilang h-housekeeper."
Biglang prumeno si Zeejei ng marinig ang sagot ko. Kamuntikan pa nga akong masubsob sa harapan dahil sa biglaan niyang pagpreno.
"Anong nangyare?" gulat na tanong ko sakaniya.
Agad akong tumingin sa harapan namin kung may nabangga ba kami o hindi kaya kamuntikan lang mabangga pero wala naman akong nakita roon. Nang tumingin naman ako sa gawi niya ay kita ko ang kunot na kunot na noo niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"B-bakit?" tanong ko.
Nagulat ba siya sa sagot ko sa tanong niya? Nag-expect ba siya na galing din ako sa isang mayamang pamilya katulad niya?
Halata naman 'yun sa naging reaction niya kaya dapat ay hindi na ako magulat kung isang araw ay bigla na lang siyang hindi na magpakita o magparamdam sa akin. Akala niya siguro ay mayaman rin ang pamilya ko dahil puro anak ng mga doctor ang mga kaibigan ko.
"Totoo ba talaga, Lexy? Housekeeper ang mama mo sa Thailand?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Gulat na gulat nga ang reaction niya na parang akala mo kilalang-kilala niya si mama.
Tumango ako kaagad at hindi man lang nag-alangang sumagot. Marangal ang trabaho ni mama sa ibang bansa at wala naman akong dapat ikahiya roon. Kung hindi dahil sa sakripisyo niya ay hindi ako makakarating sa kung nasaan man ako ngayon.
Nag-iba bigla ang atmosphere namin sa loob ng sasakyan niya. Hindi na siya nagtanong pang muli sa akin at nanatali lang siyang seryoso ang itsura habang nagmamaneho. Parang ang lalim ng iniisip niya ngayon, dahil ba hindi ako mayaman katulad ng iniisip niya?
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...