Lexianna Fah POV
"I'm gonna miss you so much, baby. Hindi ka ba talaga pwedeng sumama sa akin doon?" tanong niya. She even pout her lips kaya hindi ko mapigilang hindi manlambot kay Zeejei ngayon.
"I'm sorry, baby, you know naman na if pwede ako sasama ako, 'di ba?"
Hindi ko alam kung pang-ilang beses niya na ba itong tinanong sa akin. Kung pwede lang talaga akong sumama sakaniya sa Japan para suportahan siya sa paparating niyang Asian Game ay ginawa ko na pero kase hindi talaga pwede.
Fourth year na kaming dalawa at sobrang bumigat din talaga ang mga gawain sa school lalo na sa hospital kaya mas lalo akong nagfocus sa Academic ko. Isang Semester na lang naman at makakagraduate na kami kaya sobrang pagtiya-tiyaga na lang talaga ang ginagawa ko.
"Can we go on a date tonight? I'm leaving on the next day and I want to spend time with my baby."
Isinara ko iyong notes ko na nasa harapan ko bago ako ngumiti sakaniya. Masyado kaming naging busy dalawa this past few days at nagkakasama na lang din kami kapag kumakain ng hapunan.
"Let's go on a date, then."
It's almost eleven in the evening ng umalis kami ng condo. Zeejei borrowed Alora's big bike kaya ang bilis lang ng naging biyahe namin papunta sa isang trending na street malapit sa condo para mag-food trip.
Ipinark niya ang motor niya bago kami magkahawak ng kamay na naglakad sa isang eskinita na punong-puno ngayon ng mga street vendors na nagbebenta ng iba't-ibang klase ng mga pagkain.
Ang buong lugar ay puno ng makukulay na ilaw. May mga maliliit na bombilyang nakasabit sa bawat tindahan, iba-iba ang kulay, at ang bawat isa ay nagbigay ng kakaibang kulay sa masikip na eskinita. Sa bawat tindahan, may nakapalibot na mga LED lights, mga simpleng ilaw na nagiging palatandaan kung anong pagkain ang tinda. Sa iba, may kumikislap pa na mga parol na nagdadagdag ng masayang ambiance, kahit pa malapit na ang hatinggabi.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, dahan-dahang binabaybay ang masikip na espasyo sa pagitan ng mga tao. Bawat tao, nakangiti habang hawak ang mga pagkaing mabilis nilang nabili. Ang mga kabataan ay nagtatawanan habang nagpapalitan ng mga tusok na kwek-kwek, at may mga magkasintahan na magkahawak-kamay habang naghahanap ng ma-uupuan. Naramdaman ko ang ingay sa paligid na tila musika, magkahalong hiyaw, tawanan, at boses ng mga tindero't tindera.
Habang lumalalim ang gabi, mas tumitindi ang kinang ng mga ilaw sa mga tindahan. May mga nagpalit pa ng maliwanag na kulay pula o dilaw, para mapansin agad. Para kaming napunta sa isang maliit na piyesta sa gitna ng siyudad. Sa bawat sulok, iba't ibang lasa at saya ang nag-aabang, may mga inihaw, mga prito, at ang masarap na halimuyak ng mga pagkaing Pinoy.
"What do you want to eat, baby?" tanong ni Zeejei. Nakapwesto siya sa may likuran ko habang nakahawak ang dalawang kamay sa may balikat ko.
Napakarami kase talagang tao ngayon dito at halos nadidikit talaga kami sa mga kasalubong namin. Sinabihan din siya ng bantay sa parking kanina na mag-ingat dahil may mga manyakis at mandurukot daw na kumakalat dito.
"Hindi ko alam! Ang daming pagkain parang lahat gusto kong matikman!" sagot ko sakaniya.
Napatingin ako sa isang ihawan na may ilaw na kumikislap ng pulang LED. Hindi ko napigilang hindi matakam sa isaw na niluluto sa harapan namin lalo na sa mabangong amoy nito.
"Gusto ko isaw, baby." sabi ko kay Zeejei kaya agad siyang bumili non.
Binigyan ako ng isang plastic cup kung saan nakalagay ang isaw na binili ni Zeejei, ako na rin ang naglagay ng sauce kase may sarili namang baso si Zeejei ng kaniya. Alam niya kaseng hindi ako mamimigay kung ako lang ang bibilhan niya dahil paborito ko ito.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...